previous next

1 Mga Taga-Corinto 1

1 Mula kay Pablo na tinawag ayon sa kalooban ng Diyos upang maging apostol ni Cristo Jesus, at mula kay Sostenes na ating kapatid, 2 parat sa iglesya ng Diyos na nasa Corinto, sa inyo na mga hinirang ng Diyos na maging kanya sa pamamagitan ng pakikipag-isa kay Cristo Jesus, gayundin sa lahat ng tao na nasa lahat ng dako na tumatawag sa pangalan ni Jesu-Cristo, na Panginoon nating lahat,

3 Sumainyo nawa ang pagpapala at kapayapaan mula sa Diyos na ating Ama at mula sa Panginoong Jesu-Cristo.

Mga Pagpapala Mula kay Cristo


4 Lagi akong nagpapasalamat sa Diyos dahil sa mga pagpapalang ibinigay niya sa inyo sa pamamagitan ni Cristo Jesus. 5 Dahil sa inyong pakikipag-isa kay Cristo, kayo ay naging masagana sa lahat ng bagay, maging sa pananalita at sa kaalaman. 6 Ang katotohanan tungkol kay Cristo ay pinagtibay sa inyo 7 kaya't hindi kayo nagkukulang sa anumang pagpapala, habang hinihintay ninyong bumalik ang ating Panginoong Jesu-Cristo. 8 Kayo'y gagawin niyang matatag hanggang wakas upang matagpuan kayong walang kapintasan sa araw ng ating Panginoong Jesu-Cristo.t

9 Tapat ang Diyos na tumawag sa inyo upang makipag-isa sa kanyang Anak na si Jesu-Cristo na ating Panginoon.

Pagkakampi-kampi sa Iglesya


10 Mga kapatid, ako'y nakikiusap sa inyo, sa pangalan ng ating Panginoong Jesu-Cristo, magkaisa kayo at huwag magkabaha-bahagi maging sa isipan at maging sa layunin. 11 Sapagkat ibinalita sa akin ng mga kasamahan ni Cloe na kayo raw ay nag-aaway-away. 12 Itot ang tinutukoy ko: may nagsasabing, “Kay Pablo ako;” may nagsasabi namang, “Ako'y kay Apolos.” May iba pa ring nagsasabi, “Kay Pedro ako,” at may iba namang nagsasabi, “Ako'y kay Cristo.” 13 Bakit? Nahati ba si Cristo? Si Pablo ba ang ipinako sa krus para sa inyo? Binautismuhan ba kayo sa pangalan niya? 14 Salamatt sa Diyost at wala akong binautismuhan sa inyo maliban kina Crispo at Gaius, 15 kaya hindi ninyo masasabing kayo'y binautismuhan sa aking pangalan. 16 Akot nga rin pala ang nagbautismo sa pamilya ni Estefanas. Maliban sa kanila'y wala na akong natatandaang binautismuhan ko.

17 Sapagkat isinugo ako ni Cristo, hindi upang magbautismo kundi upang mangaral ng Magandang Balita. Ipinangaral ko nga ito, ngunit hindi sa pamamagitan ng mahusay na pagtatalumpati at karunungan ng tao, nang sa gayon ay hindi mawalan ng kabuluhan ang pagkamatay ni Cristo sa krus.

