previous next

1 Mga Taga-Corinto 6

Ayusin ang Awayan ng Kapatiran

1 Kung may reklamo ang sinuman sa inyo laban sa kapwa Cristiano, bakit siya nagsasakdal sa mga hukom na hindi Cristiano, sa halip na ipaubaya sa mga hinirang ng Diyos ang pag-aayos ng usapin nila? 2 Hindi ba ninyo alam na ang mga hinirang ng Diyos ang hahatol sa sanlibutan? Kung kayo ang hahatol sa sanlibutan, hindi ba ninyo kayang hatulan ang ganyang kaliit na bagay? 3 Hindi ba ninyo alam na hahatulan natin ang mga anghel? Gaano na lang ang mga bagay na may kinalaman sa buhay na ito! 4 Kung may mga usapin kayo, bakit ninyo ito idinudulog sa mga taong hindi kinikilala ng iglesya? 5 Dapat kayong mahiya! Wala bang isa man lang sa inyo na marunong mag-ayos ng awayan ng magkakapatid?

6 Bakit nagsasakdal kayo sa hukuman, kapatid laban sa kapatid, at sa harap pa naman ng mga hindi mananampalataya?
7 Ang pagkakaroon ninyo ng usapin laban sa isa't isa ay isa nang kabiguan sa inyo. Bakit hindi na lang ninyo hayaang gawan kayo ng masama? Bakit hindi na lamang ninyo hayaang madaya kayo? 8 Subalit kayo mismo ang gumagawa ng masama at nandaraya, kahit na sa mga sarili ninyong mga kapatid sa pananampalataya. 9 Hindi ba ninyo alam na ang mga makasalanan ay walang bahagi sa kaharian ng Diyos? Huwag ninyong dayain ang inyong sarili! Ang mga nakikiapid, sumasamba sa diyus-diyosan, nangangalunya, nakikipagtalik sa kapwa lalaki o kapwa babae, 10 nagnanakaw, sakim, naglalasing, nanlalait ng kapwa, o nandaraya, ay walang bahagi sa kaharian ng Diyos.

11 Ganyan ang ilan sa inyo noon. Subalit kayo'y pinatawad na sa inyong mga kasalanan at ginawa na kayong banal ng Diyos. Pinawalang-sala na rin kayo sa pangalan ng Panginoong Jesu-Cristo at sa pamamagitan ng Espiritu ng ating Diyos.

Ang Katawan Ninyo'y Templo ng Diyos


12 Mayt magsasabi, “Malaya akong makagagawa ng kahit ano,” ngunit ang sagot ko naman ay “Hindi lahat ng bagay ay nakakabuti”. Maaari ko ring sabihin, “Maaari akong gumawa ng kahit ano,” ngunit hindi ako magpapaalipin sa anumang bagay. 13 Sasabihin naman ng iba, “Ang mga pagkain ay para sa tiyan at ang tiyan ay sa mga pagkain.” Totoo iyan, ngunit parehong sisirain ng Diyos ang mga ito. Ang katawan ay hindi para sa pakikiapid sapagkat ito'y para sa paglilingkod sa Panginoon, at ang Panginoon naman ang nag-aalaga sa katawan.

14 Muling binuhay ng Diyos si Jesu-Cristo, at tayo man ay muling bubuhayin sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan.
15 Hindi ba ninyo alam na ang inyong mga katawan ay mga bahagi ng katawan ni Cristo? Kukunin ko ba ang bahagi ng katawan ni Cristo upang gawing bahagi ng katawan ng isang babaing nagbebenta ng aliw? Hinding-hindi! 16 Hindit ba ninyo alam na nagiging isa ang katawan ng bayarang babae at ng nakikipagtalik sa kanya? Sapagkat sinasabi sa kasulatan, “Ang dalawa'y magiging isa.”

17 Ang nakikipag-isa sa Panginoon ay nagiging kaisa niya sa Espiritu.
18 Huwag kayong makikiapid. Ang ibang kasalanang nagagawa ng tao ay hindi nakaka-apekto sa kanyang katawan, ngunit ang nakikiapid ay nagkakasala laban sa sarili niyang katawan. 19 Hindit ba ninyo alam na ang inyong katawan ay templo ng Espiritu Santo na nasa inyo at ipinagkaloob ng Diyos sa inyo? Hindi na ninyo pag-aari ang inyong katawan; 20 sapagkat binili niya kayo sa isang halaga. Kaya't gamitin ninyo ang inyong katawan upang maparangalan ang Diyos.

1 CORINTHIANS 6

Taking Each Other to Court

1 When one of you has a complaint against another, do you take your complaint to a court of sinners? Or do you take it to God's people? 2 Don't you know that God's people will judge the world? And if you are going to judge the world, can't you settle small problems? 3 Don't you know we will judge angels? And if this is so, we can surely judge everyday matters. 4 Why do you take everyday complaints to judges who are not respected by the church? 5 I say this to your shame. Aren't any of you wise enough to act as a judge between one follower and another?

6 Why should one of you take another to be tried by unbelievers?
7 When one of you takes another to court, all of you lose. It would be better to let yourselves be cheated and robbed.

8 But instead, you cheat and rob other followers.
9 Don't you know that evil people won't have a share in the blessings of God's kingdom? Don't fool yourselves! No one who is immoral or worships idols or is unfaithful in marriage or is a pervert or behaves like a homosexual 10 will share in God's kingdom. Neither will any thief or greedy person or drunkard or anyone who curses and cheats others.

11 Some of you used to be like that. But now the name of our Lord Jesus Christ and the power of God's Spirit have washed you and made you holy and acceptable to God.

Honor God with Your Body


12  t Some of you say, “We can do anything we want to.” But I tell you not everything is good for us. So I refuse to let anything have power over me. 13 You also say, “Food is meant for our bodies, and our bodies are meant for food.” But I tell you that God will destroy them both. We are not supposed to do indecent things with our bodies. We are to use them for the Lord who is in charge of our bodies.

14 God will raise us from death by the same power he used when he raised our Lord to life.
15 Don't you know that your bodies are part of the body of Christ? Is it right for me to join part of the body of Christ to a prostitute? No, it isn't! 16 t Don't you know that a man who does that becomes part of her body? The Scriptures say, “The two of them will be like one person.”

17 But anyone who is joined to the Lord is one in spirit with him.
18 Don't be immoral in matters of sex. That is a sin against your own body in a way no other sin is. 19 t You surely know that your body is a temple where the Holy Spirit lives. The Spirit is in you and is a gift from God. You are no longer your own. 20 God paid a great price for you. So use your body to honor God.