previous next

I Mga Taga-Corinto 12

1 Ngayong tungkol sa mga kaloob na ayon sa espiritu, mga kapatid, ay hindi ko ibig na hindi kayo makaalam.2 Nalalaman ninyo na nang kayo'y mga Gentil pa, ay iniligaw kayo sa mga piping diosdiosan, sa alin mang paraang pagkahatid sa inyo.3 Kaya't ipinatatalastas ko sa inyo, na wala sinomang nagsasalita sa pamamagitan ng Espiritu ng Dios ay nagsasabi, Si Jesus ay itinakwil; at wala sinoman ay makapagsasabi, Si Jesus ay Panginoon kundi sa pamamagitan ng Espiritu Santo.4 Ngayo'y may iba't ibang mga kaloob, datapuwa't iisang Espiritu.5 At may iba't ibang mga pangangasiwa, datapuwa't iisang Panginoon.6 At may iba't ibang paggawa, datapuwa't iisang Dios na gumagawa ng lahat ng mga bagay sa lahat.7 Datapuwa't sa bawa't isa ay ibinibigay ang paghahayag ng Espiritu, upang pakinabangan naman.8 Sapagka't sa isa, sa pamamagitan ng Espiritu ay ibinibigay ang salita ng karunungan; at sa iba'y ang salita ng kaalaman ayon din sa Espiritu:9 Sa iba'y ang pananampalataya, sa gayon ding Espiritu; at sa iba'y ang mga kaloob na pagpapagaling, sa iisang Espiritu.10 At sa iba'y ang mga paggawa ng mga himala; at sa iba'y hula; at sa iba'y ang pagkilala sa mga espiritu; at sa iba'y ang iba't ibang wika; at sa iba'y ang pagpapaliwanag ng mga wika.11 Datapuwa't ang lahat ng ito ay ginagawa ng isa at ng gayon ding Espiritu, na binabahagi sa bawa't isa ayon sa kaniyang ibig.12 Sapagka't kung paanong ang katawan ay iisa, at mayroong maraming mga sangkap, at ang lahat ng mga sangkap ng katawan, bagama't marami, ay iisang katawan; gayon din naman si Cristo.13 Sapagka't sa isang Espiritu ay binabautismuhan tayong lahat sa isang katawan, maging tayo'y Judio o Griego, maging mga alipin o mga laya; at tayong lahat ay pinainom sa isang Espiritu.14 Sapagka't ang katawan ay hindi iisang sangkap, kundi marami.15 Kung sasabihin ng paa, Sapagka't hindi ako kamay, ay hindi ako sa katawan; hindi nga dahil dito'y hindi sa katawan.16 At kung sasabihin ng tainga, Sapagka't hindi ako mata, ay hindi ako sa katawan; hindi nga dahil dito'y hindi sa katawan.17 Kung ang buong katawan ay pawang mata, saan naroroon ang pakinig? Kung ang lahat ay pawang pakinig, saan naroroon ang pangamoy.18 Datapuwa't ngayo'y inilagay ng Dios ang bawa't isa sa mga sangkap ng katawan, ayon sa kaniyang minagaling.19 At kung ang lahat nga'y pawang isang sangkap, saan naroroon ang katawan?20 Datapuwa't maraming mga sangkap nga, nguni't iisa ang katawan.21 At hindi makapagsasabi ang mata sa kamay, Hindi kita kinakailangan: at hindi rin ang ulo sa mga paa, Hindi ko kayo kailangan.22 Hindi, kundi lalo pang kailangan yaong mga sangkap ng katawan na wari'y lalong mahihina:23 At yaong mga sangkap ng katawan, na inaakala nating kakaunti ang kapurihan, sa mga ito ipinagkakaloob natin ang lalong saganang papuri; at ang mga sangkap nating mga pangit ay siyang may lalong saganang kagandahan;24 Yamang ang mga sangkap nating magaganda ay walang kailangan: datapuwa't hinusay ng Dios ang katawan na binigyan ng lalong saganang puri yaong sangkap na may kakulangan;25 Upang huwag magkaroon ng pagkakabahabahagi sa katawan; kundi ang mga sangkap ay mangagkaroon ng magkasing-isang pagiingat sa isa't isa.26 At kung ang isang sangkap ay nagdaramdam, ang lahat ng mga sangkap ay nangagdaramdam na kasama niya; o kung ang isang sangkap ay nagkakapuri, ang lahat ng mga sangkap ay nangagagalak na kasama niya.27 Kayo nga ang katawan ni Cristo, at bawa't isa'y samasamang mga sangkap niya.28 At ang Dios ay naglagay ng ilan sa iglesia, una-una'y mga apostol, ikalawa'y mga propeta, ikatlo'y mga guro, saka mga himala, saka mga kaloob na pagpapagaling, mga pagtulong, mga pamamahala, at iba't ibang mga wika.29 Lahat baga'y mga apostol? lahat baga'y mga propeta? lahat baga'y mga guro? lahat baga'y mga manggagawa ng mga himala?30 May mga kaloob na pagpapagaling baga ang lahat? nangagsasalita baga ang lahat ng mga wika? lahat baga ay nangagpapaliwanag?31 Datapuwa't maningas ninyong nasain, ang lalong dakilang mga kaloob. At itinuturo ko sa inyo ang isang daang kagalinggalingan.

