1 Pedro 3
Katuruan Para sa mga Mag-asawa
1 Kayot namang mga babae, pasakop kayo sa inyu-inyong asawa. At kung mayroon sa kanila na hindi pa naniniwala sa salita ng Diyos, mahihikayat din silang sumampalataya dahil sa inyong magandang asal, kahit hindi na kayo magpaliwanag pa sa kanila. 2 Sapat nang makita nila ang inyong maka-Diyos at malinis na pamumuhay. 3 Angt inyong ganda ay huwag maging panlabas tulad ng pag-aayos ng buhok at pagsusuot ng mga gintong alahas at mamahaling damit. 4 Sa halip, pagyamanin ninyo ang kagandahang nakatago sa puso, ang kagandahang walang kupas na likha ng maamo at mapayapang diwa, na lubhang mahalaga sa mata ng Diyos. 5 Iyan ang kagandahang ipinakita ng mga banal na babaing umasa sa Diyos noong unang panahon. Sila'y nagpasakop sa kanilang mga asawa.
6 Tuladt ni Sara, sinunod niya at tinawag na panginoon ang asawa niyang si Abraham. Kayo rin ay mapapabilang sa kanyang mga anak kung matuwid ang inyong mga gawa, at kung wala kayong anumang kinatatakutan.
7 Kayot namang mga lalaki, unawain ninyo at pakitunguhang mabuti ang inyong asawa, sapagkat sila'y mas mahina, at tulad ninyo'y may karapatan din sila sa buhay na walang hanggan na kaloob ng Diyos. Gawin ninyo ito, nang sa gayon ay walang magiging sagabal sa inyong mga panalangin.Paghihirap Dahil sa Paggawa ng Matuwid
8 Sa aking pagtatapos, magkaisa kayo at magdamayan, magmahalan bilang magkakapatid at maging maunawain at mapagpakumbabá. 9 Huwag ninyong gantihan ng masama ang gumagawa sa inyo ng masama. Huwag ninyong sumpain ang sumusumpa sa inyo. Sa halip, pagpalain ninyo sila dahil pinili kayo upang tumanggap ng pagpapala ng Diyos.
10 Ayont sa nasusulat,
“Ang mga nagnanais ng payapa at saganang pamumuhay,
dila nila'y pigilan sa paghabi ng kasamaan.
Ang anumang panlilinlang at madayang pananalita
sa kanyang mga labi ay di dapat lumabas.
11 Ang masama'y iwasan na, at ang gawin ay ang tama;
at ang laging pagsikapan ay buhay na mapayapa.
12 Ang mga mata ng Panginoon, sa matuwid nakatuon,
sa kanilang pagdaing, siya'y nakikinig,
ngunit sa mga masasama, siya'y tumatalikod!”
13 At sino naman ang gagawa sa inyo ng masama kung wala kayong hinahangad kundi pawang kabutihan? 14 Att t sakali mang usigin kayo dahil sa paggawa ng mabuti, mapalad pa rin kayo! Huwag ninyong katakutan ang kanilang kinatatakutan at huwag kayong padadala sa kanila. 15 Igalang ninyo si Cristo mula sa inyong puso at sambahin ninyo siya bilang Panginoon. Lagi kayong maging handang magpaliwanag sa sinumang magtatanong sa inyo tungkol sa pag-asa na nasa inyo. 16 Ngunit maging mahinahon at magalang kayo sa inyong pagpapaliwanag. Bilang mga lingkod ni Cristo, panatilihin ninyong malinis ang inyong budhi upang mapahiya ang mga nanlalait at humahamak sa inyong magandang pag-uugali. 17 Higit na mainam ang kayo'y magdusa dahil sa paggawa ng mabuti, sakali mang ito'y ipahintulot ng Diyos, kaysa magdusa kayo dahil sa paggawa ng masama. 18 Sapagkat si Cristo na walang kasalanan ay namatayt nang minsan para sa inyo na mga makasalanan, upang iharap kayot sa Diyos. Siya'y namatay ayon sa laman, at muling binuhay ayon sa espiritu. 19 Sa kalagayang ito, nagpunta siya at nangaral sa mga espiritung nakabilanggo. 20 Silat ang mga espiritung ayaw sumunod nang sila'y matiyagang hinihintay ng Diyos noong panahon ni Noe, samantalang ginagawa nito ang malaking barko. Iilang tao, walo lamang, ang nakaligtas sa baha. 21 Ang tubig ay larawan ng bautismong nagliligtas sa inyo ngayon. Ang bautismo ay hindi paglilinis ng dumi ng katawan kundi isang pangako sa Diyos buhat sa isang malinis na budhi. Inililigtas kayo ng bautismo sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ni Jesu-Cristo, 22 na umakyat sa langit at ngayo'y nasa kanan ng Diyos. Naghahari siya roon sa mga anghel at sa mga kapangyarihan sa langit.
1 PETER 3
Wives and Husbands
1 t If you are a wife, you must put your husband first. Even if he opposes our message, you will win him over by what you do. No one else will have to say anything to him, 2 because he will see how you honor God and live a pure life. 3 t Don't depend on things like fancy hairdos or gold jewelry or expensive clothes to make you look beautiful.
4 Be beautiful in your heart by being gentle and quiet. This kind of beauty will last, and God considers it very special.
5 Long ago those women who worshiped God and put their hope in him made themselves beautiful by putting their husbands first.
6 For example, Sarah obeyed Abraham and called him her master. You are her true children, if you do right and don't let anything frighten you.
7 t If you are a husband, you should be thoughtful of your wife. Treat her with honor, because she isn't as strong as you are, and she shares with you in the gift of life. Then nothing will stand in the way of your prayers.Suffering for Doing Right
8 Finally, all of you should agree and have concern and love for each other. You should also be kind and humble.
9 Don't be hateful and insult people just because they are hateful and insult you. Instead, treat everyone with kindness. You are God's chosen ones, and he will bless you. The Scriptures say,
10 t “Do you really love life?
Do you want to be happy?
Then stop saying cruel things
and quit telling lies.
11 Give up your evil ways
and do right,
as you find and follow
the road to peace.
12 The Lord watches over
everyone who obeys him,
and he listens
to their prayers.
But he opposes everyone
who does evil.”
13 Can anyone really harm you for being eager to do good deeds? 14 t t Even if you have to suffer for doing good things, God will bless you. So stop being afraid and don't worry about what people might do.
15 Honor Christ and let him be the Lord of your life.
Always be ready to give an answer when someone asks you about your hope. 16 Give a kind and respectful answer and keep your conscience clear. This way you will make people ashamed for saying bad things about your good conduct as a follower of Christ.
17 You are better off to obey God and suffer for doing right than to suffer for doing wrong.
18 Christ died once for our sins.
An innocent person died
for those who are guilty.
Christ did this
to bring you to God,
when his body
was put to death
and his spirit
was made alive.
19 Christ then preached to the spirits that were being kept in prison.
20 t t They had disobeyed God while Noah was building the boat, but God had been patient with them. Eight people went into that boat and were brought safely through the flood.
21 Those flood waters were like baptism that now saves you. But baptism is more than just washing your body. It means turning to God with a clear conscience, because Jesus Christ was raised from death. 22 Christ is now in heaven, where he sits at the right sidet of God. All angels, authorities, and powers are under his control.