1 Mga Taga-Corinto 14
Tungkol pa rin sa mga Kaloob ng Espiritu
1 Pakamithiin ninyo ang pag-ibig! Hangarin ninyo ang mga kaloob na espirituwal, lalung-lalo na ang makapagpahayag ng mensaheng mula sa Diyos. 2 Ang nagsasalita sa iba't ibang wika ay sa Diyos nakikipag-usap at hindi sa tao, sapagkat walang nakakaunawa sa kanya, ngunit nagsasalita siya ng mga hiwaga sa tulong ng Espiritu Santo. 3 Sa kabilang dako, ang nagpapahayag naman ng mensaheng mula sa Diyos ay nagsasalita sa mga tao upang patibayin ang kanilang pananampalataya, palakasin ang kanilang loob, at sila'y aliwin.
4 Ang sariling pamumuhay espirituwal ang pinapaunlad ng nagsasalita ng iba't ibang wika, ngunit ang iglesya ang pinapaunlad ng nagpapahayag ng mensaheng mula sa Diyos.
5 Nais ko sanang kayong lahat ay makapagsalita ng iba't ibang wika, ngunit higit na gusto kong kayo'y makapagpahayag ng mensaheng mula sa Diyos. Higit na mahalaga ang nagpapahayag ng mensaheng mula sa Diyos kaysa nagsasalita sa iba't ibang mga wika, maliban na lamang kung may magpapaliwanag ng kanyang sinasabi upang makatulong sa pag-unlad ng iglesya.
6 Kaya, mga kapatid, kung pumunta man ako riyan at magsalita sa inyo sa iba't ibang mga wika, ano ang mapapakinabang ninyo sa akin? Wala! Makikinabang lamang kayo kung tinuturuan ko kayo ng mga pahayag ng Diyos, ng nalalaman ko tungkol sa kanya, ng mga mensaheng mula sa Diyos, at ng mga aral.
7 Maging sa mga instrumentong walang buhay tulad ng plauta at alpa, paanong malalaman ninuman kung ano ang tinutugtog kung hindi malinaw ang tunog ng mga nota? 8 At kung hindi malinaw ang tunog ng trumpeta, sino ang maghahanda sa pakikipaglaban?
9 Gayundin naman, paanong malalaman ninuman ang nais ninyong sabihin kung magsasalita kayo sa pamamagitan ng wikang hindi naman nila nauunawaan? Para kayong nakikipag-usap sa hangin.
10 Maraming iba't ibang wika sa daigdig, at bawat isa ay may kahulugan, 11 ngunit kung hindi ako marunong ng wikang ginagamit ng aking kausap, hindi kami magkakaintindihan.
12 Dahil nananabik kayo sa mga kaloob ng Espiritu, sikapin ninyong sumagana kayo sa mga kaloob na makakapagpaunlad sa iglesya.
13 Dahil dito, kailangang manalangin ang nagsasalita ng iba't ibang mga wika na bigyan din siya ng kaloob na makapagpaliwanag nito. 14 Kung nananalangin ako sa wikang iyan, nananalangin nga ang aking espiritu ngunit walang pakinabang ang aking pag-iisip. 15 Ano ang dapat kong gawin? Mananalangin ako sa pamamagitan ng aking espiritu, ngunit gagamitin ko rin ang aking pag-iisip sa aking pananalangin. Ako'y aawit sa pamamagitan ng espiritu, ngunit gagamitin ko rin ang aking pag-iisip sa aking pag-awit. 16 Kung nagpapasalamat ka sa Diyos sa pamamagitan ng espiritu lamang, paanong makakapagsabi ng “Amen” ang isang taong naroroon kung hindi niya nauunawaan ang iyong sinasabi?
17 Mabuti ang iyong pagpapasalamat, ngunit hindi nakakatulong sa pag-unlad ng buhay espirituwal ng iba.
18 Nagpapasalamat ako sa Diyos sapagkat ako'y nakakapagsalita sa iba't ibang mga wika, higit kaysa sa inyong lahat.
19 Ngunit sa pagtitipon ng iglesya, mas gusto ko pang magsalita ng limang katagang mauunawaan at makakapagturo sa iba, kaysa libu-libong salitang wala namang nakakaunawa.
