previous next

I Mga Taga-Tesalonica 5

1 Datapuwa't tungkol sa mga kapanahunan at mga bahagi ng panahon, mga kapatid, hindi ninyo kailangan na isulat ko pa sa inyo ang anoman.2 Sapagka't kayo rin ang mga lubos na nangakakaalam, na ang pagdating ng kaarawan ng Panginoon ay gaya ng magnanakaw sa gabi.3 Pagka sinasabi ng mga tao, Kapayapaan at katiwasayan, kung magkagayo'y darating sa kanila ang biglang pagkawasak, na gaya ng pagdaramdam, sa panganganak ng babaing nagdadalang-tao; at sila'y hindi mangakatatanan sa anomang paraan.4 Nguni't kayo, mga kapatid, ay wala sa kadiliman, upang sa araw na yaon ay masubukan kayong gaya ng magnanakaw:5 Sapagka't kayong lahat ay pawang mga anak ng kaliwanagan, at mga anak ng araw: tayo'y hindi ng gabi, ni ng kadiliman man;6 Huwag nga tayong mangatulog, gaya ng mga iba, kundi tayo'y mangagpuyat at mangagpigil.7 Sapagka't ang nangatutulog ay nangatutulog sa gabi; at ang nangaglalasing ay nangaglalasing sa gabi.8 Datapuwa't palibhasa'y mga anak tayo ng araw, mangagpigil tayo, na isuot ang baluti ng pananampalataya at ng pagibig; at ang maging turbante ay ang pagasa ng kaligtasan.9 Sapagka't tayo'y hindi itinalaga ng Dios sa galit, kundi sa pagtatamo ng pagkaligtas sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesucristo,10 Na namatay dahil sa atin, upang tayo, sa gising o tulog man, ay mangabuhay tayong kasama niya.11 Dahil dito kayo'y mangagpangaralan, at mangagpatibayan sa isa't isa sa inyo, gaya ng inyong ginagawa.12 Datapuwa't ipinamamanhik namin sa inyo, mga kapatid, na inyong kilalanin ang nangagpapagal sa inyo, at nangamumuno sa inyo sa Panginoon, at nangagpapaalaala sa inyo;13 At inyong lubos na pakamahalin sila sa pagibig, dahil sa kanilang gawa. Magkaroon kayo-kayo ng kapayapaan.14 At aming ipinamamanhik sa inyo, mga kapatid, na inyong paalalahanan ang mga manggugulo, palakasin ang mga mahihinang-loob, alalayan ang mga mahihina, at maging mapagpahinuhod kayo sa lahat.15 Tingnan nga ninyo na huwag gumanti ang sinoman ng masama sa masama; nguni't sundin ninyong lagi ang mabuti, ang isa'y sa iba, at sa lahat.16 Mangagalak kayong lagi;17 Magsipanalangin kayong walang patid;18 Sa lahat ng mga bagay ay magpasalamat kayo; sapagka't ito ang kalooban ng Dios kay Cristo tungkol sa inyo.19 Huwag ninyong patayin ang ningas ng Espiritu;20 Huwag ninyong hamakin ang mga panghuhula;21 Subukin ninyo ang lahat ng mga bagay, ingatan ninyo ang mabuti;22 Layuan ninyo ang bawa't anyo ng masama.23 At pakabanalin kayong lubos ng Dios din ng kapayapaan; at ang inyong espiritu at kaluluwa at katawan ay ingatang buo, na walang kapintasan sa pagparito ng ating Panginoong Jesucristo.24 Tapat yaong sa inyo'y tumatawag, na gagawa rin naman nito.25 Mga kapatid, idalangin ninyo kami.26 Batiin ninyo ang lahat ng mga kapatid ng banal na halik.27 Idinadaing ko sa inyo alangalang sa Panginoon na basahin sa lahat ng mga kapatid ang sulat na ito.28 Ang biyaya ng ating Panginoong Jesucristo ay sumainyo nawa.

1 THESSALONIANS 5

1 I don't need to write you about the time or date when all this will happen. 2 t You surely know that the Lord's returnt will be as a thief coming at night.

3 People will think they are safe and secure. But destruction will suddenly strike them like the pains of a woman about to give birth. And they won't escape.
4 My dear friends, you don't live in darkness, and so that day won't surprise you like a thief. 5 You belong to the light and live in the day. We don't live in the night or belong to the dark. 6 Others may sleep, but we should stay awake and be alert. 7 People sleep during the night, and some even get drunk.

8 t But we belong to the day. So we must stay sober and let our faith and love be like a suit of armor. Our firm hope that we will be saved is our helmet.
9 God doesn't intend to punish us, but wants us to be saved by our Lord Jesus Christ. 10 Christ died for us, so we could live with him, whether we are alive or dead when he comes.

11 This is why you must encourage and help each other, just as you are already doing.

Final Instructions //and Greetings


12 My friends, we ask you to be thoughtful of your leaders who work hard and tell you how to live for the Lord. 13 Show them great respect and love because of their work. Try to get along with each other. 14 My friends, we beg you to warn anyone who isn't living right. Encourage anyone who feels left out, help all who are weak, and be patient with everyone.

15 Don't be hateful to people, just because they are hateful to you. Rather, be good to each other and to everyone else.
16 Always be joyful 17 and never stop praying.

18 Whatever happens, keep thanking God because of Jesus Christ. This is what God wants you to do.
19 Don't turn away God's Spirit 20 or ignore prophecies. 21 Put everything to the test. Accept what is good

22 and don't have anything to do with evil.
23 I pray that God, who gives peace, will make you completely holy. And may your spirit, soul, and body be kept healthy and faultless until our Lord Jesus Christ returns.

24 The one who chose you can be trusted, and he will do this.

25 Friends, please pray for us.

26 Give the Lord's followers a warm greeting.

27 In the name of the Lord I beg you to read this letter to all his followers.
28 I pray that our Lord Jesus Christ will be kind to you!