previous next

1 Pedro 1

1 Mula kay Pedro, isang apostol ni Jesu-Cristo—
Sa mga hinirang ng Diyos na nasa iba't ibang lalawigan ng Ponto, Galacia, Capadocia, Asia, at Bitinia.

2 Kayo'y pinili ng Diyos Ama ayon sa kanyang kaalaman sa mula't mula pa at pinabanal ng Espiritu Santo, upang maging masunurin kay Jesu-Cristo at nilinis sa pamamagitan ng kanyang dugo.
Sumagana nawa sa inyo ang pagpapala at kapayapaan.

Isang Buháy na Pag-asa


3 Pasalamatan natin ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Dahil sa laki ng habag niya sa atin, tayo'y binigyan niya ng isang panibagong buhay sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ni Jesu-Cristo mula sa libingan at ito ang nagbigay sa atin ng isang buháy na pag-asa. 4 Makakamit natin ang isang kayamanang di masisira, walang kapintasan, at di kukupas na inihanda ng Diyos sa langit para sa inyo.

5 Sapagkat kayo'y sumasampalataya, iingatan kayo ng kapangyarihan ng Diyos habang hinihintay ninyo ang kaligtasang iyan na ihahayag sa katapusan ng panahon.
6 Ito'y dapat ninyong ikagalak, kahit na maaaring magdanas muna kayo ng iba't ibang pagsubok sa loob ng maikling panahon. 7 Ang gintong nasisira ay pinaparaan sa apoy upang malaman kung talagang dalisay. Gayundin naman, ang inyong pananampalataya, na higit na mahalaga kaysa ginto, ay pinaparaan sa pagsubok upang malaman kung ito'y talagang tapat. Sa gayon kayo'y papupurihan, dadakilain at pararangalan sa Araw na mahayag si Jesu-Cristo. 8 Hindi ninyo siya nakita kailanman ngunit siya'y inibig na ninyo. Hindi pa rin ninyo siya nakikita hanggang ngayon, ngunit sumasampalataya na kayo sa kanya. Dahil dito'y nag-uumapaw na sa inyong puso ang kagalakang di kayang ilarawan sa salita,

9 sapagkat tinatanggap na ninyo ang bunga ng inyongt pananampalataya, ang inyong kaligtasan.
10 Tungkol sa kaligtasang ito masusing nagsiyasat at nagsuri ang mga propetang nagpahayag tungkol sa kaloob na nakalaan sa inyo. 11 Sinuri nila kung kailan at paano ito mangyayari. Ang panahong ito ang tinutukoy ng Espiritu ni Cristo na nasa kanila nang unang ipahayag nito ang hirap na titiisin ni Cristo at ang karangalang tatamuhin niya.

12 Nang kanilang ipahayag ang mga katotohanang ito, ipinaunawa sa kanila ng Diyos na ang ginagawa nila ay para sa inyo, at hindi para sa kanila. Ang mga katotohanang ito'y narinig ninyo ngayon sa mga nangangaral ng Magandang Balita ng Diyos sa kapangyarihan ng Espiritu Santo na isinugo sa kanila mula sa langit. Maging ang mga anghel sa langit ay nanabik na maunawaan ang mga katotohanang ito.

Paanyaya sa Banal na Pamumuhay


13 Kaya nga, ihanda ninyo ang inyong mga isipan para sa dapat ninyong gawin. Maging mahinahon kayo at lubos na umasa sa pagpapalang tatamuhin ninyo kapag nahayag na si Jesu-Cristo. 14 Bilang masunuring mga anak, huwag kayong umayon sa masasamang pagnanasa tulad ng ginagawa ninyo noong kayo'y wala pang tunay na pagkaunawa. 15 Dahil ang Diyos na pumili sa inyo ay banal, dapat din kayong magpakabanal sa lahat ng inyong ginagawa,

16 sapagkatt nasusulat, “Magpakabanal kayo, sapagkat ako'y banal.”
17 Walang itinatangi ang Diyos. Pinapahalagahan niya ang bawat isa ayon sa mga ginawa nito. At dahil tinatawag ninyo siyang Ama, igalang ninyo siya habang kayo'y nabubuhay. 18 Alam ninyo kung ano ang ipinantubos sa inyo sa walang kabuluhang pamumuhay na inyong minana sa inyong mga magulang. Ang ipinantubos sa inyo'y hindi ang mga bagay na nasisira o nauubos, tulad ng ginto o pilak, 19 kundi sa pamamagitan ng mahalagang dugo ni Cristo. Siya ang korderong walang batik at kapintasan. 20 Pinili na siya ng Diyos sa gawaing ito bago pa nilikha ang daigdig, at ipinahayag siya alang-alang sa inyo, bago sumapit ang katapusan ng mga panahon.

