I Kay Timoteo 4
1 Nguni't hayag na sinasabi ng Espiritu, na sa mga huling panahon ang iba'y magsisitalikod sa pananampalataya, at mangakikinig sa mga espiritung mapanghikayat at sa mga aral ng mga demonio,2 Sa pamamagitan ng pagpapaimbabaw ng mga tao na nagsisipagsalita ng mga kasinungalingan, na hinerohan ang kanilang mga sariling budhi ng waring bakal na nagbabaga;3 Na ipinagbabawal ang pagaasawa, at ipinaguutos na lumayo sa mga lamangkati, na nilalang ng Dios upang tanggapin na may pagpapasalamat ng mga nagsisisampalataya at nangakakaalam ng katotohanan.4 Sapagka't ang bawa't nilalang ng Dios ay mabuti, at walang anomang nararapat na itakuwil, kung tinatanggap na may pagpapasalamat:5 Sapagka't pinakababanal sa pamamagitan ng salita ng Dios at ng pananalangin.6 Kung ipaalaala mo sa mga kapatid ang mga bagay na ito, ikaw ay magiging isang mabuting ministro ni Cristo Jesus, na kinandili sa mga salita ng pananampalataya at ng mabuting aral na sinusunod mo hanggang ngayon:7 Datapuwa't itakuwil mo ang mga kathang masasama at walang kabuluhan. At magsanay ka sa kabanalan:8 Sapagka't sa pagsasanay ng katawan ay may kaunting pakinabang, nguni't ang kabanalang sa lahat ng mga bagay ay pinakikinabangan, na may pangako sa buhay na ito, at sa darating.9 Tapat ang pasabi, at nararapat tanggapin ng lahat.10 Sapagka't dahil dito ay nagsisipagpagal kami at nagsisipagsikap, sapagka't may pagasa kami sa Dios na buhay, na siyang Tagapagligtas sa lahat ng mga tao, lalong lalo na sa mga nagsisisampalataya.11 Ang mga bagay na ito'y iyong iutos at ituro.12 Huwag hamakin ng sinoman ang iyong kabataan; kundi ikaw ay maging uliran ng mga nagsisisampalataya, sa pananalita, sa pamumuhay, sa pagibig, sa pananampalataya, sa kalinisan.13 Hanggang ako'y pumariyan ay magsikap ka sa pagbasa, sa pangangaral, sa pagtuturo.14 Huwag mong pabayaan ang kaloob na nasa iyo, na sa iyo'y ibinigay sa pamamagitan ng hula, na may pagpapatong ng mga kamay ng kapulungan ng mga presbitero.15 Magsipag ka sa mga bagay na ito; tumalaga kang lubos sa mga ito; upang ang iyong pagkasulong ay mahayag sa lahat.16 Magingat ka sa iyong sarili, at sa iyong turo. Manatili ka sa mga bagay na ito; sapagka't sa paggawa nito ay ang iyo ring sarili ang ililigtas mo at pati ng mga nagsisipakinig sa iyo.
1 TIMOTHY 4
People Will Turn from //Their Faith
1 God's Spirit clearly says that in the last days many people will turn from their faith. They will be fooled by evil spirits and by teachings that come from demons. 2 They will also be fooled by the false claims of liars whose consciences have lost all feeling. These liars 3 will forbid people to marry or to eat certain foods. But God created these foods to be eaten with thankful hearts by his followers who know the truth. 4 Everything God created is good. And if you give thanks, you may eat anything.
5 What God has said and your prayer will make it fit to eat.Paul's Advice to Timothy
6 If you teach these things to other followers, you will be a good servant of Christ Jesus. You will show you have grown up on the teachings about our faith and on the good instructions you have obeyed. 7 Don't have anything to do with worthless, senseless stories. Work hard to be truly religious.
8-9 As the saying goes,
“Exercise is good
for your body,
but religion helps you
in every way.
It promises life
now and forever.”
These words are worthwhile and should not be forgotten.
10 We have put our hope in the living God, who is the Savior of everyone, but especially of those who have faith. This is why we work and struggle so hard.t
11 Teach these things and tell everyone to do what you say.
12 Don't let anyone make fun of you, just because you are young. Set an example for other followers by what you say and do, as well as by your love, faith, and purity.
13 Until I arrive, be sure to keep on reading the Scriptures in worship, and don't stop preaching and teaching. 14 Use the gift you were given when the prophets spoke and the group of church leaderst blessed you by placing their hands on you. 15 Remember these things and think about them, so everyone can see how well you are doing. 16 Be careful about the way you live and about what you teach. Keep on doing this, and you will save not only yourself, but the people who hear you.