I Pedro 4
1 Kung paano ngang si Cristo ay nagbata sa laman, ay magsandata rin naman kayo ng gayong pagiisip; sapagka't siya na nagbata sa laman ay nagpapatigil sa kasalanan;2 Upang huwag na kayong mangabuhay sa laman sa inyong nalalabing panahon sa mga masamang pita ng mga tao, kundi sa kalooban ng Dios.3 Sapagka't sukat na ang nakaraang panahon upang gawin ang hangad ng mga Gentil, at lumakad sa kalibugan, sa mga masamang pita, sa mga paglalasing, sa mga kalayawan, sa mga kayamuan, at sa kasuklamsuklam na pagsamba sa mga diosdiosan:4 Ikinahahanga nila ang bagay na ito na kayo'y hindi nakikitakbong kasama nila sa gayong pagpapakalabis ng kaguluhan, kung kaya't kayo'y pinagsasalitaan ng masama:5 Na sila'y magbibigay sulit sa kaniya na handang humukom sa mga buhay at sa mga patay.6 Sapagka't dahil dito'y ipinangaral maging sa mga patay ang evangelio, upang sila, ayon sa mga tao sa laman ay mangahatulan, datapuwa't mangabuhay sa espiritu ayon sa Dios.7 Nguni't ang wakas ng lahat ng mga bagay ay malapit na: kayo nga'y mangagpakahinahon, at mangagpuyat sa pananalangin:8 Na una sa lahat ay maging maningas kayo sa inyong pagiibigan; sapagka't ang pagibig ay nagtatakip ng karamihang kasalanan:9 Na mangagpatuluyan kayo ng walang bulongbulungan:10 Na ayon sa kaloob na tinanggap ng bawa't isa, ay ipaglingkod sa inyo-inyo rin, na gaya ng mabubuting katiwala ng masaganang biyaya ng Dios;11 Na kung ang sinoma'y nagsasalita, ay gaya ng sa mga aral ng Dios: kung ang sinoman ay nangangasiwa, ay gaya ng sa kalakasang ibinibigay ng Dios: upang ang Dios ay papurihan sa lahat ng mga bagay sa pamamagitan ni Jesucristo, na sa kaniya ang kaluwalhatian at ang paghahari magpakailan man. Siya nawa.12 Mga minamahal, huwag kayong mangagtaka tungkol sa mahigpit na pagsubok sa inyo, na dumarating sa inyo upang kayo'y subukin, na waring ang nangyayari sa inyo'y di karaniwang bagay:13 Kundi kayo'y mangagalak, sapagka't kayo'y mga karamay sa mga hirap ni Cristo; upang sa pagkahayag ng kaniyang kaluwalhatian naman ay mangagalak kayo ng malabis na galak.14 Kung kayo'y mapintasan dahil sa pangalan ni Cristo, ay mapapalad kayo; sapagka't ang Espiritu ng kaluwalhatian at ang Espiritu ng Dios ay nagpapahingalay sa inyo.15 Nguni't huwag magbata ang sinoman sa inyo na gaya ng mamamatay-tao, o magnanakaw, o manggagawa ng masama, o gaya ng mapakialam sa mga bagay ng iba:16 Nguni't kung ang isang tao ay magbata na gaya ng Cristiano, ay huwag mahiya; kundi luwalhatiin ang Dios sa pangalang ito.17 Sapagka't dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Dios: at kung mauna sa atin, ano kaya ang wakas ng mga hindi nagsisitalima sa evangelio ng Dios?18 At kung ang matuwid ay bahagya ng makaliligtas, ang masama at ang makasalanan ay saan kaya magsisiharap?19 Kaya't ipagkatiwala naman ng nangagbabata ayon sa kalooban ng Dios ang kanilang mga kaluluwa sa paggawa ng mabuti sa tapat na Lumalang.
1 PETER 4
Being Faithful to God
1 Christ suffered here on earth. Now you must be ready to suffer as he did, because suffering shows that you have stopped sinning. 2 It means you have turned from your own desires and want to obey God for the rest of your life. 3 You have already lived long enough like people who don't know God. You were immoral and followed your evil desires. You went around drinking and partying and carrying on. In fact, you even worshiped disgusting idols. 4 Now your former friends wonder why you have stopped running around with them, and they curse you for it. 5 But they will have to answer to God, who judges the living and the dead.
6 The good news has even been preached to the dead, t so that after they have been judged for what they have done in this life, their spirits will live with God.
7 Everything will soon come to an end. So be serious and be sensible enough to pray.
8 t Most important of all, you must sincerely love each other, because love wipes away many sins.
9 Welcome people into your home and don't grumble about it.
10 Each of you has been blessed with one of God's many wonderful gifts to be used in the service of others. So use your gift well.
11 If you have the gift of speaking, preach God's message. If you have the gift of helping others, do it with the strength that God supplies. Everything should be done in a way that will bring honor to God because of Jesus Christ, who is glorious and powerful forever. Amen.Suffering for Being //a Christian
12 Dear friends, don't be surprised or shocked that you are going through testing that is like walking through fire.
13 Be glad for the chance to suffer as Christ suffered. It will prepare you for even greater happiness when he makes his glorious return.
14 Count it a blessing when you suffer for being a Christian. This shows that God's glorious Spirit is with you. 15 But you deserve to suffer if you are a murderer, a thief, a crook, or a busybody. 16 Don't be ashamed to suffer for being a Christian. Praise God that you belong to him.
17 God has already begun judging his own people. And if his judgment begins with us, imagine how terrible it will be for those who refuse to obey his message. The Scriptures say,
18 t “If good people barely escape,
what will happen to sinners
and to others
who don't respect God?”
19 If you suffer for obeying God, you must have complete faith in your faithful Creator and keep on doing right.