I Kay Timoteo 6
1 Ang lahat ng mga alipin na nangasa ilalim ng pamatok ay ariin ang kanilang mga panginoon na karapatdapat sa buong kapurihan, upang ang pangalan ng Dios at ang aral ay huwag malapastangan.2 At ang mga may panginoong nagsisisampalataya, ay huwag mayamot sa kanila, sapagka't sila'y pawang magkakapatid; kundi bagkus paglingkuran nila silang mabuti, sapagka't nagsisipanampalataya at mga minamahal ang mga nagsisitanggap ng kapakinabangan. Iyong ituro at iaral ang mga bagay na ito.3 Kung ang sinoma'y nagtuturo ng ibang aral, at hindi sumasangayon sa mga salitang nakagagaling, sa makatuwid ay sa mga salita ng ating Panginoong Jesucristo, at sa aral na ayon sa kabanalan;4 Ang gayon ay palalo, walang nalalamang anoman, kundi may-sakit sa mga usapan at mga pagtatalo, sa mga salitang pinagbubuhatan ng kapanaghilian, mga pagkakaalit, mga pagalipusta, mga masasamang akala.5 Pagtataltalan ng mga taong masasama ang pagiisip at salat sa katotohanan, na nagsisipagakala na ang kabanalan ay paraan ng pakinabang.6 Datapuwa't ang kabanalan na may kasiyahan ay malaking kapakinabangan:7 Sapagka't wala tayong dinalang anoman sa sanglibutan, at wala rin naman tayong mailalabas na anoman;8 Nguni't kung tayo'y may pagkain at pananamit ay masisiyahan na tayo doon.9 Datapuwa't ang mga nagsisipagnasang yumaman, ay nangahuhulog sa tukso at sa silo at sa maraming mga pitang hangal at nakasasama, na siyang naglulubog sa mga tao sa kapahamakan at kamatayan.10 Sapagka't ang pagibig sa salapi ay ugat ng lahat ng uri ng kasamaan; na sa pagnanasa ng iba ay nangasinsay sa pananampalataya, at tinuhog ang kanilang sarili ng maraming mga kalumbayan.11 Datapuwa't ikaw, Oh tao, ng Dios, tumakas ka sa mga bagay na ito, at sumunod ka sa katuwiran, sa kabanalan, sa pananampalataya, sa pagibig, sa pagtitiis, sa kaamuan.12 Makipagbaka ka ng mabuting pakikipagbaka ng pananampalataya, manangan ka sa buhay na walang hanggan, na dito'y tinawag ka, at ipinahayag mo ang mabuting pagpapahayag sa harapan ng maraming mga saksi.13 Ipinagbibilin ko sa iyo sa paningin ng Dios na bumubuhay sa lahat ng mga bagay, at ni Cristo Jesus, na sa harapan ni Poncio Pilato ay sumaksi ng mabuting pagpapahayag;14 Na tuparin mo ang utos, na walang dungis, walang kapintasan hanggang sa pagpapakita ng ating Panginoong Jesucristo:15 Na sa kaniyang kapanahunan ay ipahahayag siya, na mapalad at tanging Makapangyarihan Hari ng mga hari, at Panginoon ng mga panginoon;16 Na siya lamang ang walang kamatayan, na nananahan sa liwanag na di malapitan; na di nakita ng sinomang tao, o makikita man: sumakaniya nawa ang kapurihan at paghaharing walang hanggan. Siya nawa.17 Ang mayayaman sa sanglibutang ito, ay pagbilinan mo na huwag magsipagmataas ng pagiisip, at huwag umasa sa mga kayamanang di nananatili, kundi sa Dios na siyang nagbibigay sa ating sagana ng lahat ng mga bagay upang ating ikagalak;18 Na sila'y magsigawa ng mabuti, na sila'y magsiyaman sa mabuting gawa, na sila'y maging handa sa pamimigay, maibigin sa pamamahagi;19 Na mangagtipon sa kanilang sarili ng isang mabuting kinasasaligan para sa panahong darating, upang sila'y makapanangan sa buhay na tunay na buhay.20 Oh Timoteo, ingatan mo ang ipinagkatiwala sa iyo, na ilagan mo ang mga usapan na walang kabuluhan at ang mga pagsalungat ng maling tawag na kaalaman;21 Na palibhasa'y pinaniwalaan ng ilan ay nangasinsay tungkol sa pananampalataya. Ang biyaya ay sumainyo nawa.
1 TIMOTHY 6
1 If you are a slave, you should respect and honor your owner. This will keep people from saying bad things about God and about our teaching.
2 If any of you slaves have owners who are followers, you should show them respect. After all, they are also followers of Christ, and he loves them. So you should serve and help them the best you can.False Teaching and //True Wealth
These are the things you must teach and tell the people to do. 3 Anyone who teaches something different disagrees with the correct and godly teaching of our Lord Jesus Christ. 4 Those people who disagree are proud of themselves, but they don't really know a thing. Their minds are sick, and they like to argue over words. They cause jealousy, disagreements, unkind words, evil suspicions,
5 and nasty quarrels. They have wicked minds and have missed out on the truth.
These people think religion is supposed to make you rich. 6 And religion does make your life rich, by making you content with what you have. 7 We didn't bring anything into this world, and we won'tt take anything with us when we leave. 8 So we should be satisfied just to have food and clothes. 9 People who want to be rich fall into all sorts of temptations and traps. They are caught by foolish and harmful desires that drag them down and destroy them.
10 The love of money causes all kinds of trouble. Some people want money so much they have given up their faith and caused themselves a lot of pain.Fighting a Good Fight //for the Faith
11 Timothy, you belong to God, so keep away from all these evil things. Try your best to please God and to be like him. Be faithful, loving, dependable, and gentle. 12 Fight a good fight for the faith and claim eternal life. God offered it to you when you clearly told about your faith, while so many people listened. 13 t Now I ask you to make a promise. Make it in the presence of God, who gives life to all, and in the presence of Christ Jesus, who openly told Pontius Pilate about his faith.
14 Promise to obey completely and fully all that you have been told until our Lord Jesus Christ returns.
15 t The glorious God
is the only Ruler,
the King of kings
and Lord of lords.
At the time that God
has already decided,
he will send Jesus Christ
back again.
16 t Only God lives forever!
And he lives in light
that no one can come near.
No human has ever seen God
or ever can see him.
God will be honored,
and his power
will last forever. Amen.
17 Warn the rich people of this world not to be proud or to trust in wealth that is easily lost. Tell them to have faith in God, who is rich and blesses us with everything we need to enjoy life. 18 Instruct them to do as many good deeds as they can and to help everyone. Remind the rich to be generous and share what they have.
19 This will lay a solid foundation for the future, so they will know what true life is like.
20 Timothy, guard what God has placed in your care! Don't pay any attention to godless and stupid talk that sounds smart but really isn't.
21 Some people have even lost their faith by believing this talk.
I pray that the Lord will be kind to all of you!