previous next

I Mga Taga-Corinto 4

1 Ipalagay nga kami ng sinoman na mga ministro ni Cristo, at mga katiwala ng mga hiwaga ng Dios.2 Bukod dito'y kinakailangan sa mga katiwala, na ang bawa't isa ay maging tapat.3 Datapuwa't sa ganang akin ay isang bagay na totoong maliit ang ako'y siyasatin ninyo, o ng pagsisiyasat ng tao: oo, ako'y hindi nagsisiyasat sa aking sarili.4 Sapagka't wala akong nalalamang anomang laban sa aking sarili; bagaman hindi dahil dito'y inaaring-ganap ako: sapagka't ang nagsisiyasat sa akin ay ang Panginoon.5 Kaya nga huwag muna kayong magsihatol ng anoman, hanggang sa dumating ang Panginoon, na siya ang maghahayag ng mga bagay na nalilihim sa kadiliman, at ipahahayag naman ang mga haka ng mga puso; at kung magkagayon ang bawa't isa ay magkakaroon ng kapurihan sa Dios.6 Ang mga bagay ngang ito, mga kapatid, ay inianyo ko sa halimbawa sa aking sarili at kay Apolos dahil sa inyo; upang sa amin ay mangatuto kayo na huwag magsihigit sa mga bagay na nangasusulat; upang ang sinoman sa inyo ay huwag magpalalo ang isa laban sa iba.7 Sapagka't sino ang gumawa na ikaw ay matangi? at anong nasa iyo na hindi mo tinanggap? nguni't kung tinanggap mo, ay bakit mo ipinagmamapuri na tulad sa hindi mo tinanggap?8 Kayo'y mga busog na, kayo'y mayayaman na, kayo'y nangaghari nang wala kami: at ibig ko sanang mangaghari kayo, upang kami nama'y mangagharing kasama ninyo.9 Sapagka't iniisip ko, na pinalitaw ng Dios kaming mga apostol na mga kahulihulihan sa lahat, na tulad sa mga itinalaga sa kamatayan: sapagka't kami'y ginawang panoorin ng sanglibutan, at ng mga anghel, at ng mga tao.10 Kami'y mga mangmang dahil kay Cristo, nguni't kayo'y marurunong kay Cristo; kami'y mahihina, nguni't kayo'y malalakas; kayo'y may karangalan, datapuwa't kami ay walang kapurihan.11 Hanggang sa oras na ito'y nangagugutom kami, at nangauuhaw, at mga hubad, at mga tinampal, at wala kaming tiyak na tahanan;12 At kami'y nangagpapagal, na nangagsisigawa ng aming sariling mga kamay: bagama't inuupasala, ay kami'y nangagpapala; bagama't mga pinaguusig, ay nangagtitiis kami;13 Bagama't mga sinisiraangpuri, ay aming pinamamanhikan: kami'y naging tulad ng yagit sa sanglibutan, sukal ng lahat ng mga bagay hanggang ngayon.14 Hindi ko isinusulat ang mga bagay na ito upang kayo'y hiyain, kundi upang paalalahanan kayong tulad sa aking mga minamahal na anak.15 Sapagka't bagaman mangagkaroon kayo ng sampung libong mga guro kay Cristo, ay wala nga kayong maraming mga ama; sapagka't kay Cristo Jesus ipinanganak ko kayo sa pamamagitan ng evangelio.16 Ipinamamanhik ko nga sa inyo, na kayo'y maging mga tagatulad sa akin.17 Dahil dito'y aking sinugo sa inyo si Timoteo, na aking minamahal at tapat na anak sa Panginoon, na siya ang sa inyo'y magpapaalaala ng aking mga daang nanga kay Cristo, gaya ng itinuturo ko saan mang dako sa bawa't iglesia.18 Ang mga iba nga'y nangagpapalalo, na waring hindi na ako mapapariyan sa inyo.19 Nguni't ako'y paririyan agad sa inyo, kung loloobin ng Panginoon; at aking aalamin, hindi ang salita ng nangagpapalalo, kundi ang kapangyarihan.20 Sapagka't ang kaharian ng Dios ay hindi sa salita, kundi sa kapangyarihan.21 Anong ibig ninyo? paririyan baga ako sa inyo na may panghampas, o sa pagibig, at sa espiritu ng kahinahunan?

1 CORINTHIANS 4

The Work of the Apostles

1 Think of us as servants of Christ who have been given the work of explaining God's mysterious ways. 2 And since our first duty is to be faithful to the one we work for, 3 it doesn't matter to me if I am judged by you or even by a court of law. In fact, I don't judge myself. 4 I don't know of anything against me, but this doesn't prove I am right. The Lord is my judge.

5 So don't judge anyone until the Lord returns. He will show what is hidden in the dark and what is in everyone's heart. Then God will be the one who praises each of us.
6 Friends, I have used Apollos and myself as examples to teach you the meaning of the saying, “Follow the rules.” I want you to stop saying one of us is better than the other. 7 What is so special about you? What do you have that you were not given? And if it was given to you, how can you brag?

8 Are you already satisfied? Are you now rich? Have you become kings while we are still nobodies? I wish you were kings. Then we could have a share in your kingdom.
9 It seems to me that God has put us apostles in the worst possible place. We are like prisoners on their way to death. Angels and the people of this world just laugh at us. 10 Because of Christ we are thought of as fools, but Christ has made you wise. We are weak and hated, but you are powerful and respected. 11 Even today we go hungry and thirsty and don't have anything to wear except rags. We are mistreated and don't have a place to live. 12 t We work hard with our own hands, and when people abuse us, we wish them well. When we suffer, we are patient.

13 When someone curses us, we answer with kind words. Until now we are thought of as nothing more than the trash and garbage of this world.
14 I am not writing to embarrass you. I want to help you, just as parents help their own dear children. 15 Ten thousand people may teach you about Christ, but I am your only father. You became my children when I told you about Christ Jesus, 16 t and I want you to be like me.

17 This is why I sent Timothy to you. I love him like a son, and he is a faithful servant of the Lord. Timothy will tell you what I do to follow Christ and how it agrees with what I always teach about Christ in every church.
18 Some of you think I am not coming for a visit, and so you are bragging. 19 But if the Lord lets me come, I will soon be there. Then I will find out if the ones who are doing all this bragging really have any power. 20 God's kingdom isn't just a lot of words. It is power. 21 What do you want me to do when I arrive? Do you want me to be hard on you or to be kind and gentle?