previous next

1 Mga Taga-Corinto 2

Ang Ipinapangaral ni Pablo

1 Mga kapatid, nang ako'y pumunta riyan, ipinahayag ko sa inyo ang hiwagat ng Diyos hindi sa pamamagitan ng kahusayan ng pananalita o ng malawak na karunungan. 2 Sapagkat noong ako'y nariyan, ipinasya kong walang sinumang kilalanin maliban kay Jesu-Cristo na ipinako sa krus. 3 Noongt ako'y nariyan, ako'y nanghihina at nanginginig sa takot. 4 Sa aking pananalita at pangangaral ay hindi ko sinubukang hikayatin kayo sa pamamagitan ng mahuhusay na talumpati at karunungan ng tao. Subalit nangaral ako sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu.

5 upang ang inyong pananampalataya ay masandig sa kapangyarihan ng Diyos at hindi sa karunungan ng tao.

Ang Karunungan ng Diyos


6 Sa mga matatag na sa buhay espirituwal ay nangangaral kami ng salita ng karunungan, hindi karunungan ng mundong ito, o ng mga tagapamahala sa mundong ito na ang kapangyarihan ay lilipas. 7 Subalit ang ipinapahayag namin ay ang lihim na karunungan ng Diyos na hindi nahayag noong una, na itinalaga na niya para sa ating ikaluluwalhati bago pa likhain ang sanlibutan. 8 Walangt isa man sa mga tagapamahala sa daigdig na ito ang nakaunawa sa karunungang iyon, sapagkat kung naunawaan nila iyon, hindi sana nila ipinako sa krus ang Panginoon ng kaluwalhatian.

9 Subalitt tulad ng nasusulat,
“Hindi pa nakikita ng mata, o naririnig ng tainga,
ni hindi pa sumasagi sa isip ng tao
ang mga inihanda ng Diyos para sa mga umiibig sa kanya.”
10 Ngunit ito'y inihayag na ng Diyos sa atin sa pamamagitan ng Espiritu. Sinasalikisik ng Espiritu ang lahat ng bagay, maging ang pinakamalalim na layunin ng Diyos. 11 Sapagkat walang nakakaalam sa iniisip ng isang tao maliban sa kanyang sariling espiritu. Gayundin naman, walang nakakaalam sa mga iniisip ng Diyos maliban sa Espiritu ng Diyos.

12 Ang tinanggap natin ay hindi ang espiritu ng sanlibutan kundi ang Espiritu na mula sa Diyos upang maunawaan natin ang mga kaloob niya sa atin.
13 Kaya nga, kami ay nangangaral hindi sa pamamagitan ng karunungan ng tao kundi sa pamamagitan ng Espiritu. Ang ipinapaliwanag namin ay mga katotohanang espirituwal para sa mga pinapanahanan ng Espiritu. 14 Sapagkat ang taong di pinapanahanan ng Espiritu ay ayaw tumanggap ng mga kaloob mula sa Espiritu ng Diyos. Para sa kanila, kahangalan ang mga iyon at di nila nauunawaan, sapagkat ang mga bagay na espirituwal ay mauunawaan lamang sa paraang espirituwal.

15 Sinisiyasat ng taong pinapanahanan ng Espiritu ang lahat ng bagay, ngunit walang sinumang makakasiyasat sa kanya.

16 “Sinot ang nakakaalam ng pag-iisip ng Panginoon?
Sino ang makapagpapayo sa kanya?”
Ngunit nasa atin ang pag-iisip ni Cristo.

1 CORINTHIANS 2

Telling about Christ //and the Cross

1 Friends, when I came and told you the mysteryt that God had shared with us, I didn't use big words or try to sound wise.

2 In fact, while I was with you, I made up my mind to speak only about Jesus Christ, who had been nailed to a cross.
3  t At first, I was weak and trembling with fear. 4 When I talked with you or preached, I didn't try to prove anything by sounding wise. I simply let God's Spirit show his power.

5 That way you would have faith because of God's power and not because of human wisdom.
6 We do use wisdom when speaking to people who are mature in their faith. But it isn't the wisdom of this world or of its rulers, who will soon disappear. 7 We speak of God's hidden and mysterious wisdom that God decided to use for our glory long before the world began. 8 t The rulers of this world didn't know anything about this wisdom. If they had known about it, they would not have nailed the glorious Lord to a cross.

9 t But it is just as the Scriptures say,
“What God has planned
for people who love him
is more than eyes have seen
or ears have heard.
It has never even
entered our minds!”
10 God's Spirit has shown you everything. His Spirit finds out everything, even what is deep in the mind of God. 11 You are the only one who knows what is in your own mind, and God's Spirit is the only one who knows what is in God's mind.

12 But God has given us his Spirit. This is why we don't think the same way that the people of this world think. This is also why we can recognize the blessings God has given us.
13 Every word we speak was taught to us by God's Spirit, not by human wisdom. And this same Spirit helps us teach spiritual things to spiritual people.t 14 This is why only someone who has God's Spirit can understand spiritual blessings. Anyone who doesn't have God's Spirit thinks these blessings are foolish. 15 People who are guided by the Spirit can make all kinds of judgments, but they cannot be judged by others.

16 t The Scriptures ask,
“Has anyone ever known
the thoughts of the Lord
or given him advice?”
But we understand what Christ is thinking.t