previous next

I Pedro 1

1 Si Pedro, na apostol ni Jesucristo, sa mga hinirang na nangingibang bayan na nasa Pangangalat sa Ponto, Galacia, Capadocia, Asia at Bitinia,2 Ayon sa paunang kaalaman ng Dios Ama, sa pagpabanal ng Espiritu, upang magsitalima at mangawisikan ng dugo ni Jesucristo: Biyaya at kapayapaan nawa ang sa inyo'y sumagana.3 Purihin nawa ang Dios at Ama ng ating Panginoong Jesucristo, na ayon sa kaniyang malaking awa ay ipinanganak na muli tayo sa isang buhay na pagasa sa pamamagitan ng pagkabuhay na maguli ni Jesucristo sa mga patay,4 Sa isang manang di nasisira, at walang dungis, at hindi kumukupas, na inilaan sa langit para sa inyo,5 Na sa kapangyarihan ng Dios ay iniingatan sa pamamagitan ng pananampalataya sa ikaliligtas na nahanda upang ihayag sa huling panahon.6 Na ito ang inyong totoong ikinagagalak, bagama't ngayo'y sa sangdaling panahon, kung kailangan, ay pinalumbay kayo sa muli't muling pagsubok,7 Upang ang pagsubok sa inyong pananampalataya na lalong mahalaga kay sa ginto na nasisira bagama't ito'y sinusubok sa pamamagitan ng apoy, ay masumpungan sa ikapupuri at ikaluluwalhati at ikararangal sa pagpapakahayag ni Jesucristo:8 Na hindi ninyo nakita ay inyong iniibig; na bagama't ngayon ay hindi ninyo siya nakikita, gayon ma'y inyong sinasampalatayanan, na kayo'y nangagagalak na totoo na may galak na di masayod at puspos ng kaluwalhatian:9 Na inyong tinatanggap ang layunin ng inyong pananampalataya, ang pagkaligtas ng inyong mga kaluluwa.10 Tungkol sa pagkaligtas na ito ay nagsikap at nagsiyasat na maigi ang mga propeta, na nangagsihula tungkol sa biyayang dadating sa inyo:11 Na sinisiyasat ang kahulugan kung ano at kailang panahon itinuro ng Espiritu ni Cristo na sumasa kanila, nang patotohanan nang una ang mga pagbabata ni Cristo, at ang mga kaluwalhatiang hahalili sa mga ito.12 Na ipinahayag sa kanila, na hindi sa ganang kanilang sarili, kundi sa ganang inyo, pinangasiwaan nila ang mga bagay na ito, na ngayo'y ibinalita sa inyo sa pamamagitan ng mga nagsipangaral sa inyo ng evangelio sa pamamagitan ng Espiritu Santo na sinugo mula sa langit; na ang mga bagay na ito'y ninanasang mamasdan ng mga anghel.13 Kaya't inyong bigkisan ang mga baywang ng inyong pagiisip, na maging mapagpigil kayo at inyong ilagak na lubos ang inyong pagasa sa biyayang dadalhin sa inyo sa pagkahayag ni Jesucristo;14 Na gaya ng mga anak na matalimahin, na huwag kayong mangagasal na ayon sa inyong dating mga masasamang pita nang kayo'y na sa kawalang kaalaman:15 Nguni't yamang banal ang sa inyo'y tumawag, ay mangagpakabanal naman kayo sa lahat ng paraan ng pamumuhay;16 Sapagka't nasusulat, Kayo'y mangagpakabanal; sapagka't ako'y banal.17 At kung inyong tinatawagan, na Ama, siyang walang itinatanging tao, na humahatol ayon sa gawa ng bawa't isa, ay gugulin ninyo sa takot ang panahon ng inyong pangingibang bayan:18 Na inyong nalalamang kayo'y tinubos hindi ng mga bagay na nangasisira, ng pilak o ginto, mula sa inyong walang kabuluhang paraan ng pamumuhay, na ipinamana sa inyo ng inyong mga magulang;19 Kundi ng mahalagang dugo, gaya ng sa korderong walang kapintasan at walang dungis, sa makatuwid baga'y ang dugo ni Cristo:20 Na nakilala nga nang una bago itinatag ang sanglibutan, nguni't inihayag sa mga huling panahon dahil sa inyo,21 Na sa pamamagitan niya ay nanganampalataya kayo sa Dios, na sa kaniya'y bumuhay na maguli sa mga patay, at sa kaniya'y nagbigay ng kaluwalhatian; upang ang inyong pananampalataya at pagasa ay mapasa Dios.22 Yamang nilinis ninyo ang mga kaluluwa sa inyong pagtalima sa katotohanan, sa pagibig na hindi pakunwari sa mga kapatid, ay mangagibigan kayo ng buong ningas ng inyong puso sa isa't isa:23 Yamang ipinanganak kayong muli, hindi sa binhing nasisira, kundi sa walang kasiraan, sa pamamagitan ng salita ng Dios na nabubuhay at namamalagi.24 Sapagka't, Ang lahat ng laman ay gaya ng damo, At ang lahat ng kaniyang karangalan ay gaya ng bulaklak ng damo. Ang damo'y natutuyo, at ang bulaklak ay nalalanta:25 Datapuwa't ang salita ng Panginoon ay namamalagi magpakailan man. At ito ang salita ng mabubuting balita na ipinangaral sa inyo.