20 Mga kapatid, huwag kayong maging isip-bata. Maging tulad kayo ng mga batang walang malay kung tungkol sa kasamaan, ngunit sa inyong pang-unawa, maging tulad kayo ng matatanda.
21 Ganitot ang nakasulat sa Kautusan:
“Sinabi ng Panginoon,
‘Magsasalita ako sa bayang ito, sa pamamagitan ng mga taong may ibang wika,
sa pamamagitan ng labi ng mga banyaga,
ngunit hindi pa rin nila ako papakinggan.’”
22 Kung gayon, ang kaloob na makapagsalita sa iba't ibang mga wika ay isang palatandaan para sa mga di sumasampalataya, hindi para sa mga mananampalataya. Ngunit ang kaloob na makapagpahayag ng mensaheng mula sa Diyos ay palatandaan para sa mga mananampalataya at hindi sa mga di sumasampalataya.
23 Kaya't kung sa pagtitipon ng iglesya ay nagsasalita ng iba't ibang mga wika ang lahat, at may dumating na mga taong di nakakaunawa o di sumasampalataya, hindi kaya nila sasabihing sira ang ulo ninyo? 24 Ngunit kung ang lahat ay nagpapahayag ng mensaheng mula sa Diyos, at dumating doon ang isang di nakakaunawa, o di sumasampalataya, makikilala niyang siya'y makasalanan, madarama ang kanyang tunay na kalagayan,
25 at malalaman niya ang mga lihim ng kanyang puso. Kaya't luluhod siya, sasamba sa Diyos, at sasabihing, “Talagang ang Diyos ay nasa inyo.”Kaayusan sa Iglesya
26 Ano ngayon ang kahulugan ng lahat ng iyon, mga kapatid? Kung sa inyong pagtitipon ay may umaawit, may nagtuturo, may naghahayag ng kalooban ng Diyos, may nagsasalita sa iba't ibang mga wika, at mayroon namang nagpapaliwanag noon, gawin ninyo ang lahat ng iyan sa ikauunlad ng iglesya. 27 Kung may magsasalita sa iba't ibang mga wika, sapat na ang dalawa o tatlo, salit-salitan sila, at kailangang may magpapaliwanag ng kanilang sinasabi. 28 Ngunit kung walang magpapaliwanag, manahimik na lamang ang bawat isa at makipag-usap nang sarilinan sa Diyos. 29 Hayaang magsalita ang dalawa o tatlong tao na tumanggap ng kaloob na makapagpahayag ng mensaheng mula sa Diyos, at timbangin naman ng iba ang mga sinasabi nila. 30 At kung ang isa sa mga nakaupo roon ay tumanggap ng pahayag mula sa Diyos, tumigil muna ang nagsasalita. 31 Sapagkat kayong lahat ay maaaring isa-isang magpahayag ng mensaheng mula sa Diyos upang matuto ang lahat at mapalakas ang loob nila. 32 Ang kaloob na pagpapahayag ng mensaheng mula sa Diyos ay dapat napipigil ng tumanggap ng kaloob na iyon,
33 sapagkat ang Diyos ay di nalulugod sa kaguluhan dahil siya ang Diyos ng kaayusan at kapayapaan.
Gaya ng dapat mangyari sa lahat ng iglesya ng mga hinirang ng Diyos, 34 ang mga babae ay kailangang manahimik sa mga pagtitipon sa iglesya. Sapagkat hindi ipinapahintulot sa kanila sa ganoong mga pagtitipon ang magsalita; kailangang sila'y pasakop, gaya ng sinasabi ng Kautusan.
35 Kung mayroon silang nais malaman, magtanong sila sa kanilang asawa pagdating nila sa bahay; sapagkat kahiya-hiyang magsalita ang isang babae sa loob ng iglesya.t
36 Inaakala kaya ninyong sa inyo nagmula ang salita ng Diyos, o kayo lamang ang tumanggap nito? 37 Kung inaakala ninuman na siya'y tumanggap ng pahayag mula sa Diyos, o anumang kaloob ng Espiritu, dapat niyang kilalanin na ang isinusulat ko sa inyo ay utos ng Panginoon.
38 Ang ayaw kumilala nito ay huwag din ninyong kilalanin.
39 Kaya, mga kapatid ko, hangarin ninyo na makapagpahayag ng mensaheng mula sa Diyos, ngunit huwag naman ninyong ipagbawal ang pagsasalita sa iba't ibang mga wika. 40 Kaya lang, gawin ninyo ang lahat ng bagay sa wasto at maayos na paraan.
