previous next

1 Pedro 4

Ang Panibagong Buhay

1 Dahil si Cristo'y nagtiis ng hirap sa buhay na ito, kayo man ay dapat maging handang magtiis, sapagkat ang nagtitiis ng hirap sa buhay na ito ay tumalikod na sa kasalanan. 2 Kaya nga mula ngayon ay mamuhay na tayong sumusunod sa kalooban ng Diyos, at hindi sa nasa ng laman. 3 Sapat na ang panahong inaksaya ninyo sa paggawa ng mga bagay na kinahuhumalingan ng mga Hentil: kahalayan, masasamang nasa ng laman, paglalasing, walang tigil na pagsasaya, pag-iinuman, at kasuklam-suklam na pagsamba sa mga diyus-diyosan. 4 Nagtataka nga sila kung bakit hindi na kayo sumasama ngayon sa kanilang magulong pamumuhay kaya kayo'y sinisiraan nila, 5 ngunit mananagot sila sa Diyos na hahatol sa mga buháy at sa mga patay.

6 Ipinangaral din ang Magandang Balita sa mga patay upang bagama't sila'y nahusgahan ayon sa laman gaya ng lahat ng nasa laman, mabubuhay sila sa espiritu sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos.

Ang Mabuting Pangangasiwa sa mga Kaloob ng Diyos


7 Malapit na ang wakas ng lahat ng bagay, kaya't maging mapagtimpi kayo at panatilihing malinaw ang inyong pag-iisip upang kayo'y makapanalangin. 8 Higitt sa lahat, magmahalan kayo nang tapat, sapagkat ang pagmamahal ay pumapawi ng maraming kasalanan. 9 Huwag maging mabigat sa inyong loob ang pagtanggap sa inyong mga kapatid sa inyong bahay. 10 Bilang mabubuting katiwala ng iba't ibang kaloob ng Diyos, gamitin ninyo ang kakayahang tinanggap ninyo sa ikakapakinabang ng lahat.

11 Ikaw ba'y tagapangaral? Ipangaral mo ang salita ng Diyos. Ikaw ba'y tagapaglingkod? Gamitin mo sa paglilingkod ang lakas na kaloob sa iyo ng Diyos upang sa lahat ng bagay siya'y papurihan sa pamamagitan ni Jesu-Cristo. Sa kanya ang kapangyarihan at karangalan magpakailanman! Amen.

Ang Pagtitiis ng Cristiano


12 Mga minamahal, huwag na kayong magtaka sa mabibigat na pagsubok na inyong dinaranas na para bang ito'y di pangkaraniwan. 13 Sa halip, magalak kayo sa inyong pakikibahagi sa mga paghihirap ni Cristo upang maging lubos ang inyong kagalakan kapag nahayag na ang kanyang kadakilaan. 14 Mapalad kayo kung kayo'y kinukutya dahil kay Cristo, sapagkat sumasainyo ang Espiritu ng kaluwalhatian, ang Espiritu ng Diyos. 15 Huwag nawang mangyaring maparusahan ang sinuman sa inyo dahil siya'y mamamatay-tao, magnanakaw, salarin o pakialamero.

16 Ngunit kung kayo'y magdusa dahil sa pagiging Cristiano, huwag ninyong ikahiya ito; sa halip, magpasalamat kayo sa Diyos sapagkat taglay ninyo ang pangalan ni Cristo.
17 Dumating na ang panahon ng paghuhukom, at ito'y magsisimula sa mga bayan ng Diyos. At kung sa atin ito magsisimula, ano kaya ang magiging wakas ng mga hindi sumusunod sa Magandang Balita ng Diyos?

18 Tuladt ng sinasabi ng kasulatan,
“Kung ang taong matuwid ay napakahirap maligtas,
ang di kumikilala sa Diyos, paano pa maliligtas?”
19 Kaya nga, ang mga naghihirap dahil sa kalooban ng Diyos ay dapat magtiwala sa Lumikha, at magpatuloy sa paggawa ng mabuti. Ang Diyos ay laging tapat sa kanyang pangako.

1 PETER 4

Being Faithful to God

1 Christ suffered here on earth. Now you must be ready to suffer as he did, because suffering shows that you have stopped sinning. 2 It means you have turned from your own desires and want to obey God for the rest of your life. 3 You have already lived long enough like people who don't know God. You were immoral and followed your evil desires. You went around drinking and partying and carrying on. In fact, you even worshiped disgusting idols. 4 Now your former friends wonder why you have stopped running around with them, and they curse you for it. 5 But they will have to answer to God, who judges the living and the dead.

6 The good news has even been preached to the dead, t so that after they have been judged for what they have done in this life, their spirits will live with God.

7 Everything will soon come to an end. So be serious and be sensible enough to pray.

8  t Most important of all, you must sincerely love each other, because love wipes away many sins.

9 Welcome people into your home and don't grumble about it.
10 Each of you has been blessed with one of God's many wonderful gifts to be used in the service of others. So use your gift well.

11 If you have the gift of speaking, preach God's message. If you have the gift of helping others, do it with the strength that God supplies. Everything should be done in a way that will bring honor to God because of Jesus Christ, who is glorious and powerful forever. Amen.

Suffering for Being //a Christian


12 Dear friends, don't be surprised or shocked that you are going through testing that is like walking through fire.

13 Be glad for the chance to suffer as Christ suffered. It will prepare you for even greater happiness when he makes his glorious return.
14 Count it a blessing when you suffer for being a Christian. This shows that God's glorious Spirit is with you. 15 But you deserve to suffer if you are a murderer, a thief, a crook, or a busybody. 16 Don't be ashamed to suffer for being a Christian. Praise God that you belong to him.

17 God has already begun judging his own people. And if his judgment begins with us, imagine how terrible it will be for those who refuse to obey his message. The Scriptures say,

18  t “If good people barely escape,
what will happen to sinners
and to others
who don't respect God?”
19 If you suffer for obeying God, you must have complete faith in your faithful Creator and keep on doing right.