1 Mga Taga-Tesalonica 4
Ang Buhay na Nakalulugod sa Diyos
1 Kaya nga, mga kapatid, isa pang bagay ang ipinapakiusap namin at ipinapayo sa inyo sa pangalan ng Panginoong Jesus. Sana'y lalo pa ninyong pagbutihin ang inyong pamumuhay ngayon, pamumuhay sang-ayon sa inyong natutuhan sa amin, upang kayo'y maging kalugud-lugod sa Diyos. 2 Alam naman ninyo kung ano ang mga katuruang ibinigay namin sa inyo buhat sa Panginoong Jesus. 3 Kalooban ng Diyos na kayo'y magpakabanal at lumayo sa lahat ng uri ng kahalayan. 4 Dapat maging banal at marangal ang pakikitungo ng bawat isa sa kanyang asawa,t 5 at hindi pagsunod lamang sa nasa ng laman tulad ng inaasal ng mga Hentil na hindi nakakakila sa Diyos. 6 Sa bagay na ito, huwag ninyong pagsamantalahan ang inyong kapwa at huwag siyang dadayain sa anumang paraan, sapagkat mahigpit na paparusahan ng Panginoon ang gumagawa ng ganitong kasamaan, tulad ng sinabi namin at pinatotohanan sa inyo noon pa man. 7 Tayo'y tinawag ng Diyos upang mamuhay sa kabanalan, hindi sa kahalayan.
8 Kaya, ang sinumang ayaw sumunod sa katuruang ito ay hindi sa tao sumusuway, kundi sa Diyos na siyang nagkakaloob sa inyo ng kanyang Espiritu Santo.
9 Tungkol naman sa pag-ibig na dapat iukol sa mga kapatid sa pananampalataya, hindi na kailangang paalalahanan pa kayo dahil itinuro na sa inyo ng Diyos kung paano kayo mag-iibigan. 10 At ito na nga ang ginagawa ninyo sa mga kapatid sa buong Macedonia. Gayunman, ipinapakiusap pa rin namin sa inyo, mga kapatid, na pag-ibayuhin pa ninyo ang inyong pag-ibig. 11 Pagsikapan ninyong mamuhay nang tahimik, pakialaman ang sariling gawain, at magtrabaho kayo upang mabuhay tulad ng itinuro namin sa inyo.
12 Dahil dito, kayo ay igagalang ng mga hindi mananampalataya at hindi kayo aasa sa iba para sa inyong ikabubuhay.Ang Pagbalik ng Panginoon
13 Mga kapatid, nais naming malaman ninyo ang katotohanan tungkol sa mga namatay na upang hindi kayo magdalamhati tulad ng mga taong walang pag-asa.
14 Dahil naniniwala tayong si Jesus ay namatay at muling nabuhay, naniniwala din tayong bubuhayin ng Diyos ang lahat ng namatay na sumasampalataya kay Jesus upang isama sa kanya.
15 Itot t ang katuruan ng Panginoon na sinasabi namin sa inyo: tayong mga nabubuhay pa, tayong mga natitira pa hanggang sa pagparito ng Panginoon, ay hindi mauuna sa mga namatay na. 16 Sa araw na iyon kasabay ng malakas na utos, ng tinig ng arkanghel, at ng tunog ng trumpeta ng Diyos, bababâ ang Panginoon mula sa langit. Ang mga namatay na sumasampalataya kay Cristo ay bubuhayin muna. 17 Pagkatapos, tayo namang mga buháy pa at natitira ay titipunin sa alapaap kasama ng mga binuhay upang salubungin ang Panginoon sa himpapawid. Sa gayon, makakapiling natin siya magpakailanman. 18 Kaya nga, palakasin ninyo ang loob ng bawat isa sa pamamagitan ng mga aral na ito.
1 THESSALONIANS 4
A Life That Pleases God
1 Finally, my dear friends, since you belong to the Lord Jesus, we beg and urge you to live as we taught you. Then you will please God. You are already living that way, but try even harder. 2 Remember the instructions we gave you as followers of the Lord Jesus. 3 God wants you to be holy, so don't be immoral in matters of sex. 4 Respect and honor your wife.t 5 Don't be a slave of your desires or live like people who don't know God. 6 You must not cheat any of the Lord's followers in matters of sex.t Remember, we warned you that he punishes everyone who does such things. 7 God didn't choose you to be filthy, but to be pure.
8 So if you don't obey these rules, you are not really disobeying us. Instead, you are disobeying God, who gives you his Holy Spirit.
9 We don't have to write you about the need to love each other. God has taught you to do this, 10 and you already have shown your love for all his people in Macedonia. But, my dear friends, we ask you to do even more. 11 Try your best to live quietly, to mind your own business, and to work hard, just as we taught you to do.
12 t Then you will be respected by people who are not followers of the Lord, and you won't have to depend on anyone.The Lord's Coming
13 My friends, we want you to understand how it will be for those followers who have already died. Then you won't grieve over them and be like people who don't have any hope. 14 We believe Jesus died and was raised to life. We also believe that when God brings Jesus back again, he will bring with him all who had faith in Jesus before they died.
15 t t Our Lord Jesus told us that when he comes, we won't go up to meet him ahead of his followers who have already died.
16 t With a loud command and with the shout of the chief angel and a blast of God's trumpet, the Lord will return from heaven. Then those who had faith in Christ before they died will be raised to life. 17 Next, all of us who are still alive will be taken up into the clouds together with them to meet the Lord in the sky. From that time on we will all be with the Lord forever. 18 Encourage each other with these words.