1 Juan 4
Makikilala ang Espiritung Mula sa Diyos
1 Mga minamahal, huwag ninyong paniniwalaan kaagad ang bawat nagsasabing nasa kanila ang Espiritu. Sa halip, subukin muna ninyo sila upang malaman kung talagang mula sa Diyos ang espiritung nasa kanila, sapagkat marami nang huwad na propeta sa mundong ito. 2 Ito ang palatandaan na ang Espiritu ng Diyos nga ang nasa kanila: kung ipinapahayag nila na si Jesu-Cristo ay naging tao.
3 Kung hindi gayon ang kanilang ipinapahayag tungkol kay Jesus, hindi mula sa Diyos ang espiritung nasa kanila. Ang espiritu ng anti-Cristo ang nasa kanila. Nasabi na sa inyong ito'y darating at ngayon nga'y nasa daigdig na.
4 Mga anak, kayo nga'y sa Diyos na at napagtagumpayan na ninyo ang mga huwad na propeta, sapagkat ang Espiritung nasa inyo ay mas makapangyarihan kaysa espiritung nasa mga makasanlibutan. 5 Sila'y makasanlibutan, kaya't mula rin sa sanlibutan ang itinuturo nila, at nakikinig sa kanila ang mga makasanlibutan.
6 Ngunit tayo'y sa Diyos. Ang sinumang kumikilala sa Diyos ay nakikinig sa atin; ngunit hindi nakikinig sa atin ang sinumang hindi sa Diyos. Sa ganito nga natin nakikilala ang Espiritu ng katotohanan at ang espiritu ng kasinungalingan.Ang Diyos ay Pag-ibig
7 Mga minamahal, mag-ibigan tayo sapagkat mula sa Diyos ang pag-ibig. Ang bawat umiibig ay anak ng Diyos at kumikilala sa Diyos. 8 Ang hindi umiibig ay hindi kumikilala sa Diyos, sapagkat ang Diyos ay pag-ibig. 9 Inihayag ng Diyos ang kanyang pag-ibig sa atin nang isugo niya sa mundo ang kanyang kaisa-isang Anak upang magkaroon tayo ng buhay sa pamamagitan niya.
10 Ito ang pag-ibig: hindi sa inibig natin ang Diyos, kundi tayo ang inibig niya at isinugo niya ang kanyang Anak upang maging handog para mapatawad ang ating mga kasalanan.
11 Mga minamahal, dahil ganoon kadakila ang pag-ibig ng Diyos sa atin, dapat din tayong magmahalan.
12 Kailanma'yt wala pang taong nakakita sa Diyos, ngunit kung tayo'y nag-iibigan, nasa atin ang Diyos at nagiging ganap sa atin ang kanyang pag-ibig.
13 Nalalaman nating nananatili tayo sa Diyos at siya naman sa atin, sapagkat pinagkalooban niya tayo ng kanyang Espiritu. 14 Nakita namin at pinapatotohanang isinugo ng Ama ang kanyang Anak upang iligtas ang sanlibutan. 15 Ang nagpapahayag na si Jesus ang Anak ng Diyos ay nananahan sa Diyos, at ang Diyos nama'y nananahan sa kanya.
16 Nalalaman nating tayo'y iniibig ng Diyos at lubos tayong nananalig sa katotohanang ito.
Ang Diyos ay pag-ibig. Ang nagpapatuloy na umiibig ay nananatili sa Diyos, at ang Diyos ay nananatili naman sa kanya. 17 Ang pag-ibig ay nagiging ganap sa atin kaya't hindi natin kinatatakutan ang Araw ng Paghuhukom, sapagkat tayo'y tulad ni Cristo, kahit nasa daigdig pang ito.
18 Walang kasamang takot ang pag-ibig at pinapawi ng ganap na pag-ibig ang anumang pagkatakot. Hindi pa ganap ang pag-ibig ng sinumang natatakot, sapagkat ang takot ay kaugnay ng parusa.
19 Tayo'y umiibigt sapagkat ang Diyos ang unang umibig sa atin. 20 Ang nagsasabing “Iniibig ko ang Diyos,” subalit napopoot naman sa kanyang kapatid ay isang sinungaling. Kung ang kapatid na kanyang nakikita ay hindi niya magawang ibigin, paano niya maiibig ang Diyos na hindi niya nakikita? 21 Ito ang utos na ibinigay sa atin ni Cristo: ang umiibig sa Diyos ay dapat ding umibig sa kanyang mga kapatid.
1 JOHN 4
God Is Love
1 Dear friends, don't believe everyone who claims to have the Spirit of God. Test them all to find out if they really do come from God. Many false prophets have already gone out into the world, 2 and you can know which ones come from God. His Spirit says that Jesus Christ had a truly human body.
3 But when someone doesn't say this about Jesus, you know this person has a spirit that doesn't come from God and is the enemy of Christ. You knew this enemy was coming into the world and now is already here.
4 Children, you belong to God, and you have defeated these enemies. God's Spiritt is in you and is more powerful than the one who is in the world. 5 These enemies belong to this world, and the world listens to them, because they speak its language.
6 We belong to God, and everyone who knows God will listen to us. But the people who don't know God won't listen to us. This is how we can tell the Spirit that speaks the truth from the one that tells lies.
7 My dear friends, we must love each other. Love comes from God, and when we love each other, it shows we have been given new life. We are now God's children, and we know him. 8 God is love, and anyone who doesn't love others has never known him. 9 God showed his love for us when he sent his only Son into the world to give us life. 10 Real love isn't our love for God, but his love for us. God sent his Son to be the sacrifice by which our sins are forgiven.
11 Dear friends, since God loved us this much, we must love each other.
12 t No one has ever seen God. But if we love each other, God lives in us, and his love is truly in our hearts.
13 God has given us his Spirit. This is how we know we are one with him, just as he is one with us. 14 God sent his Son to be the Savior of the world. We saw his Son and are now telling others about him. 15 God stays one with everyone who openly says Jesus is the Son of God. This is how we stay one with God
16 and are sure God loves us.
God is love. If we keep on loving others, we will stay one in our hearts with God, and he will stay one with us. 17 If we truly love others and live as Christ did in this world, we won't be worried about the day of judgment.
18 A real love for others will chase those worries away. The thought of being punished is what makes us afraid. It shows we have not really learned to love.
19 We love because God loved us first. 20 But if we say we love God and don't love each other, we are liars. We cannot see God. So how can we love God, if we don't love the people we can see? 21 The commandment that God has given us is: “Love God and love each other!”