1 Mga Taga-Corinto 12
Mga Kaloob ng Espiritu Santo
1 Mga kapatid, ngayon, tungkol naman sa mga kaloob ng Espiritu Santo, nais kong magkaroon kayo ng wastong kaalaman. 2 Alam ninyo na noong hindi pa kayo sumasampalataya, kayo'y napapaniwala sa kung anu-anong mga diyus-diyosan na di naman nakakapagsalita.
3 Kaya't nais kong malaman ninyo na walang taong pinapatnubayan ng Espiritu ng Diyos ang magsasabing, “Sumpain si Jesus!” At hindi rin masasabi ninuman, “Si Jesus ay Panginoon,” kung siya'y hindi pinapatnubayan ng Espiritu Santo.
4 Iba'tt iba ang mga espiritwal na kaloob, ngunit iisa lamang ang Espiritung nagkakaloob ng mga ito. 5 Iba't iba ang paraan ng paglilingkod, ngunit iisa lamang ang Panginoong pinaglilingkuran. 6 Iba't iba ang mga gawaing iniatas, ngunit iisa lamang ang Diyos na kumikilos sa mga taong gumagawa ng mga iyon. 7 Para sa ikabubuti ng lahat, ang bawat isa'y binigyan ng kaloob na nagpapakitang nasa kanya ang Espiritu. 8 Ang ilan sa atin napagkalooban ng kakayahang magsalita ng mensahe ng karunungan. Ang iba naman ay pinagkalooban ng katalinuhan. Subalit iisang Espiritu ang nagkakaloob nito. 9 Ang Espiritu ring iyon ang nagkakaloob sa iba ng pananampalataya sa Diyos, at sa iba'y ang kapangyarihang magpagaling sa mga maysakit. 10 May pinagkalooban ng kapangyarihang gumawa ng mga himala; may pinagkalooban din ng kakayahang magpahayag ng mensaheng mula sa Diyos, at may pinagkalooban naman ng kakayahang malaman kung aling kaloob ang mula sa Espiritu at kung alin ang hindi. May pinagkalooban ng kakayahang magsalita sa iba't ibang mga wika, at sa iba naman ay ang magpaliwanag ng mga wikang iyon.
11 Ngunit isang Espiritu lamang ang gumagawa ng lahat ng ito at namamahagi ng iba't ibang kaloob sa bawat isa, ayon sa kanyang ipinasya.Iisang Katawan Ngunit Maraming Bahagi
12 Sit Cristo'y tulad ng isang katawan na may maraming bahagi. Kahit na binubuo ng iba't ibang bahagi, ito ay nananatiling iisang katawan.
13 Maging Judio o Hentil, alipin man o malaya, tayong lahat ay binautismuhan sa iisang Espiritu upang maging isang katawan. Tayong lahat ay pinainom sa iisang Espiritu.
14 Ang katawan ay binubuo ng maraming bahagi at hindi ng iisang bahagi lamang. 15 Kung sasabihin ng paa, “Hindi ako kamay kaya't hindi ako bahagi ng katawan,” hindi na nga ba ito bahagi ng katawan? 16 Kung sasabihin ng tainga, “Hindi ako mata, kaya't hindi ako bahagi ng katawan,” hindi na nga ba ito bahagi ng katawan? 17 Kung puro mata lamang ang buong katawan, paano ito makakarinig? Kung puro tainga lamang ang buong katawan, paano ito makakaamoy? 18 Subalit inilagay ng Diyos ang bawat bahagi ng katawan ayon sa kanyang kalooban. 19 Kung ang lahat ng bahagi ay pare-pareho, hindi iyan maituturing na katawan.
20 Ngunit ang totoo'y marami ang mga bahagi, ngunit iisa lamang ang katawan.
21 Hindi rin naman masasabi ng mata sa kamay, “Hindi kita kailangan,” ni ng ulo, sa mga paa, “Hindi ko kayo kailangan.” 22 Sa katunayan, ang mga bahaging parang mahihina ang siya pa ngang kailangang kailangan. 23 Ang mga bahagi ng katawan na inaakala nating hindi gaanong kapuri-puri ay pinag-uukulan ng higit na pagpapahalaga. Ang mga bahaging hindi likas na maganda ang siya nating higit na pahalagahan. 24 Hindi na ito kailangang gawin sa mga bahaging sadyang maganda. Nang isaayos ng Diyos ang ating katawan, binigyan niya ng higit na karangalan ang mga bahaging di gaanong marangal, 25 upang hindi magkaroon ng pagkakabaha-bahagi, at sa halip ay magmalasakit sa isa't isa.