21 Dahil kay Cristo, sumasampalataya kayo sa Diyos na sa kanya'y muling bumuhay at nagparangal, kaya't ang inyong pananampalataya at pag-asa ay nasa Diyos.
22 Ngayong malinis na kayo dahil sa inyong pagsunod sa katotohanan, at naghahari na sa inyo ang tapat na pag-iibigan bilang magkakapatid, nawa'y maging maalab at taos sa puso ang inyong pagmamahalan. 23 Sapagkat muli kayong isinilang, hindi sa pamamagitan ng kapanganakang may kamatayan, kundi sa bisa ng buháy at di nagbabagong salita ng Diyos.

24 Ayont sa kasulatan,
“Ang lahat ng tao ay tulad ng damo,
gaya ng bulaklak nito ang lahat niyang kariktan.
Ang damo ay nalalanta, at kumukupas naman ang bulaklak,

25 ngunit ang salita ng Panginoon ay mananatili magpakailanman.”
At ang salitang ito ang Magandang Balitang ipinangaral sa inyo.

1 PETER 1

1 From Peter, an apostle of Jesus Christ.
To God's people who are scattered like foreigners in Pontus, Galatia, Cappadocia, Asia, and Bithynia.

2 God the Father decided to choose you as his people, and his Spirit has made you holy. You have obeyed Jesus Christ and are sprinkled with his blood.t
I pray that God will be kind to you and will keep on giving you peace!

A Real Reason for Hope


3 Praise God, the Father of our Lord Jesus Christ. God is so good, and by raising Jesus from death, he has given us new life and a hope that lives on.

4 t God has something stored up for you in heaven, where it will never decay or be ruined or disappear.
5 You have faith in God, whose power will protect you until the last day.t Then he will save you, just as he has always planned to do. 6 On that day you will be glad, even if you have to go through many hard trials for a while.

7 t Your faith will be like gold that has been tested in a fire. And these trials will prove that your faith is worth much more than gold that can be destroyed. They will show that you will be given praise and honor and glory when Jesus Christ returns.
8 You have never seen Jesus, and you don't see him now. But still you love him and have faith in him, and no words can tell how glad and happy

9 you are to be saved. This is why you have faith.
10 Some prophets told how God would treat you with undeserved grace, and they searched hard to find out more about the way you would be saved. 11 The Spirit of Christ was in them and was telling them how Christ would suffer and would then be given great honor. So they searched to find out exactly who Christ would be and when this would happen.

12 But they were told that they were serving you and not themselves. They preached to you by the power of the Holy Spirit, who was sent from heaven. And their message was only for you, even though angels would like to know more about it.

Chosen To Live //a Holy Life


13 Be alert and think straight. Put all your hope in how God will treat you with undeserved grace when Jesus Christ appears. 14 Behave like obedient children. Don't let your lives be controlled by your desires, as they used to be. 15 Always live as God's holy people should, because God is the one who chose you, and he is holy.

16 t That's why the Scriptures say, “I am the holy God, and you must be holy too.”
17 You say that God is your Father, but God doesn't have favorites! He judges all people by what they do. So you must honor God while you live as strangers here on earth. 18 You were rescuedt from the useless way of life you learned from your ancestors. But you know you were not rescued by such things as silver or gold that don't last forever. 19 t You were rescued by the precious blood of Christ, that spotless and innocent lamb. 20 Christ was chosen even before the world was created, but because of you, he did not come until these last days.

21 And when he did come, it was to lead you to have faith in God, who raised him from death and honored him in a glorious way. This is why you have put your faith and hope in God.
22 You obeyed the truth, t and your souls were made pure. Now you sincerely love each other. But you must keep on loving with all your heart. 23 Do this because God has given you new birth by his message that lives on forever.

24 t The Scriptures say,
“Humans wither like grass,
and their glory fades
like wild flowers.
Grass dries up,
and flowers fall
to the ground.

25 But what the Lord has said
will stand forever.”
Our good news to you is what the Lord has said.