previous next

1 Juan 5

Napagtagumpayan Natin ang Sanlibutan

1 Kung tayo'y sumasampalataya na si Jesus ang siyang Cristo, tayo nga'y mga anak ng Diyos. At ang sinumang umiibig sa ama ay umiibig din sa anak. 2 Ito ang palatandaang iniibig natin ang mga anak ng Diyos: kung iniibig natin ang Diyos at tinutupad ang kanyang mga utos, 3 sapagkatt ang tunay na umiibig sa Diyos ang tumutupad ng kanyang mga utos. Hindi naman mahirap sundin ang kanyang mga utos, 4 sapagkat napagtagumpayan na ng mga anak ng Diyos ang sanlibutan; at nagtatagumpay tayo sa pamamagitan ng pananampalataya.

5 Sino ang nagtatagumpay laban sa sanlibutan? Ang sinumang sumasampalataya na si Jesus ang Anak ng Diyos.

Ang Patotoo Tungkol kay Jesu-Cristo


6 Si Jesu-Cristo ang naparito sa pamamagitan ng tubig at ng dugo. Hindi sa pamamagitan ng tubig lamang kundi sa pamamagitan ng tubig at dugo. Ang Espiritu ang nagpapatotoo tungkol dito, sapagkat ang Espiritu ay katotohanan. 7-8 Tatlo ang nagpapatotoo:t ang Espiritu, ang tubig, at ang dugo; at ang tatlong ito ay nagkakaisa. 9 Kung pinaniniwalaan natin ang patotoo ng mga tao, higit nating dapat paniwalaan ang patotoo ng Diyos, at ito ang patotoo ng Diyos tungkol sa kanyang Anak. 10 Ang sinumang sumasampalataya sa Anak ng Diyos ay naniniwala sa patotoong ito. Ngunit ang Diyos ay ginagawang sinungaling ng sinumang hindi sumampalataya sa Diyos, sapagkat hindi ito naniniwala sa patotoo niya tungkol sa kanyang Anak. 11 Att ito ang patotoo: ipinagkaloob sa atin ng Diyos ang buhay na walang hanggan at ito'y makakamtan natin sa pamamagitan ng kanyang Anak.

12 Ang sinumang pinapanahanan ng Anak ng Diyos ay mayroong buhay na walang hanggan, ngunit ang hindi pinapanahanan ng Anak ng Diyos ay hindi makakaranas ng buhay na walang hanggan.

Ang Buhay na Walang Hanggan


13 Isinusulat ko ito sa inyo upang malaman ninyo na kayong sumasampalataya sa Anak ng Diyos ay may buhay na walang hanggan. 14 Hindi tayo nag-aatubiling lumapit sa kanya dahil alam nating ibibigay niya ang anumang hingin natin kung ito'y naaayon sa kanyang kalooban.

15 At dahil alam nating pinapakinggan nga niya tayo, alam din nating ibinibigay niya ang bawat hinihiling natin sa kanya.
16 Kung makita ninuman na ang kanyang kapatid ay gumagawa ng kasalanang di hahantong sa kamatayan, ipanalangin niya ang kapatid na iyon sa Diyos na magbibigay sa kanya ng bagong buhay. Ito'y para sa mga kapatid na ang kasalanan ay hindi humahantong sa kamatayan. May kasalanang hahantong sa kamatayan, at hindi ko sinasabing idalangin ninyo ang sinumang gumagawa nito.

17 Ang lahat ng gawaing di matuwid ay kasalanan, ngunit may kasalanang hindi hahantong sa kamatayan.

18 Alam nating ang mga anak ng Diyos ay hindi nagpapatuloy sa pagkakasala, sapagkat iniingatan sila ni Jesu-Cristo, at hindi sila maaaring galawin ng diyablo.

19 Alam nating tayo'y mga anak ng Diyos, kahit na ang buong sanlibutan ay nasa kapangyarihan ng diyablo.

20 At nalalaman nating naparito na ang Anak ng Diyos at binigyan niya tayo ng pang-unawa upang makilala natin ang tunay na Diyos, at tayo'y nasa tunay na Diyos, sa kanyang Anak na si Jesu-Cristo. Siya ang tunay na Diyos at buhay na walang hanggan.
21 Mga anak, lumayo kayo sa mga diyus-diyosan.

1 JOHN 5

Victory over the World

1 If we believe Jesus is truly Christ, we are God's children. Everyone who loves the Father will also love his children. 2 If we love and obey God, we know we will love his children.

3 t We show our love for God by obeying his commandments, and they are not hard to follow.
4 Every child of God can defeat the world, and our faith is what gives us this victory.

5 No one can defeat the world without having faith in Jesus as the Son of God.

Who Jesus Is


6 Water and blood came out from the side of Jesus Christ. It wasn't just water, but water and blood.t The Spirit tells about this, because the Spirit is truthful. 7 In fact, there are three who tell about it.

8 They are the Spirit, the water, and the blood, and they all agree.
9 We believe what people tell us. But we can trust what God says even more, and God is the one who has spoken about his Son. 10 If we have faith in God's Son, we have believed what God has said. But if we don't believe what God has said about his Son, it is the same as calling God a liar. 11 t God has also said he gave us eternal life and this life comes to us from his Son.

12 And so, if we have God's Son, we have this life. But if we don't have the Son, we don't have this life.

Knowing about Eternal Life


13 All of you have faith in the Son of God, and I have written to let you know you have eternal life. 14 We are certain God will hear our prayers when we ask for what pleases him.

15 And if we know God listens when we pray, we are sure our prayers have already been answered.
16 Suppose you see one of our people commit a sin that isn't a deadly sin. You can pray, and this person will be given eternal life. But the sin must not be one that is deadly.

17 Everything that is wrong is sin, but not all sins are deadly.

18 We are sure God's children do not keep on sinning. God's own Son protects them, and the devil cannot harm them.

19 We are certain we come from God and the rest of the world is under the power of the devil.

20 We know that Jesus Christ the Son of God has come and has shown us the true God. And because of Jesus, we now belong to the true God who gives eternal life.
21 Children, you must stay away from idols.