I Mga Taga-Corinto 3
1 At ako, mga kapatid, ay hindi nakapagsalita sa inyo na tulad sa mga nasa espiritu, kundi tulad sa mga nasa laman, tulad sa mga sanggol kay Cristo.2 Kinandili ko kayo ng gatas, at hindi ng lamang-kati; sapagka't kayo'y wala pang kaya noon: wala, na ngayon pa man ay wala kayong kaya;3 Sapagka't kayo'y mga sa laman pa: sapagka't samantalang sa inyo'y may mga paninibugho at mga pagtatalo, hindi baga kayo'y mga sa laman, at kayo'y nagsisilakad ayon sa kaugalian ng mga tao?4 Sapagka't kung sinasabi ng isa, Ako'y kay Pablo; at ng iba, Ako'y kay Apolos; hindi baga kayo'y mga tao?5 Ano nga si Apolos? at Ano si Pablo? Mga ministro na sa pamamagitan nila ay nagsisampalataya kayo; at sa bawa't isa ayon sa ipinagkaloob ng Panginoon sa kaniya.6 Ako ang nagtanim, si Apolos ang nagdilig; nguni't ang Dios ang siyang nagpalago.7 Ano pa't walang anoman ang nagtatanim, ni ang nagdidilig; kundi ang Dios na nagpapalago.8 Ngayon ang nagtatanim at ang nagdidilig ay iisa: nguni't ang bawa't isa ay tatanggap ng kaniyang sariling kagantihan ayon sa kaniyang sariling pagpapagal.9 Sapagka't tayo ay mga kamanggagawa ng Dios: kayo ang bukid ng Dios, ang gusali ng Dios.10 Ayon sa biyaya ng Dios na ibinigay sa akin, na tulad sa matalinong tagapagtayo ay inilagay ko ang pinagsasaligan; at iba ang nagtatayo sa ibabaw nito. Nguni't ingatan ng bawa't tao kung paano ang pagtatayo niya sa ibabaw nito.11 Sapagka't sinoman ay hindi makapaglalagay ng ibang pinagsasaligan, kundi ang nalalagay na, na ito'y si Cristo Jesus.12 Datapuwa't kung ang sinoma'y magtatayo sa ibabaw ng pinagsasaligang ito ng ginto, pilak, mga mahahalagang bato, kahoy, tuyong dayami;13 Ang gawa ng bawa't isa ay mahahayag: sapagka't ang araw ang magsasaysay, sapagka't sa pamamagitan ng apoy inihahayag; at ang apoy rin ang susubok sa gawa ng bawa't isa kung ano yaon.14 Kung ang gawa ng sinoman ay manatili, na kaniyang itinayo sa ibabaw niyaon, siya'y tatanggap ng kagantihan.15 Kung ang gawa ng sinoman ay masunog, ay malulugi siya: nguni't siya sa kaniyang sarili ay maliligtas; gayon ma'y tulad sa pamamagitan ng apoy.16 Hindi baga ninyo nalalaman na kayo'y templo ng Dios, at ang Espiritu ng Dios ay nananahan sa inyo?17 Kung gibain ng sinoman ang templo ng Dios, siya'y igigiba ng Dios; sapagka't ang templo ng Dios ay banal, na ang templong ito ay kayo.18 Sinoma'y huwag magdaya sa kaniyang sarili. Kung ang sinoman sa inyo ay nagiisip na siya'y marunong sa kapanahunang ito, ay magpakamangmang siya, upang siya ang maging marunong.19 Sapagka't ang karunungan ng sanglibutang ito ay kamangmangan sa Dios. Sapagka't nasusulat, Hinuhuli niya ang marurunong sa kanilang katusuhan:20 At muli, Nalalaman ng Panginoon ang pangangatuwiran ng marurunong, na pawang walang kabuluhan.21 Kaya't huwag ipagmamapuri ninoman sa mga tao, Sapagka't ang lahat ng mga bagay ay sa inyo.22 Kahit si Pablo, kahit si Apolos, kahit si Cefas, kahit ang sanglibutan, kahit ang buhay, kahit ang kamatayan, kahit ang mga bagay na kasalukuyan, kahit ang mga bagay na darating; lahat ay sa inyo:23 At kayo'y kay Cristo; at si Cristo ay sa Dios.
1 CORINTHIANS 3
Working Together for God
1 My friends, you are acting like the people of this world. That's why I could not speak to you as spiritual people. You are like babies as far as your faith in Christ is concerned. 2 t So I had to treat you like babies and feed you milk. You could not take solid food, and you still cannot,
3 because you are not yet spiritual. You are jealous and argue with each other. This proves you are not spiritual and you are acting like the people of this world.
4 t Some of you say you follow me, and others claim to follow Apollos. Isn't this how ordinary people behave? 5 Apollos and I are merely servants who helped you to have faith. It was the Lord who made it all happen. 6 t I planted the seeds, Apollos watered them, but God made them sprout and grow. 7 What matters isn't those who planted or watered, but God who made the plants grow. 8 The one who plants is just as important as the one who waters. And each one will be paid for what they do.
9 Apollos and I work together for God, and you are God's garden and God's building.Only One Foundation
10 God treated me with undeserved grace and let me become an expert builder. I laid a foundation on which others have built. But we must each be careful how we build, 11 because Christ is the only foundation. 12-13 Whatever we build on this foundation will be tested by fire on the day of judgment. Then everyone will find out if we have used gold, silver, and precious stones, or wood, hay, and straw. 14 We will be rewarded if our building is left standing.
15 But if it is destroyed by the fire, we will lose everything. Yet we ourselves will be saved, like someone escaping from flames.
16 t All of you surely know you are God's temple and his Spirit lives in you.
17 Together you are God's holy temple, and God will destroy anyone who destroys his temple.
18 Don't fool yourselves! If any of you think you are wise in the things of this world, you will have to become foolish before you can be truly wise. 19 t This is because God considers the wisdom of this world to be foolish. It is just as the Scriptures say, “God catches the wise when they try to outsmart him.” 20 t The Scriptures also say, “The Lord knows that the plans made by wise people are useless.” 21-22 So stop bragging about what anyone has done. Paul and Apollos and Petert all belong to you. In fact, everything is yours, including the world, life, death, the present, and the future. Everything belongs to you, 23 and you belong to Christ, and Christ belongs to God.