1 Juan 3
Ang mga Anak ng Diyos
1 Tingnant ninyo kung gaano kalaki ang pag-ibig sa atin ng Ama! Tinatawag niya tayong mga anak ng Diyos, at iyan nga ang totoo. Ito ang dahilan kung bakit hindi tayo nakikilala ng mga makasanlibutan: hindi nila kinikilala ang Diyos. 2 Mga minamahal, anak na tayo ng Diyos ngayon, ngunit hindi pa nahahayag ang magiging kalagayan natin. Ngunit alam nating sa pagparitong muli ni Cristo, tayo'y matutulad sa kanya, sapagkat makikita natin kung sino talaga siya.
3 Kaya't ang sinumang may ganitong pag-asa ay nagsisikap na maging malinis ang pamumuhay tulad ni Cristo.
4 Ang bawat nagkakasala ay lumalabag sa kautusan ng Diyos, sapagkat ang kasalanan ay paglabag sa kautusan. 5 Nalalamant ninyong naparito si Cristo upang pawiin ang ating mga kasalanan, at siya'y walang kasalanan.
6 Ang nananatili sa kanya ay hindi nagpapatuloy sa pagkakasala. Ang sinumang nagpapatuloy sa pagkakasala ay hindi nakakita ni nakakilala man sa kanya.
7 Mga anak, huwag kayong padaya kaninuman! Ang sinumang gumagawa ng matuwid ay isang matuwid tulad ni Cristo.
8 Ang nagpapatuloy sa pagkakasala ay kampon ng diyablo, sapagkat sa simula pa'y gumagawa na ng kasalanan ang diyablo. Kaya't naparito ang Anak ng Diyos upang wasakin ang mga gawa ng diyablo.
9 Ang tinanggap ng Diyos bilang anak niya ay hindi nagpapatuloy sa pagkakasala, sapagkat nananatili sa kanya ang buhay na galing sa Diyos. At dahil ang Diyos ang ama niya, hindi siya maaaring magpatuloy sa pagkakasala.
10 Dito natin makikilala kung sino ang mga anak ng Diyos at kung sino ang mga anak ng diyablo: ang sinumang hindi gumagawa ng matuwid at hindi umiibig sa kanyang kapatid ay hindi anak ng Diyos.Magmahalan Tayo
11 Itot ang mensaheng narinig na ninyo sa simula pa: magmahalan tayo.
12 Huwagt tayong tumulad kay Cain; siya'y kampon ng diyablo. Pinatay niya ang kanyang kapatid. Bakit? Sapagkat masama ang kanyang mga gawa, ngunit matuwid ang mga gawa ng kanyang kapatid.
13 Kaya, mga kapatid, huwag kayong magtaka kung kinapopootan kayo ng sanlibutan. 14 Nalalamant nating lumipat na tayo sa buhay mula sa kamatayan, sapagkat iniibig natin ang kapatiran. Ang hindi umiibig ay nananatili sa kamatayan. 15 Mamamatay-tao ang napopoot sa kanyang kapatid, at nalalaman ninyong ang buhay na walang hanggan ay wala sa mamamatay-tao. 16 Dito natin nakikilala ang tunay na pag-ibig: inialay ni Cristo ang kanyang buhay para sa atin. Kaya't dapat din nating ialay ang ating buhay para sa kapatiran. 17 Kapag nakikita ng isang maykaya sa buhay ang kanyang kapatid na nangangailangan, at hindi niya ito tinulungan, masasabi bang siya'y umiibig sa Diyos?
18 Mga anak, huwag tayong magmahal sa pamamagitan lamang ng salita, subalit ipakita rin natin ang tunay na pag-ibig sa pamamagitan ng gawa.Panatag na Kalooban at Pananatili sa Diyos
19 Dito nga natin makikilalang tayo'y nasa panig ng katotohanan, at matatahimik ang ating budhi sa harapan ng Diyos 20 sakali mang tayo'y usigin nito. Sapagkat ang Diyos ay higit sa ating budhi, at alam niya ang lahat ng bagay. 21 Mga minamahal, kung hindi tayo inuusig ng ating budhi, makakalapit tayo sa Diyos na panatag ang ating kalooban. 22 Tinatanggap natin ang anumang ating hilingin sa kanya dahil sinusunod natin ang kanyang mga utos at ginagawa ang nakalulugod sa kanya. 23 Itot ang kanyang utos: sumampalataya tayo sa kanyang Anak na si Jesu-Cristo, at magmahalan tayo gaya ng iniutos ni Cristo sa atin. 24 Ang sumusunod sa mga utos ng Diyos ay nananatili sa Diyos, at nananatili naman sa kanya ang Diyos. At nalalaman nating nananatili siya sa atin sa pamamagitan ng Espiritung ipinagkaloob niya sa atin.
1 JOHN 3
1 t Think how much the Father loves us. He loves us so much that he lets us be called his children, as we truly are. But since the people of this world did not know who Christt is, they don't know who we are. 2 My dear friends, we are already God's children, though what we will be hasn't yet been seen. But we do know when Christ returns, we will be like him, because we will see him as he truly is.
3 This hope makes us keep ourselves holy, just as Christt is holy.
4 Everyone who sins breaks God's law, because sin is the same as breaking God's law. 5 t You know Christ came to take away our sins. He isn't sinful,
6 and people who stay one in their hearts with him won't keep on sinning. If they do keep on sinning, they don't know Christ, and they have never seen him.
7 Children, don't be fooled. Anyone who does right is good, just like Christ himself. 8 Anyone who keeps on sinning belongs to the devil. He has sinned from the beginning, but the Son of God came to destroy all that he has done. 9 God's children cannot keep on being sinful. His life-giving powert lives in them and makes them his children, so they cannot keep on sinning.
10 You can tell God's children from the devil's children, because those who belong to the devil refuse to do right or to love each other.Love Each Other
11 t From the beginning you were told we must love each other. 12 t Don't be like Cain, who belonged to the devil and murdered his own brother. Why did he murder him? He did it because his brother was good, and he was evil. 13 My friends, don't be surprised if the people of this world hate you.
14 t Our love for each other proves we have gone from death to life. But if you don't love each other, you are still under the power of death.
15 If you hate each other, you are murderers, and we know murderers do not have eternal life. 16 We know what love is because Jesus gave his life for us. This is why we must give our lives for each other. 17 If we have all we need and see one of our own people in need, we must have pity on that person, or else we cannot say we love God.
18 Children, you show love for others by truly helping them, and not merely by talking about it.
19 When we love others, we know we belong to the truth, and we feel at ease in the presence of God. 20 But even if we don't feel at ease, God is greater than our feelings, and he knows everything. 21 Dear friends, if we feel at ease in the presence of God, we will have the courage to come near him. 22 He will give us whatever we ask, because we obey him and do what pleases him. 23 t God wants us to have faith in his Son Jesus Christ and to love each other. This is also what Jesus taught us to do. 24 If we obey God's commandments, we will stay one in our hearts with him, and he will stay one with us. The Spirit he has given us is proof that we are one with him.