previous next

I Mga Taga-Tesalonica 4

1 Katapustapusan nga, mga kapatid, kayo'y aming pinamamanhikan at inaaralan sa Panginoong Jesus, na, ayon sa tinanggap ninyo sa amin, na kung paanong kayo'y dapat magsilakad at mangagbigay lugod sa Dios, na gaya ng inyong paglakad, upang kayo'y magsipanagana ng higit at higit.2 Sapagka't talastas ninyo kung anong mga tagubilin ang ibinigay namin sa inyo sa pamamagitan ng Panginoong Jesus.3 Sapagka't ito ang kalooban ng Dios, sa makatuwid baga'y ang inyong pagpapakabanal, na kayo'y magsiilag sa pakikiapid;4 Na ang bawa't isa sa inyo'y makaalam na maging mapagpigil sa kaniyang sariling katawan sa pagpapakabanal at kapurihan,5 Hindi sa pita ng kahalayan, na gaya ng mga Gentil na hindi nangakakakilala sa Dios;6 Na sinoma'y huwag lumapastangan at magdaya sa kaniyang kapatid sa bagay na ito: sapagka't ang Panginoon ay mapaghiganti sa lahat ng mga bagay na ito, na gaya naman ng aming ipinatalastas nang una na sa inyo at pinatotohanan.7 Sapagka't tayo'y tinawag ng Dios hindi sa ikarurumi, kundi sa pagpapakabanal.8 Kaya't ang nagtatakuwil, hindi ang tao ang itinatakuwil, kundi ang Dios, na nagbibigay sa inyo ng kaniyang Espiritu Santo.9 Datapuwa't tungkol sa pagiibigang kapatid ay hindi ninyo kailangan na kayo'y sulatan ng sinoman: sapagka't kayo rin ay tinuruan ng Dios na mangagibigan kayo sa isa't isa;10 Sapagka't katotohanang ginagawa ninyo ang gayon sa lahat ng kapatid na nangasa buong Macedonia. Nguni't aming iniaaral sa inyo, mga kapatid, na kayo'y lalo't lalong magsipanagana.11 At pagaralan ninyong maging matahimik, at gawin ang inyong sariling gawain, at kayo'y mangagpagal ng inyong sariling mga kamay, na gaya ng aming ipinagbilin sa inyo;12 Upang kayo'y magsilakad ng nararapat sa nangasa labas, at huwag kayong maging mapagkailangan.13 Nguni't hindi namin ibig na kayo'y di makaalam, mga kapatid, tungkol sa nangatutulog; upang kayo'y huwag mangalumbay, na gaya ng mga iba, na walang pagasa.14 Sapagka't kung tayo'y nagsisisampalatayang si Jesus ay namatay at nabuhay na maguli, ay gayon din naman ang nangatutulog kay Jesus ay dadalhin ng Dios na kasama niya.15 Sapagka't ito'y sinasabi namin sa inyo sa salita ng Panginoon, na tayong nangabubuhay, na nangatitira hanggang sa pagparito ng Panginoon, ay hindi tayo mangauuna sa anomang paraan sa nangatutulog.16 Sapagka't ang Panginoon din ang bababang mula sa langit, na may isang sigaw, may tinig ng arkanghel, at may pakakak ng Dios: at ang nangamatay kay Cristo ay unang mangabubuhay na maguli;17 Kung magkagayon, tayong nangabubuhay, na nangatitira, ay aagawing kasama nila sa mga alapaap, upang salubungin ang Panginoon sa hangin: at sa ganito'y sasa Panginoon tayo magpakailan man.18 Kaya't mangagaliwan kayo sa isa't isa ng mga salitang ito.

1 THESSALONIANS 4

A Life That Pleases God

1 Finally, my dear friends, since you belong to the Lord Jesus, we beg and urge you to live as we taught you. Then you will please God. You are already living that way, but try even harder. 2 Remember the instructions we gave you as followers of the Lord Jesus. 3 God wants you to be holy, so don't be immoral in matters of sex. 4 Respect and honor your wife.t 5 Don't be a slave of your desires or live like people who don't know God. 6 You must not cheat any of the Lord's followers in matters of sex.t Remember, we warned you that he punishes everyone who does such things. 7 God didn't choose you to be filthy, but to be pure.

8 So if you don't obey these rules, you are not really disobeying us. Instead, you are disobeying God, who gives you his Holy Spirit.
9 We don't have to write you about the need to love each other. God has taught you to do this, 10 and you already have shown your love for all his people in Macedonia. But, my dear friends, we ask you to do even more. 11 Try your best to live quietly, to mind your own business, and to work hard, just as we taught you to do.

12 t Then you will be respected by people who are not followers of the Lord, and you won't have to depend on anyone.

The Lord's Coming


13 My friends, we want you to understand how it will be for those followers who have already died. Then you won't grieve over them and be like people who don't have any hope. 14 We believe Jesus died and was raised to life. We also believe that when God brings Jesus back again, he will bring with him all who had faith in Jesus before they died.

15 t t Our Lord Jesus told us that when he comes, we won't go up to meet him ahead of his followers who have already died.
16  t With a loud command and with the shout of the chief angel and a blast of God's trumpet, the Lord will return from heaven. Then those who had faith in Christ before they died will be raised to life. 17 Next, all of us who are still alive will be taken up into the clouds together with them to meet the Lord in the sky. From that time on we will all be with the Lord forever. 18 Encourage each other with these words.