1 PETER 1

1 From Peter, an apostle of Jesus Christ.
To God's people who are scattered like foreigners in Pontus, Galatia, Cappadocia, Asia, and Bithynia.

2 God the Father decided to choose you as his people, and his Spirit has made you holy. You have obeyed Jesus Christ and are sprinkled with his blood.t
I pray that God will be kind to you and will keep on giving you peace!

A Real Reason for Hope


3 Praise God, the Father of our Lord Jesus Christ. God is so good, and by raising Jesus from death, he has given us new life and a hope that lives on.

4 t God has something stored up for you in heaven, where it will never decay or be ruined or disappear.
5 You have faith in God, whose power will protect you until the last day.t Then he will save you, just as he has always planned to do. 6 On that day you will be glad, even if you have to go through many hard trials for a while.

7 t Your faith will be like gold that has been tested in a fire. And these trials will prove that your faith is worth much more than gold that can be destroyed. They will show that you will be given praise and honor and glory when Jesus Christ returns.
8 You have never seen Jesus, and you don't see him now. But still you love him and have faith in him, and no words can tell how glad and happy

9 you are to be saved. This is why you have faith.
10 Some prophets told how God would treat you with undeserved grace, and they searched hard to find out more about the way you would be saved. 11 The Spirit of Christ was in them and was telling them how Christ would suffer and would then be given great honor. So they searched to find out exactly who Christ would be and when this would happen.

12 But they were told that they were serving you and not themselves. They preached to you by the power of the Holy Spirit, who was sent from heaven. And their message was only for you, even though angels would like to know more about it.

Chosen To Live //a Holy Life


13 Be alert and think straight. Put all your hope in how God will treat you with undeserved grace when Jesus Christ appears. 14 Behave like obedient children. Don't let your lives be controlled by your desires, as they used to be. 15 Always live as God's holy people should, because God is the one who chose you, and he is holy.

16 t That's why the Scriptures say, “I am the holy God, and you must be holy too.”
17 You say that God is your Father, but God doesn't have favorites! He judges all people by what they do. So you must honor God while you live as strangers here on earth. 18 You were rescuedt from the useless way of life you learned from your ancestors. But you know you were not rescued by such things as silver or gold that don't last forever. 19 t You were rescued by the precious blood of Christ, that spotless and innocent lamb. 20 Christ was chosen even before the world was created, but because of you, he did not come until these last days.

21 And when he did come, it was to lead you to have faith in God, who raised him from death and honored him in a glorious way. This is why you have put your faith and hope in God.
22 You obeyed the truth, t and your souls were made pure. Now you sincerely love each other. But you must keep on loving with all your heart. 23 Do this because God has given you new birth by his message that lives on forever.

24 t The Scriptures say,
“Humans wither like grass,
and their glory fades
like wild flowers.
Grass dries up,
and flowers fall
to the ground.

25 But what the Lord has said
will stand forever.”
Our good news to you is what the Lord has said.