1 Timoteo 4
Mga Huwad na Guro
1 Maliwanag ang sinasabi ng Espiritu na sa mga huling araw ay iiwan ng ilan ang pananampalataya. Susunod sila sa mga mapanlinlang na espiritu at sa mga katuruan ng mga demonyo. 2 Ang mga katuru-ang ito'y pinalalaganap ng mga taong sinungaling at may mga manhid na budhi. 3 Ipinagbabawal nila ang pag-aasawa at ang ilang uri ng pagkain, mga pagkaing nilikha ng Diyos upang kaining may pasasalamat ng mga mananampalataya at nakakaunawa ng katotohanan. 4 Ang lahat ng nilikha ng Diyos ay mabuti at walang dapat ipalagay na masama; sa halip ay dapat tanggaping may pagpapasalamat
5 sapagkat ang mga ito'y nililinis ng salita ng Diyos at ng panalangin.Mabuting Lingkod ni Cristo Jesus
6 Kung ituturo mo sa mga kapatid ang mga bagay na ito, ikaw ay magiging mabuting lingkod ni Cristo Jesus. Maipapakita mong pinalakas ka ng mga turo tungkol sa pananampalataya at sa mabuting aral na iyong sinusunod. 7 Huwag mong pag-aksayahan ng panahon ang mga alamat na walang halaga; sa halip, pagsumikapan mong maging maka-Diyos. 8 May pakinabang sa pagpapalakas ng katawan, ngunit ang pagsusumikap na maging maka-Diyos ay mapapakinabangan sa lahat ng paraan, sapagkat ito'y may pangako hindi lamang sa buhay na ito ngayon, kundi maging sa buhay na darating. 9 Totoo ang salitang ito at dapat paniwalaan ng lahat.
10 Dahil dito, nagsisikap tayot at nagpapagal, sapagkat umaasa tayo sa Diyos na buháy at Tagapagligtas ng lahat ng mga tao, lalo na ng mga mananampalataya.
11 Ituro mo't ipatupad ang lahat ng ito. 12 Huwag mong hayaang hamakin ka ninuman dahil sa iyong kabataan. Sa halip, sikapin mong maging halimbawa sa mga mananampalataya, sa iyong pagsasalita, pag-uugali, pag-ibig, pananampalataya at malinis na pamumuhay. 13 Habang wala pa ako riyan, iukol mo ang iyong panahon sa pagbabasa ng Kasulatan sa harap ng mga tao, sa pangangaral at sa pagtuturo. 14 Huwag mong pababayaan ang kaloob ng Espiritu Santo na ibinigay sa iyo nang magsalita ang mga propeta at ipatong sa iyo ng mga pinuno ng iglesya ang kanilang kamay. 15 Isagawa mo ang mga ito at pag-ukulan mo ng panahon upang makita ng lahat ang iyong paglago. 16 Pakaingatan mo ang iyong pagkilos at pagtuturo; patuloy mong gawin ang mga bagay na ito upang maligtas ka, pati na ang mga nakikinig sa iyo.
1 TIMOTHY 4
People Will Turn from //Their Faith
1 God's Spirit clearly says that in the last days many people will turn from their faith. They will be fooled by evil spirits and by teachings that come from demons. 2 They will also be fooled by the false claims of liars whose consciences have lost all feeling. These liars 3 will forbid people to marry or to eat certain foods. But God created these foods to be eaten with thankful hearts by his followers who know the truth. 4 Everything God created is good. And if you give thanks, you may eat anything.
5 What God has said and your prayer will make it fit to eat.Paul's Advice to Timothy
6 If you teach these things to other followers, you will be a good servant of Christ Jesus. You will show you have grown up on the teachings about our faith and on the good instructions you have obeyed. 7 Don't have anything to do with worthless, senseless stories. Work hard to be truly religious.
8-9 As the saying goes,
“Exercise is good
for your body,
but religion helps you
in every way.
It promises life
now and forever.”
These words are worthwhile and should not be forgotten.
10 We have put our hope in the living God, who is the Savior of everyone, but especially of those who have faith. This is why we work and struggle so hard.t
11 Teach these things and tell everyone to do what you say.
12 Don't let anyone make fun of you, just because you are young. Set an example for other followers by what you say and do, as well as by your love, faith, and purity.
13 Until I arrive, be sure to keep on reading the Scriptures in worship, and don't stop preaching and teaching. 14 Use the gift you were given when the prophets spoke and the group of church leaderst blessed you by placing their hands on you. 15 Remember these things and think about them, so everyone can see how well you are doing. 16 Be careful about the way you live and about what you teach. Keep on doing this, and you will save not only yourself, but the people who hear you.