1 Mga Taga-Corinto 3
Mga Lingkod ng Diyos
1 Mga kapatid, hindi ko kayo makausap bilang mga taong nagtataglay ng Espiritu. Kailangang kausapin ko kayo bilang mga taong namumuhay pa ayon sa laman at mga sanggol pa sa pananampalataya kay Cristo. 2 Gatast ang ibinigay ko sa inyo noon at hindi matigas na pagkain, sapagkat hindi ninyo kaya iyon. Subalit hanggang ngayon ay hindi pa rin ninyo kaya, 3 sapagkat nananaig pa sa inyo ang laman. Ang inyong pag-iinggitan at pag-aaway-away ay palatandaan na makasanlibutan pa kayo at namumuhay ayon sa laman.
4 Kapagt sinasabi ng isa, “Ako'y kay Pablo,” at ng iba, “Ako'y kay Apolos,” hindi ba't palatandaan iyan na kayo'y namumuhay pa ayon sa laman?
5 Sino ba si Apolos at sino si Pablo? Kami'y mga lingkod lamang ng Diyos na kinasangkapan niya upang akayin kayo sa pananampalataya kay Cristo. Ginawa lamang ng bawat isa sa amin ang tungkuling ibinigay ng Panginoon. 6 Akot ang nagtanim, si Apolos ang nagdilig, subalit ang Diyos ang nagpatubo at nagpalago. 7 Hindi ang nagtatanim o nagdidilig ang mahalaga kundi ang Diyos, sapagkat siya ang nagpapatubo at nagpapalago. 8 Ang nagtatanim at ang nagdidilig ay parehong manggagawa lamang, at bawat isa'y tatanggap ng gantimpala ayon sa kanyang pagsisikap.
9 Kami'y kapwa manggagawa ng Diyos at kayo ang kanyang bukirin.
Kayo rin ay gusali ng Diyos. 10 Ayon sa kagandahang-loob ng Diyos sa akin, inilagay ko ang pundasyon, tulad ng isang mahusay na tagapagtayo. Iba naman ang nagpapatuloy sa pagtatayo ng gusali. Ngunit dapat maging maingat ang bawat nagtatayo, 11 sapagkat wala nang ibang pundasyong maaaring ilagay maliban sa nailagay na, walang iba kundi si Jesu-Cristo. 12 May nagtatayo na gumagamit ng ginto, pilak, o mahahalagang bato; mayroon namang gumagamit ng kahoy, damo, o dayami. 13 Makikilala ang uri ng gawa ng bawat isa sa Araw ng Paghuhukom sapagkat mahahayag sa pamamagitan ng apoy kung anong uri ang ginawa ng bawat isa. 14 Kung ang itinayo sa ibabaw ng pundasyon ay hindi masunog, tatanggap ng gantimpala ang nagtayo noon.
15 Ngunit kung masunog naman, mawawalan siya ng gantimpala. Gayunman, maliligtas siya, kaya lang ay para siyang nagdaan sa apoy.
16 Hindit ba ninyo alam na kayo'y templo ng Diyos at naninirahan sa inyo ang kanyang Espiritu?
17 Paparusahan ng Diyos ang sinumang magwasak ng templo niya. Sapagkat banal ang templo ng Diyos, at kayo ang templong iyan.
18 Huwag dayain ninuman ang kanyang sarili. Kung may nag-aakalang siya'y matalino ayon sa sanlibutang ito, aminin niyang siya'y mangmang upang maging tunay na marunong. 19 Sapagkatt ang karunungan ng sanlibutang ito ay kamangmangan sa paningin ng Diyos. Gaya ng nasusulat, “Hinuhuli niya ang marurunong sa kanila na ring katusuhan.” 20 Gayundin,t “Batid ng Panginoon na ang iniisip ng marurunong ay walang kabuluhan.” 21 Kaya't huwag ipagmalaki ninuman ang nagagawa ng tao. Para sa inyo ang lahat ng ito, 22 si Pablo, si Apolos, at si Pedro, ang sanlibutang ito, ang buhay, ang kamatayan, ang kasalukuyan, at ang hinaharap; lahat ng ito'y para sa inyo. 23 At kayo'y para kay Cristo, at si Cristo nama'y para sa Diyos.
1 CORINTHIANS 3
Working Together for God
1 My friends, you are acting like the people of this world. That's why I could not speak to you as spiritual people. You are like babies as far as your faith in Christ is concerned. 2 t So I had to treat you like babies and feed you milk. You could not take solid food, and you still cannot,
3 because you are not yet spiritual. You are jealous and argue with each other. This proves you are not spiritual and you are acting like the people of this world.
4 t Some of you say you follow me, and others claim to follow Apollos. Isn't this how ordinary people behave? 5 Apollos and I are merely servants who helped you to have faith. It was the Lord who made it all happen. 6 t I planted the seeds, Apollos watered them, but God made them sprout and grow. 7 What matters isn't those who planted or watered, but God who made the plants grow. 8 The one who plants is just as important as the one who waters. And each one will be paid for what they do.
9 Apollos and I work together for God, and you are God's garden and God's building.Only One Foundation
10 God treated me with undeserved grace and let me become an expert builder. I laid a foundation on which others have built. But we must each be careful how we build, 11 because Christ is the only foundation. 12-13 Whatever we build on this foundation will be tested by fire on the day of judgment. Then everyone will find out if we have used gold, silver, and precious stones, or wood, hay, and straw. 14 We will be rewarded if our building is left standing.
15 But if it is destroyed by the fire, we will lose everything. Yet we ourselves will be saved, like someone escaping from flames.
16 t All of you surely know you are God's temple and his Spirit lives in you.
17 Together you are God's holy temple, and God will destroy anyone who destroys his temple.
18 Don't fool yourselves! If any of you think you are wise in the things of this world, you will have to become foolish before you can be truly wise. 19 t This is because God considers the wisdom of this world to be foolish. It is just as the Scriptures say, “God catches the wise when they try to outsmart him.” 20 t The Scriptures also say, “The Lord knows that the plans made by wise people are useless.” 21-22 So stop bragging about what anyone has done. Paul and Apollos and Petert all belong to you. In fact, everything is yours, including the world, life, death, the present, and the future. Everything belongs to you, 23 and you belong to Christ, and Christ belongs to God.