1 Mga Taga-Tesalonica 5
Maging Handa sa Pagdating ng Panginoon
1 Mga kapatid, hindi na kailangang isulat ko pa sa inyo kung kailan magaganap ang mga bagay na ito, 2 sapagkatt alam na ninyo na ang pagdating ng araw ng Panginoon ay tulad ng pagdating ng magnanakaw sa gabi. 3 Kapag sinasabi ng mga tao, “Tiwasay at panatag ang lahat,” biglang darating ang sakuna. Hindi sila makakaiwas sapagkat ang pagdating nito'y tulad ng pagsumpong ng sakit ng tiyan ng isang babaing manganganak. 4 Ngunit wala na kayo sa kadiliman, mga kapatid, kaya't hindi kayo mabibigla sa Araw na iyon na darating na parang magnanakaw. 5 Kayong lahat ay kabilang sa panig ng liwanag, sa panig ng araw, hindi sa panig ng gabi o ng dilim. 6 Kaya nga, kailangang tayo'y manatiling gising, laging handa, at malinaw ang isip, at di tulad ng iba. 7 Sa gabi ay karaniwang natutulog ang tao, at sa gabi rin karaniwang naglalasing. 8 Ngunitt dahil tayo'y sa panig ng araw, dapat maging malinaw ang ating pag-iisip. Isuot natin ang baluti ng pananampalataya at pag-ibig, at isuot ang helmet ng pag-asa sa pagliligtas na gagawin sa atin ng Diyos. 9 Hindi tayo pinili ng Diyos upang parusahan, kundi upang iligtas sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo. 10 Namatay siya para sa atin upang tayo'y mabuhay na kasama niya, maging buháy man tayo o patay na sa kanyang muling pagparito.
11 Dahil dito, palakasin ninyo ang loob ng bawat isa at magtulungan kayo tulad ng ginagawa ninyo ngayon.Pangwakas na Tagubilin at Pagbati
12 Mga kapatid, ipinapakiusap namin na igalang ninyo ang mga nagpapakahirap sa pamamahala at pagtuturo sa inyo alang-alang sa Panginoon.
13 Pag-ukulan ninyo sila ng lubos na paggalang at pag-ibig dahil sa kanilang gawain. Mamuhay kayo nang mapayapa.
14 Mga kapatid, ipinapakiusap din namin na inyong pagsabihan ang mga tamad, pasiglahin ang mahihinang-loob, at kalingain ang mga mahihina. Pagtiyagaan ninyo silang lahat.
15 Huwag ninyong paghigantihan ang gumawa sa inyo ng masama; sa halip, magpatuloy kayo sa paggawa ng mabuti sa isa't isa at sa lahat.
16 Magalak kayong lagi, 17 palagi kayong manalangin,
18 at magpasalamat kayo sa Diyos sa lahat ng pagkakataon; sapagkat ito ang kalooban ng Diyos para sa inyo sa inyong pakikipag-isa kay Cristo Jesus.
19 Huwag na ninyong hadlangan ang Espiritu Santo. 20 Huwag na ninyong bale-walain ang anumang pahayag mula sa Diyos. 21 Suriin ninyo ang lahat ng bagay at gawin ang mabuti.
22 Lumayo kayo sa lahat ng uri ng kasamaan.
23 Nawa'y lubusan kayong gawing banal ng Diyos na siyang nagbibigay ng kapayapaan. At nawa'y panatilihin niyang walang kapintasan ang buo ninyong katauhan, ang espiritu, kaluluwa at katawan, hanggang sa pagparito ng ating Panginoong Jesu-Cristo.
24 Tapat ang tumawag sa inyo, at gagawin niya ang mga bagay na ito.
25 Mga kapatid, ipanalangin din ninyo kami.
26 Batiin ninyo ang lahat ng mga mananampalataya bilang kapatid kay Cristo.t
27 Ipinapakiusap namin sa inyo sa pangalan ng Panginoon na basahin ang sulat na ito sa lahat ng mga kapatid.
28 Sumainyo nawa ang pagpapala ng ating Panginoong Jesu-Cristo.
1 THESSALONIANS 5
1 I don't need to write you about the time or date when all this will happen. 2 t You surely know that the Lord's returnt will be as a thief coming at night.
3 People will think they are safe and secure. But destruction will suddenly strike them like the pains of a woman about to give birth. And they won't escape.
4 My dear friends, you don't live in darkness, and so that day won't surprise you like a thief. 5 You belong to the light and live in the day. We don't live in the night or belong to the dark. 6 Others may sleep, but we should stay awake and be alert. 7 People sleep during the night, and some even get drunk.
8 t But we belong to the day. So we must stay sober and let our faith and love be like a suit of armor. Our firm hope that we will be saved is our helmet.
9 God doesn't intend to punish us, but wants us to be saved by our Lord Jesus Christ. 10 Christ died for us, so we could live with him, whether we are alive or dead when he comes.
11 This is why you must encourage and help each other, just as you are already doing.Final Instructions //and Greetings
12 My friends, we ask you to be thoughtful of your leaders who work hard and tell you how to live for the Lord. 13 Show them great respect and love because of their work. Try to get along with each other. 14 My friends, we beg you to warn anyone who isn't living right. Encourage anyone who feels left out, help all who are weak, and be patient with everyone.
15 Don't be hateful to people, just because they are hateful to you. Rather, be good to each other and to everyone else.
16 Always be joyful 17 and never stop praying.
18 Whatever happens, keep thanking God because of Jesus Christ. This is what God wants you to do.
19 Don't turn away God's Spirit 20 or ignore prophecies. 21 Put everything to the test. Accept what is good
22 and don't have anything to do with evil.
23 I pray that God, who gives peace, will make you completely holy. And may your spirit, soul, and body be kept healthy and faultless until our Lord Jesus Christ returns.
24 The one who chose you can be trusted, and he will do this.
25 Friends, please pray for us.
26 Give the Lord's followers a warm greeting.
27 In the name of the Lord I beg you to read this letter to all his followers.
28 I pray that our Lord Jesus Christ will be kind to you!