previous next

I Pedro 3

1 Gayon din naman, kayong mga asawang babae, pasakop kayo sa inyong sarisariling asawa; upang, kung ang ilan ay hindi tumalima sa salita, ay mangahikayat ng walang salita sa pamamagitan ng ugali ng kanikaniyang asawang babae;2 Sa pagkamasid nila ng inyong ugaling mahinhin na may takot.3 Na huwag sa labas ang kanilang paggayak na gaya ng pagpapahiyas ng buhok, at pagsusuot ng mga hiyas na ginto, o pagbibihis ng maringal na damit;4 Kundi ang pagkataong natatago sa puso na may damit na walang kasiraan ng espiritung maamo at payapa, na may malaking halaga sa paningin ng Dios.5 Sapagka't nang unang panahon, ay ganito naman nagsigayak ang mga babaing banal na nagsiasa sa Dios, na pasakop sa kanikaniyang asawa;6 Na gaya ni Sara na tumalima kay Abraham, na kaniyang tinawag na panginoon: na kayo ang mga anak niya ngayon, kung nagsisigawa kayo ng mabuti, at di kayo nangatatakot sa anomang kasindakan.7 Gayon din naman kayong mga lalake, magsipamahay kayong kasama ng inyo-inyong asawa ayon sa pagkakilala, na pakundanganan ang babae, na gaya ng marupok na sisidlan, yamang kayo nama'y kasamang tagapagmana ng biyaya ng kabuhayan: upang ang inyong mga panalangin ay huwag mapigilan.8 Katapustapusan, kayong lahat ay mangagkaisang akala, madamayin, mangagibigang tulad sa magkakapatid, mga mahabagin, mga mapagkumbabang pagiisip:9 Na huwag ninyong gantihin ng masama ang masama, o ng alipusta ang pagalipusta; kundi ng pagpapala; sapagka't dahil dito kayo'y tinawag, upang kayo'y mangagmana ng pagpapala.10 Sapagka't, Ang magnais umibig sa buhay, At makakita ng mabubuting araw, Ay magpigil ng kaniyang dila sa masama, At ang kaniyang mga labi ay huwag magsalita ng daya:11 At tumalikod siya sa masama, at gumawa ng mabuti; Hanapin ang kapayapaan, at kaniyang sundan.12 Sapagka't ang mga mata ng Panginoon ay nasa mga matuwid, At ang kaniyang mga pakinig ay sa kanilang mga daing: Nguni't ang mukha ng Panginoon ay laban sa mga nagsisigawa ng masama.13 At sino ang sa inyo ay aapi, kung kayo'y mapagmalasakit sa mabuti?14 Datapuwa't kung mangagbata kayo ng dahil sa katuwiran ay mapapalad kayo: at huwag kayong mangatakot sa kanilang pangtakot, o huwag kayong mangagulo;15 Kundi inyong ariing banal si Cristo na Panginoon sa inyong mga puso: na lagi kayong handa ng pagsagot sa bawa't tao na humihingi sa inyo ng katuwiran tungkol sa pagasang nasa inyo, nguni't sa kaamuan at takot:16 Na taglay ang mabuting budhi; upang, sa mga bagay na salitain laban sa inyo, ay mangapahiya ang nagsisialipusta sa inyong mabuting paraan ng pamumuhay kay Cristo.17 Sapagka't lalong magaling, kung gayon ang iniibig ng kalooban ng Dios na kayo'y mangagbata dahil sa paggawa ng mabuti kay sa dahil sa paggawa ng masama.18 Sapagka't si Cristo man ay nagbata ring minsan dahil sa mga kasalanan, ang matuwid dahil sa mga di matuwid, upang tayo'y madala niya sa Dios; siyang pinatay sa laman, nguni't binuhay sa espiritu;19 Na iyan din ang kaniyang iniyaon at nangaral sa mga espiritung nasa bilangguan,20 Na nang unang panahon ay mga suwail, na ang pagpapahinuhod ng Dios, ay nanatili noong mga araw ni Noe, samantalang inihahanda ang daong, na sa loob nito'y kakaunti, sa makatuwid ay walong kaluluwa, ang nangaligtas sa pamamagitan ng tubig:21 Na ayon sa tunay na kahawig ngayo'y nagligtas, sa makatuwid baga'y ang bautismo, hindi sa pagaalis ng karumihan ng laman, kundi sa paghiling ng isang mabuting budhi sa Dios, sa pamamagitan ng pagkabuhay na maguli ni Jesucristo;22 Na nasa kanan ng Dios, pagkaakyat niya sa langit; na ipinasakop sa kaniya ang mga anghel at ang mga kapamahalaan ang mga kapangyarihan.

1 PETER 3

Wives and Husbands

1  t If you are a wife, you must put your husband first. Even if he opposes our message, you will win him over by what you do. No one else will have to say anything to him, 2 because he will see how you honor God and live a pure life. 3 t Don't depend on things like fancy hairdos or gold jewelry or expensive clothes to make you look beautiful.

4 Be beautiful in your heart by being gentle and quiet. This kind of beauty will last, and God considers it very special.
5 Long ago those women who worshiped God and put their hope in him made themselves beautiful by putting their husbands first.

6 For example, Sarah obeyed Abraham and called him her master. You are her true children, if you do right and don't let anything frighten you.

7  t If you are a husband, you should be thoughtful of your wife. Treat her with honor, because she isn't as strong as you are, and she shares with you in the gift of life. Then nothing will stand in the way of your prayers.

Suffering for Doing Right


8 Finally, all of you should agree and have concern and love for each other. You should also be kind and humble.

9 Don't be hateful and insult people just because they are hateful and insult you. Instead, treat everyone with kindness. You are God's chosen ones, and he will bless you. The Scriptures say,

10  t “Do you really love life?
Do you want to be happy?
Then stop saying cruel things
and quit telling lies.

11 Give up your evil ways
and do right,
as you find and follow
the road to peace.

12 The Lord watches over
everyone who obeys him,
and he listens
to their prayers.
But he opposes everyone
who does evil.”
13 Can anyone really harm you for being eager to do good deeds? 14 t t Even if you have to suffer for doing good things, God will bless you. So stop being afraid and don't worry about what people might do.

15 Honor Christ and let him be the Lord of your life.
Always be ready to give an answer when someone asks you about your hope.
16 Give a kind and respectful answer and keep your conscience clear. This way you will make people ashamed for saying bad things about your good conduct as a follower of Christ.

17 You are better off to obey God and suffer for doing right than to suffer for doing wrong.

18 Christ died once for our sins.
An innocent person died
for those who are guilty.
Christ did this
to bring you to God,
when his body
was put to death
and his spirit
was made alive.
19 Christ then preached to the spirits that were being kept in prison.

20 t t They had disobeyed God while Noah was building the boat, but God had been patient with them. Eight people went into that boat and were brought safely through the flood.
21 Those flood waters were like baptism that now saves you. But baptism is more than just washing your body. It means turning to God with a clear conscience, because Jesus Christ was raised from death. 22 Christ is now in heaven, where he sits at the right sidet of God. All angels, authorities, and powers are under his control.