1 CORINTHIANS 12

Spiritual Gifts

1 My friends, you asked me about spiritual gifts. 2 I want you to remember that before you became followers of the Lord, you were led in all the wrong ways by idols that cannot even talk.

3 Now I want you to know that if you are led by God's Spirit, you will say that Jesus is Lord, and you will never curse Jesus.
4  t There are different kinds of spiritual gifts, but they all come from the same Spirit. 5 There are different ways to serve the same Lord,

6 and we can each do different things. Yet the same God works in all of us and helps us in everything we do.
7 The Spirit has given each of us a special way of serving others. 8 Some of us can speak with wisdom, while others can speak with knowledge, but these gifts come from the same Spirit. 9 To others the Spirit has given great faith or the power to heal the sick 10 or the power to work mighty miracles. Some of us are prophets, and some of us recognize when God's Spirit is present.t Others can speak different kinds of languages, and still others can tell what these languages mean.

11 But it is the Spirit who does all this and decides which gifts to give to each of us.

One Body with Many Parts


12  t The body of Christ has many different parts, just as any other body does.

13 Some of us are Jews, and others are Gentiles. Some of us are slaves, and others are free. But God's Spirit baptized each of us and made us part of the body of Christ. Now we each drink from that same Spirit.t
14 Our bodies don't have just one part. They have many parts. 15 Suppose a foot says, “I'm not a hand, and so I'm not part of the body.” Wouldn't the foot still belong to the body? 16 Or suppose an ear says, “I'm not an eye, and so I'm not part of the body.” Wouldn't the ear still belong to the body? 17 If our bodies were only an eye, we couldn't hear a thing. And if they were only an ear, we couldn't smell a thing.

18 But God has put all parts of our body together in the way that he decided is best.
19 A body isn't really a body, unless there is more than one part. 20 It takes many parts to make a single body. 21 That's why the eyes cannot say they don't need the hands. That's also why the head cannot say it doesn't need the feet. 22 In fact, we cannot get along without the parts of the body that seem to be the weakest. 23 We take special care to dress up some parts of our bodies. We are modest about our personal parts,

24 but we don't have to be modest about other parts.
God put our bodies together in such a way that even the parts that seem the least important are valuable.
25 He did this to make all parts of the body work together smoothly, with each part caring about the others.

26 If one part of our body hurts, we hurt all over. If one part of our body is honored, the whole body will be happy.
27 Together you are the body of Christ. Each one of you is part of his body. 28 t First, God chose some people to be apostles and prophets and teachers for the church. But he also chose some to work miracles or heal the sick or help others or be leaders or speak different kinds of languages. 29 Not everyone is an apostle. Not everyone is a prophet. Not everyone is a teacher. Not everyone can work miracles. 30 Not everyone can heal the sick. Not everyone can speak different kinds of languages. Not everyone can tell what these languages mean. 31 I want you to desire the best gifts.t So I will show you a much better way.