1 Timoteo 6
1 Ang mga alipin ay dapat magpakita ng buong paggalang sa kanilang mga amo upang walang masabi laban sa pangalan ng Diyos at sa ating mga aral.
2 At kung ang kanila namang amo ay kapwa nila Cristiano, hindi sila dapat magkulang ng paggalang sa mga ito sa dahilang sila'y magkapatid sa pananampalataya. Dapat pa nga nilang pagbutihin ang kanilang paglilingkod sapagkat ang pinaglilingkuran nila'y kaisa sa pananampalataya at pag-ibig.Mga Huwad na Guro at ang Tunay na Kayamanan
Ituro mo't ipatupad ang mga bagay na ito. 3 Kung nagtuturo ang sinuman ng ibang katuruan at di sang-ayon sa mga tunay na salita ng Panginoong Jesu-Cristo at sa mga aral tungkol sa pagiging maka-Diyos, 4 siya ay nagyayabang ngunit walang nalalaman. Sakit na niya ang manuligsa at makipagdebate tungkol sa mga salita, mga bagay na humahantong sa inggitan, alitan, kutyaan, at pagbibintang.
5 Mahilig din siyang makipagdebate sa mga taong baluktot ang pag-iisip at di kumikilala sa katotohanan. Ang akala ng mga ganitong tao ay paraan ng pagpapayaman ang relihiyon.
6 Kung sabagay, malaki nga ang mapapakinabang sa relihiyon kung ang tao'y marunong masiyahan. 7 Wala tayong dalang anuman sa sanlibutan, at wala rin tayong madadalang anuman pag-alis dito. 8 Kaya nga't, dapat na tayong masiyahan kung tayo'y may kinakain at isinusuot. 9 Ang mga nagnanasang yumaman ay nahuhulog sa tukso at nasisilo sa bitag ng masasamang hangaring magtutulak sa kanila sa kamatayan at kapahamakan.
10 Sapagkat ang pag-ibig sa salapi ay ugat ng lahat ng kasamaan. Dahil sa paghahangad na yumaman, may mga taong nalalayo sa pananampalataya at nasasadlak sa maraming kapighatian.Mga Tagubilin Para kay Timoteo
11 Ngunit ikaw na lingkod ng Diyos, umiwas ka sa mga bagay na ito. Sikapin mong mamuhay nang matuwid, maka-Diyos, may pananampalataya, pag-ibig, pagtitiis at kahinahunan. 12 Ipaglaban mo nang puspusan ang pananampalataya. Panghawakan mong mabuti ang buhay na walang hanggan, dahil diyan ka tinawag ng Diyos nang ipahayag mo sa harap ng maraming saksi ang iyong pananalig kay Cristo. 13 Iniuutost ko sa iyo, sa pangalan ng Diyos na nagbibigay-buhay sa lahat, at sa harap ni Cristo Jesus na nagbigay ng mabuting patotoo kay Poncio Pilato, 14 sundin mong mabuti nang may katapatan ang mga iniutos sa iyo hanggang sa pagbabalik ng Panginoong Jesu-Cristo. 15 Siya'y darating sa panahong itinakda ng mapagpala at makapangyarihang Diyos, Hari ng mga hari, at Panginoon ng mga panginoon.
16 Siya lamang ang walang kamatayan, at nananatili sa liwanag na di matitigan. Walang taong nakakita, o makakakita sa kanya. Sa kanya ang karangalan at kapangyarihang walang hanggan. Amen.
17 Ituro mo sa mayayaman na huwag silang magmamataas; at huwag silang umasa sa kayamanang lumilipas, kundi sa Diyos na masaganang nagbibigay ng lahat ng ating pangangailangan upang tayo'y masiyahan. 18 Turuan mo silang gumawa ng mabuti at magpakayaman sa mabuting gawa, maging bukás-palad at matulungin sa kapwa.
19 Sa gayon, makakapag-impok sila para sa matatag na hinaharap, at makakamtan nila ang tunay na buhay.
20 Timoteo, pakaingatan mo ang ipinagkatiwala sa iyo. Iwasan mo ang mga usapang walang kabuluhan at ang baluktot na pangangatuwiran.
21 Dahil sa kanilang pagmamarunong, may mga taong nalihis sa pananampalataya.
Pagpalain nawa kayo ng Diyos.
1 TIMOTHY 6
1 If you are a slave, you should respect and honor your owner. This will keep people from saying bad things about God and about our teaching.
2 If any of you slaves have owners who are followers, you should show them respect. After all, they are also followers of Christ, and he loves them. So you should serve and help them the best you can.False Teaching and //True Wealth
These are the things you must teach and tell the people to do. 3 Anyone who teaches something different disagrees with the correct and godly teaching of our Lord Jesus Christ. 4 Those people who disagree are proud of themselves, but they don't really know a thing. Their minds are sick, and they like to argue over words. They cause jealousy, disagreements, unkind words, evil suspicions,
5 and nasty quarrels. They have wicked minds and have missed out on the truth.
These people think religion is supposed to make you rich. 6 And religion does make your life rich, by making you content with what you have. 7 We didn't bring anything into this world, and we won'tt take anything with us when we leave. 8 So we should be satisfied just to have food and clothes. 9 People who want to be rich fall into all sorts of temptations and traps. They are caught by foolish and harmful desires that drag them down and destroy them.
10 The love of money causes all kinds of trouble. Some people want money so much they have given up their faith and caused themselves a lot of pain.Fighting a Good Fight //for the Faith
11 Timothy, you belong to God, so keep away from all these evil things. Try your best to please God and to be like him. Be faithful, loving, dependable, and gentle. 12 Fight a good fight for the faith and claim eternal life. God offered it to you when you clearly told about your faith, while so many people listened. 13 t Now I ask you to make a promise. Make it in the presence of God, who gives life to all, and in the presence of Christ Jesus, who openly told Pontius Pilate about his faith.
14 Promise to obey completely and fully all that you have been told until our Lord Jesus Christ returns.
15 t The glorious God
is the only Ruler,
the King of kings
and Lord of lords.
At the time that God
has already decided,
he will send Jesus Christ
back again.
16 t Only God lives forever!
And he lives in light
that no one can come near.
No human has ever seen God
or ever can see him.
God will be honored,
and his power
will last forever. Amen.
17 Warn the rich people of this world not to be proud or to trust in wealth that is easily lost. Tell them to have faith in God, who is rich and blesses us with everything we need to enjoy life. 18 Instruct them to do as many good deeds as they can and to help everyone. Remind the rich to be generous and share what they have.
19 This will lay a solid foundation for the future, so they will know what true life is like.
20 Timothy, guard what God has placed in your care! Don't pay any attention to godless and stupid talk that sounds smart but really isn't.
21 Some people have even lost their faith by believing this talk.
I pray that the Lord will be kind to all of you!