26 Kung nasasaktan ang isang bahagi, nasasaktan ang lahat; kung pinaparangalan ang isang bahagi, nagagalak ang lahat.
27 Kayo ngang lahat ang iisang katawan ni Cristo, at bawat isa sa inyo ay bahagi nito. 28 Naglagayt ang Diyos sa iglesya, una, ng mga apostol; ikalawa, ng mga propeta; at ikatlo, ng mga guro. Naglagay rin siya ng mga gumagawa ng mga himala, mga nagpapagaling ng mga maysakit, mga tagatulong, mga tagapangasiwa, at mga nagsasalita sa iba't ibang mga wika. 29 Hindi lahat ay apostol, propeta o guro; hindi lahat ay binigyan ng kakayahang gumawa ng mga himala, 30 magpagaling ng mga maysakit, magsalita sa iba't ibang mga wika o magpaliwanag ng mga wikang ito.
31 Kaya't buong sikap ninyong hangarin ang mga kaloob na mas dakila.
At ngayo'y ituturo ko sa inyo ang walang katulad sa lahat.
1 CORINTHIANS 12
Spiritual Gifts
1 My friends, you asked me about spiritual gifts. 2 I want you to remember that before you became followers of the Lord, you were led in all the wrong ways by idols that cannot even talk.
3 Now I want you to know that if you are led by God's Spirit, you will say that Jesus is Lord, and you will never curse Jesus.
4 t There are different kinds of spiritual gifts, but they all come from the same Spirit. 5 There are different ways to serve the same Lord,
6 and we can each do different things. Yet the same God works in all of us and helps us in everything we do.
7 The Spirit has given each of us a special way of serving others. 8 Some of us can speak with wisdom, while others can speak with knowledge, but these gifts come from the same Spirit. 9 To others the Spirit has given great faith or the power to heal the sick 10 or the power to work mighty miracles. Some of us are prophets, and some of us recognize when God's Spirit is present.t Others can speak different kinds of languages, and still others can tell what these languages mean.
11 But it is the Spirit who does all this and decides which gifts to give to each of us.One Body with Many Parts
12 t The body of Christ has many different parts, just as any other body does.
13 Some of us are Jews, and others are Gentiles. Some of us are slaves, and others are free. But God's Spirit baptized each of us and made us part of the body of Christ. Now we each drink from that same Spirit.t
14 Our bodies don't have just one part. They have many parts. 15 Suppose a foot says, “I'm not a hand, and so I'm not part of the body.” Wouldn't the foot still belong to the body? 16 Or suppose an ear says, “I'm not an eye, and so I'm not part of the body.” Wouldn't the ear still belong to the body? 17 If our bodies were only an eye, we couldn't hear a thing. And if they were only an ear, we couldn't smell a thing.
18 But God has put all parts of our body together in the way that he decided is best.
19 A body isn't really a body, unless there is more than one part. 20 It takes many parts to make a single body. 21 That's why the eyes cannot say they don't need the hands. That's also why the head cannot say it doesn't need the feet. 22 In fact, we cannot get along without the parts of the body that seem to be the weakest. 23 We take special care to dress up some parts of our bodies. We are modest about our personal parts,
24 but we don't have to be modest about other parts.
God put our bodies together in such a way that even the parts that seem the least important are valuable. 25 He did this to make all parts of the body work together smoothly, with each part caring about the others.
26 If one part of our body hurts, we hurt all over. If one part of our body is honored, the whole body will be happy.
27 Together you are the body of Christ. Each one of you is part of his body. 28 t First, God chose some people to be apostles and prophets and teachers for the church. But he also chose some to work miracles or heal the sick or help others or be leaders or speak different kinds of languages. 29 Not everyone is an apostle. Not everyone is a prophet. Not everyone is a teacher. Not everyone can work miracles. 30 Not everyone can heal the sick. Not everyone can speak different kinds of languages. Not everyone can tell what these languages mean. 31 I want you to desire the best gifts.t So I will show you a much better way.