1 Timoteo 1
1 Mula kay Pablo na apostol ni Cristo Jesus ayon sa utos ng Diyos na ating Tagapagligtas at ni Cristo Jesus na ating pag-asa—
2 Kayt Timoteo na tunay kong anak sa pananampalataya.
Sumaiyo nawa ang pagpapala, habag at kapayapaang buhat sa Diyos Ama at kay Cristo Jesus na ating Panginoon.Babala Tungkol sa Maling Katuruan
3 Gaya ng ipinakiusap ko sa iyo bago ako pumunta sa Macedonia, nais kong manatili ka sa Efeso upang utusan mo ang ilang tao diyan na huwag magturo ng maling aral, 4 at huwag nilang pag-aksayahan ng panahon ang mga alamat at mahahabang talaan ng mga angkan. Iyan ay pinagmumulan lamang ng mga pagtatalo at hindi nakakatulong sa tao upang matupad ang plano ng Diyos sa pamamagitan ng pananampalataya. 5 Ang layunin ng tagubiling ito ay upang magkaroon kayo ng pag-ibig na nagmumula sa pusong dalisay, malinis na budhi at tapat na pananampalataya. 6 May ilang tumalikod sa mga bagay na ito at nalulong sa walang kabuluhang pakikipagdebate.
7 Nais nilang maging tagapagturo ng kautusan gayong hindi naman nila nauunawaan ang kanilang sinasabi at ang kanilang ipinagpipilitang ituro.
8 Alam naman nating ang Kautusan ay mabuti kung ginagamit sa tamang paraan. 9 Alalahanin nating ang Kautusan ay hindi ginawa para sa mabubuting tao, kundi para sa mga walang kinikilalang batas at mga kriminal, para sa mga hindi kumikilala sa Diyos at sa mga makasalanan, para sa mga lapastangan sa Diyos at walang hilig sa kabanalan, para sa mga mamamatay-tao at pumapatay ng sariling ama o ina. 10 Ibinigay rin ang Kautusan para sa mga mahihilig sa kahalayan at nakikiapid sa kapwa lalaki, para sa mga kidnaper, para sa mga sinungaling at sa mga saksing hindi nagsasabi ng totoo. Ang Kautusan ay ibinigay para sa lahat ng mga sumasalungat sa mabuting aral.
11 Ang aral na ito'y ayon sa Magandang Balita na ipinagkatiwala sa akin ng dakila at mapagpalang Diyos.Pagkilala sa Habag ng Diyos
12 Nagpapasalamat ako sa ating Panginoong Jesu-Cristo na nagbibigay sa akin ng lakas, dahil itinuring niya akong karapat-dapat na maglingkod sa kanya, 13 kahitt na noong una'y nilapastangan, inusig at nilait ko siya. Sa kabila nito'y nahabag sa akin ang Diyos sapagkat hindi ko nalalaman ang aking ginagawa noong ako'y hindi pa sumasampalataya. 14 Pinasagana sa akin ang kagandahang-loob ng ating Panginoon at ipinagkaloob niya sa akin ang pananampalataya at pag-ibig na natatagpuan sa ating pakikipag-isa kay Cristo Jesus. 15 Totoo ang pahayag na ito at dapat paniwalaan ng lahat: Si Cristo Jesus ay dumating sa sanlibutan upang iligtas ang mga makasalanan. At ako ang pinakamasama sa lahat ng mga makasalanan.
16 Ngunit akong pinakamasama ay kinahabagan, upang ipakita ni Cristo Jesus ang kanyang di-masukat na pag-ibig sa akin, at upang ito'y maging halimbawa sa mga sasampalataya at bibigyan ng buhay na walang hanggan.
17 Purihin natin at luwalhatiin magpakailanman ang iisang Diyos, Haring walang hanggan, walang kamatayan at di-nakikita! Amen.
18 Timoteo, anak ko, ang mga bagay na ito'y itinatagubilin ko sa iyo ayon sa mga pahayag na sinabi tungkol sa iyo upang sa pamamagitan nito ay masigla kang makipaglaban, 19 na taglay ang matibay na pananampalataya at malinis na budhi. May mga taong hindi sumunod sa kanilang budhi, at dahil dito, ang pananampalataya nila ay natulad sa isang barkong nawasak. 20 Kabilang sa mga iyon sina Himeneo at Alejandro, kaya ipinaubaya ko na sila sa kapangyarihan ni Satanas upang matigil na ang kanilang paglapastangan sa Diyos.
1 TIMOTHY 1
1 From Paul.
God our Savior and Christ Jesus commanded me to be an apostle of Christ Jesus, who gives us hope.
2 t Timothy, because of our faith, you are like a son to me. I pray that God our Father and our Lord Jesus Christ will be kind and merciful to you. May they bless you with peace!Warning against False //Teaching
3 When I was leaving for Macedonia, I asked you to stay on in Ephesus and warn certain people there to stop spreading their false teachings.
4 You needed to warn them to stop wasting their time on senseless stories and endless lists of ancestors. Such things only cause arguments. They don't help anyone to do God's work that can only be done by faith.
5 You must teach people to have genuine love, as well as a good conscience and true faith. 6 There are some who have given up these for nothing but empty talk.
7 They want to be teachers of the Law of Moses. But they don't know what they are talking about, even though they think they do.
8 We know the Law is good, if it is used in the right way. 9 We also understand it wasn't given to control people who please God, but to control lawbreakers, criminals, godless people, and sinners. It is for wicked and evil people, and for murderers, who would even kill their own parents. 10 The Law was written for people who are sexual perverts or who live as homosexuals or are kidnappers or liars or won't tell the truth in court. It is for anything else that opposes the correct teaching
11 of the good news the glorious and wonderful God has given me.Being Thankful for //God's Kindness
12 I thank Christ Jesus our Lord, who has given me the strength for my work because he knew he could trust me. 13 t I used to say terrible and insulting things about him, and I was cruel. But Christ had mercy on me because I didn't know what I was doing, and I had not yet put my faith in him.
14 Christ Jesus our Lord treated me with undeserved grace and has greatly blessed my life with faith and love just like his own.
15 “Christ Jesus came into the world to save sinners.” This saying is true, and it can be trusted. I was the worst sinner of all! 16 But since I was worse than anyone else, God had mercy on me and let me be an example of the endless patience of Christ Jesus. He did this so that others would put their faith in Christ and have eternal life.
17 I pray that honor and glory will always be given to the only God, who lives forever and is the invisible and eternal King! Amen.
18 Timothy, my son, the instructions I am giving you are based on what some prophetst once said about you. If you follow these instructions, you will fight like a good soldier. 19 You will be faithful and have a clear conscience. Some people have made a mess of their faith because they didn't listen to their consciences. 20 Two of them are Hymenaeus and Alexander. I have given these men over to the power of Satan, so they will learn not to oppose God.