1 Mga Taga-Corinto 5
Parusa sa Gumagawa ng Kahalayan
1 Nakaratingt nga sa akin ang balitang mayroong kabilang sa inyo na gumagawa ng imoralidad; kinakasama niya ang asawa ng kanyang ama. Kahit mga pagano ay hindi gumagawa ng ganyang kahalayan! 2 At nakukuha pa ninyong magmalaki! Dapat sana'y mahiya kayo at malungkot, at ang taong gumagawa ng ganoon ay dapat ninyong itiwalag! 3 Kahit wala ako riyan sa katawan, nariyan naman ako sa espiritu, kaya't parang nariyan na rin ako. Ang gumagawa niyan ay hinatulan ko na 4 sa pangalan ng ating Panginoong Jesus.t Kapag kayo'y nagtipun-tipon, at ang espiritu ko ay nariyan, sa kapangyarihan ng ating Panginoong Jesus,
5 ibigay ninyo kay Satanas ang taong iyan upang mapahamak ang kanyang katawan, at nang sa gayo'y maligtas ang kanyang espiritu sa araw ng Panginoon.
6 Hindit kayo dapat magmalaki. Hindi ba ninyo alam ang kasabihang, “Napapaalsa ng kaunting pampaalsa ang buong masa”? 7 Alisint ninyo ang lumang pampaalsa, ang kasalanan, upang kayo'y maging malinis. Sa gayon, matutulad kayo sa isang bagong masa na walang pampaalsa, at talaga namang ganyan kayo. Sapagkat naihandog na ang ating Korderong Pampaskwa na walang iba kundi si Cristo.
8 Kaya'tt ipagdiwang natin ang Paskwa, hindi sa pamamagitan ng tinapay na may lumang pampaalsa na sagisag ng kasamaan at kahalayan, subalit sa pamamagitan ng tinapay na walang pampaalsa, ang tinapay ng kalinisan at katapatan.
9 Sinabi ko sa aking sulat na huwag na kayong makisalamuha pa sa mga nakikiapid. 10 Hindi ang mga makamundong nakikiapid, sakim, magnanakaw, o sumasamba sa diyus-diyosan ang tinutukoy ko, sapagkat para sila'y maiwasan kinakailangan ninyong umalis sa mundong ito.
11 Ang tinutukoy ko na huwag ninyong papakisamahan ay ang nagsasabing sila'y Cristiano ngunit nakikiapid, sakim, sumasamba sa diyus-diyosan, nanlalait, naglalasing, at nagnanakaw. Ni huwag kayong makikisalo sa ganyang uri ng tao.
12-13 Kungt sabagay, wala akong karapatang humatol sa mga hindi Cristiano; ang Diyos ang hahatol sa kanila. Hindi ba't ang mga nasa loob ng iglesya ang dapat ninyong hatulan? Sabi nga sa kasulatan, “Itiwalag ninyo sa inyong samahan ang masamang tao.”
1 CORINTHIANS 5
Immoral Followers
1 t I have heard terrible things about some of you. In fact, you are behaving worse than Gentiles. A man is even sleeping with his own stepmother.t
2 You are proud, when you ought to feel bad enough to chase away anyone who acts like this.
3-4 I am with you only in my thoughts. But in the name of our Lord Jesus I have already judged this man, as though I were with you in person. So when you meet together and the power of the Lord Jesus is with you, I will be there too.
5 You must then hand that man over to Satan. His body will be destroyed, but his spirit will be saved when the Lord Jesus returns.
6 t Stop being proud! Don't you know how a little yeast can spread through the whole batch of dough? 7 t Get rid of the old yeast! Then you will be like fresh bread made without yeast, and this is what you are. Our Passover lamb is Christ, who has already been sacrificed.
8 t So don't celebrate the festival by being evil and sinful, which is like serving bread made with yeast. Be pure and truthful and celebrate by using bread made without yeast.
9 In my other lettert I told you not to have anything to do with immoral people. 10 But I wasn't talking about the people of this world. You would have to leave this world to get away from everyone who is immoral or greedy or who cheats or worships idols. 11 I was talking about your own people who are immoral or greedy or worship idols or curse others or get drunk or cheat. Don't even eat with them! 12 Why should I judge outsiders? Aren't we supposed to judge only church members? 13 t God judges everyone else. The Scriptures say, “Chase away any of your own people who are evil.”