Si Cristo ang Kapangyarihan at Karunungan ng Diyos


18 Ang mensahe tungkol sa pagkamatay ni Cristo sa krus ay kahangalan para sa mga taong naliligaw ng landas, ngunit ito'y kapangyarihan ng Diyos para sa ating mga naliligtas. 19 Sapagkat t nasusulat, “Sisirain ko ang karunungan ng marurunong at gagawin kong walang saysay ang katalinuhan ng matatalino.” 20 Anot ngayon ang kabuluhan ng marurunong, ng mga tagapagturo ng Kautusan, ng mahuhusay na debatista sa kapanahunang ito? Ipinapakita ng Diyos na ang karunungan ng sanlibutang ito ay pawang kahangalan lamang. 21 Sapagkatt ayon sa karunungan ng Diyos, hindi niya pinahintulutang siya'y makilala ng tao sa pamamagitan ng kanilang karunungan. Sa halip, minarapat niyang iligtas ang mga nagpapasakop sa kanya sa pamamagitan ng Magandang Balita na aming ipinapangaral, na sa tingin ng iba'y isang kahangalan. 22 Ang mga Judio'y humihingi ng himala bilang katunayan. Karunungan naman ang hinahanap ng mga Griyego. 23 Ngunit ang ipinapangaral namin ay si Cristo na ipinako sa krus, na para sa mga Judio ay isang katitisuran at para sa mga Hentil ay isang kahangalan. 24 Subalit sa mga tinawag ng Diyos, maging Judio o maging Griyego, si Cristo ang kapangyarihan at karunungan ng Diyos. 25 Sapagkat ang inaakala nilang kahangalan ng Diyos ay karunungang higit pa sa karunungan ng tao, at ang inaakala nilang kahinaan ng Diyos ay kalakasang higit pa sa kalakasan ng tao. 26 Mga kapatid, alalahanin ninyo ang inyong katayuan noong kayo'y tawagin ng Diyos. Iilan lamang sa inyo ang matatawag na marunong, makapangyarihan at maharlika sa paningin ng tao. 27 Subalit pinili ng Diyos ang mga naturingang hangal sa sanlibutan upang hiyain ang marurunong, at pinili niya ang mga naturingang mahihina upang hiyain ang malalakas. 28 Pinili niya ang mga pangkaraniwang tao, mga hampas lupa, at mga mahihina sa sanlibutang ito upang ipawalang saysay ang mga kinikilala ng sanlibutan. 29 Kaya't walang sinum ang makakapagmalaki sa harap ng Diyos. 30 Sa kanya nagmula ang buhay na taglay ninyo dahil sa pakikipag-isa ninyo kay Cristo Jesus na siyang ginawang karunungan natin. Sa pamamagitan din niya, tayo'y itinuring na matuwid, ginawang banal at iniligtas ng Diyos. 31 Kayat nga, tulad ng nasusulat, “Ang sinumang nais magmalaki, ang ipagmalaki niya'y ang ginawa ng Panginoon.”

1 CORINTHIANS 1

1 From Paul, chosen by God to be an apostle of Christ Jesus, and from Sosthenes, who is also a follower.

2  t To God's church in Corinth. Christ Jesus chose you to be his very own people, and you worship in his name, as we and all others do who call him Lord.

3 My prayer is that God our Father and the Lord Jesus Christ will be kind to you and will bless you with peace!
4 I never stop thanking my God for treating you with undeserved grace by giving you Christ Jesus, 5 who helps you speak and understand so well. 6 Now you are certain that everything we told you about our Lord Christ Jesus is true. 7 You are not missing out on any blessings, as you wait for him to return. 8 And until the day Christ does return, he will keep you completely innocent.

9 God can be trusted, and he chose you to be partners with his Son, our Lord Jesus Christ.

Taking Sides


10 My dear friends, as a follower of our Lord Jesus Christ, I beg you to get along with each other. Don't take sides. Always try to agree in what you think. 11 Several people from Chloe's familyt have already reported to me that you keep arguing with each other.

12 t They have said that some of you claim to follow me, while others claim to follow Apollos or Petert or Christ.
13 Has Christ been divided up? Was I nailed to a cross for you? Were you baptized in my name? 14 t I thank Godt that I didn't baptize any of you except Crispus and Gaius. 15 Not one of you can say that you were baptized in my name. 16 t I did baptize the familyt of Stephanas, but I don't remember if I baptized anyone else.

17 Christ did not send me to baptize. He sent me to tell the good news without using words that sound wise and would make the cross of Christ lose its power.

Christ Is God's Power //and Wisdom


18 The message about the cross doesn't make any sense to lost people. But for those of us who are being saved, it is God's power at work.

19 t As God says in the Scriptures,
“I will destroy the wisdom
of all who claim
to be wise.
I will confuse those
who think they know
so much.”
20  t What happened to those wise people? What happened to those experts in the Scriptures? What happened to the ones who think they have all the answers? Didn't God show that the wisdom of this world is foolish?

21 t God was wise and decided not to let the people of this world use their wisdom to learn about him.
Instead, God chose to save only those who believe the foolish message we preach.
22 Jews ask for miracles, and Greeks want something that sounds wise. 23 But we preach that Christ was nailed to a cross. Most Jews have problems with this, and most Gentiles think it is foolish. 24 Our message is God's power and wisdom for the Jews and the Greeks that he has chosen.

25 Even when God is foolish, he is wiser than everyone else, and even when God is weak, he is stronger than everyone else.
26 My dear friends, remember what you were when God chose you. The people of this world didn't think that many of you were wise. Only a few of you were in places of power, and not many of you came from important families.

27 But God chose the foolish things of this world to put the wise to shame. He chose the weak things of this world to put the powerful to shame.
28 What the world thinks is worthless, useless, and nothing at all is what God has used to destroy what the world considers important. 29 God did all this to keep anyone from bragging to him. 30 You are God's children. He sent Christ Jesus to save us and to make us wise, acceptable, and holy. 31 t So if you want to brag, do what the Scriptures say and brag about the Lord.