1 Mga Taga-Corinto 8
Tungkol sa Pagkaing Inihandog sa Diyus-diyosan
1 Tungkol naman sa mga pagkaing inihandog sa mga diyus-diyosan, alam nating “may kaalaman tayong lahat.” Ang kaalaman ay nagtutulak sa tao na maging mapagmataas, subalit ang pag-ibig ay nakapagpapatatag. 2 Ang nag-aakalang may nalalaman siya ay hindi pa nakakaalam ng dapat niyang malaman.
3 Ngunit kilala ng Diyos ang sinumang umiibig sa kanya.
4 Kaya nga, tungkol sa pagkaing inihandog sa diyus-diyosan, alam nating ang mga diyus-diyosan ay larawan ng mga bagay na di-totoo, at alam nating iisa lamang ang Diyos. 5 Kahit na may tinatawag na “mga diyos” sa langit at sa lupa, at ang mga tinatawag na “mga diyos” at “mga panginoon” ay marami,
6 subalit para sa atin ay iisa lamang ang Diyos, ang Ama na lumikha ng lahat ng bagay, at tayo'y nabubuhay para sa kanya. Iisa ang Panginoon, si Jesu-Cristo, at sa pamamagitan niya'y nilikha ang lahat ng bagay, at sa pamamagitan din niya'y nabubuhay tayo.
7 Subalit hindi lahat ay nakakaalam nito. May mga taong nasanay na sa pagsamba sa mga diyus-diyosan noong una, kaya't hanggang ngayon, kapag kumakain sila ng ganoong pagkain, inaakala pa rin nila na iyon ay handog sa diyus-diyosan. Dahil kulang pa ang kanilang kaalaman, ang akala nila'y nagkasala sila kapag kumain sila niyon.
8 Ang pagkain ay walang kinalaman sa katayuan natin sa harap ng Diyos. Walang mawawala sa atin kung hindi tayo kumain ng ganoong pagkain, at wala ring kabutihang maidudulot sa atin kung kumain man tayo niyan.
9 Ngunit mag-ingat kayo, baka ang paggamit ninyo ng kalayaang kumain ng anumang pagkain ay maging sanhi ng pagkakasala ng mahihina pa sa pananampalataya. 10 Kung ikaw na may sapat na kaalaman ay kumakain sa loob ng templo ng mga diyus-diyosan, at makita ka ng mahina pa sa pananampalataya, hindi kaya siya mabuyong kumain niyon kahit inihandog sa diyus-diyosan? 11 Dahil sa inaakala mong “kaalaman” ay napapahamak ang iyong mahinang kapatid na tinubos din ng kamatayan ni Cristo. 12 Sa ganoong paraan, nagkakasala kayo kay Cristo dahil itinulak ninyo sa pagkakasala ang inyong kapatid sa paggawa ng mga bagay na labag sa kanyang budhi. 13 Kaya nga, kung dahil sa pagkain ng karne ay magkakasala ang aking kapatid, hindi na ako kakain niyon upang hindi siya magkasala.
1 CORINTHIANS 8
Food Offered to Idols
1 In your letter you asked me about food offered to idols. All of us know something about this subject. But knowledge makes us proud of ourselves, while love makes us helpful to others. 2 In fact, people who think they know so much don't know anything at all.
3 But God has no doubts about who loves him.
4 Even though food is offered to idols, we know that none of the idols in this world are alive. After all, there is only one God. 5 Many things in heaven and on earth are called gods and lords, but none of them really are gods or lords.
6 We have only one God, and he is the Father. He created everything, and we live for him. Jesus Christ is our only Lord. Everything was made by him, and by him life was given to us.
7 Not everyone knows these things. In fact, many people have grown up with the belief that idols have life in them. So when they eat meat offered to idols, they are bothered by a weak conscience.
8 But food doesn't bring us any closer to God. We are no worse off if we don't eat, and we are no better off if we do.
9 Don't cause problems for someone with a weak conscience, just because you have the right to eat anything. 10 You know all this, and so it doesn't bother you to eat in the temple of an idol. But suppose a person with a weak conscience sees you and decides to eat food that has been offered to idols. 11 Then what you know has destroyed someone Christ died for. 12 When you sin by hurting a follower with a weak conscience, you sin against Christ. 13 So if I hurt one of the Lord's followers by what I eat, I will never eat meat as long as I live.