1 CORINTHIANS 14
Speaking Unknown Languages //and Prophesying
1 Love should be your guide. Be eager to have the gifts that come from the Holy Spirit, especially the gift of prophecy. 2 If you speak languages that others don't know, God will understand what you are saying, though no one else will know what you mean. You will be talking about mysteries that only the Spirit understands.
3 But when you prophesy, you will be understood, and others will be helped. They will be encouraged and made to feel better.
4 By speaking languages that others don't know, you help only yourself. But by prophesying you help everyone in the church.
5 I am glad for you to speak unknown languages, although I prefer that you would prophesy. In fact, prophesying does much more good than speaking unknown languages, unless someone can help the church by explaining what you mean.
6 My friends, what good would it do, if I came and spoke unknown languages to you and didn't explain what I meant? How would I help you, unless I told you what God had shown me or gave you some knowledge or prophecy or teaching? 7 If all musical instruments sounded alike, how would you know the difference between a flute and a harp?
8 If a bugle call isn't clear, how would you know to get ready for battle?
9 This is how it is when you speak unknown languages. If no one can understand what you are talking about, you will only be talking to the wind. 10 There are many different languages in this world, and all of them make sense. 11 But if I don't understand the language that someone is using, we will be like foreigners to each other.
12 If you really want spiritual gifts, choose the ones that will be most helpful to the church.
13 When we speak languages that others don't know, we should pray for the power to explain what we mean. 14 For example, if I use an unknown language in my prayers, my spirit prays but my mind is useless.
15 Then what should I do? There are times when I should pray with my spirit, and times when I should pray with my mind. Sometimes I should sing with my spirit, and at other times I should sing with my mind.
16 Suppose some strangers are in your worship service, when you are praising God with your spirit. If they don't understand you, how will they know to say, “Amen”? 17 You may be worshiping God in a wonderful way, but no one else will be helped. 18 I thank God that I speak unknown languages more than any of you.
19 But words that make sense can help the church. This is why in church I would rather speak five words that make sense than to speak 10,000 words in a language that others don't know.
20 My friends, stop thinking like children. Think like mature people and be as innocent as tiny babies.
21 t In the Scriptures the Lord says,
“I will use strangers
who speak unknown languages
to talk to my people.
They will speak to them
in foreign languages,
but still my people
won't listen to me.”
22 Languages others don't know may mean something to unbelievers, but not to the Lord's followers. Prophecy, on the other hand, is for followers, not for unbelievers. 23 Suppose everyone in your worship service started speaking unknown languages, and some outsiders or some unbelievers come in. Won't they think you are crazy? 24 But suppose all of you are prophesying when those unbelievers and outsiders come in. They will realize that they are sinners, and they will want to change their ways because of what you are saying.
25 They will tell what is hidden in their hearts. Then they will kneel down and say to God, “We are certain that you are with these people.”Worship Must Be Orderly
26 My friends, when you meet to worship, you must do everything for the good of everyone there. That's how it should be when someone sings or teaches or tells what God has said or speaks an unknown language or explains what the language means. 27 No more than two or three of you should speak unknown languages during the meeting. You must take turns, and someone should always be there to explain what you mean.
28 If no one can explain, you must keep silent in church and speak only to yourself and to God.
29 Two or three persons may prophesy, and everyone else must listen carefully. 30 If someone sitting there receives a message from God, the speaker must stop and let the other person speak. 31 Let only one person speak at a time, then all of you will learn something and be encouraged. 32 A prophet should be willing to stop and let someone else speak.
33 God wants everything to be done peacefully and in order.
When God's people meet in church, 34 the women must not be allowed to speak. They must keep quiet and listen, as the Law of Moses teaches.
35 If there is something they want to know, they can ask their husbands when they get home. It is disgraceful for women to speak in church.
36 God's message did not start with you people, and you are not the only ones it has reached.
37 If you think of yourself as a prophet or a spiritual person, you will know I am writing only what the Lord has commanded. 38 So don't pay attention to anyone who ignores what I am writing. 39 My friends, be eager to prophesy and don't stop anyone from speaking languages that others don't know. 40 But do everything properly and in order.