2 Mga Taga-Corinto 1
1 Mulat kay Pablo na isang apostol ni Cristo Jesus ayon sa kalooban ng Diyos, at mula rin sa ating kapatid na si Timoteo—
Para sa iglesya ng Diyos sa Corinto at sa mga hinirang ng Diyos, na nasa buong Acaya.
2 Sumainyo nawa ang pagpapala at ang kapayapaang mula sa Diyos na ating Ama at sa Panginoong Jesu-Cristo.Pasasalamat ni Pablo
3 Purihin natin ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo, ang mahabaging Ama at Diyos na pinagmumulan ng lahat ng kaaliwan. 4 Inaaliw niya tayo sa ating mga kapighatian upang sa pamamagitan ng kaaliwang tinanggap natin sa kanya ay makatulong naman tayo sa mga nahahapis. 5 Sapagkat kung gaano karami ang aming paghihirap dahil sa aming pakikipag-isa kay Cristo, gayundin naman karami ang aming kaaliwan kay Cristo. 6 Kung naghihirap man kami, ito'y para sa ikaaaliw at ikaliligtas ninyo. Kapag naaaliw kami, kayo ma'y naaaliw rin at lumalakas upang inyong matiis ang mga kapighatiang dinaranas ninyo tulad namin.
7 Kaya't matibay ang aming pag-asa para sa inyo, sapagkat alam naming kung paanong kahati kayo sa aming kahirapan, magiging kahati rin kayo sa aming kaaliwan.
8 Mgat kapatid, nais naming malaman ninyo ang mga kapighatiang dinanas namin sa Asia. Napakabigat ng aming dinanas, anupa't akala namin ay mamamatay na kami. 9 Para kaming hinatulan ng kamatayan. Subalit nangyari iyon upang huwag kaming manalig sa aming sarili, kundi sa Diyos na muling bumubuhay sa mga patay. 10 Iniligtas niya kami sa malagim na kamatayan, at patuloy na ililigtas. Kami'y umaasa rin na patuloy niya kaming ililigtas
11 sa tulong ng inyong mga panalangin. Sa gayon, marami ang magpapasalamat sa Diyos dahil sa pagpapala niya sa amin bilang tugon sa panalangin ng marami.Nagbago ng Balak si Pablo
12 Ito ang aming ipinagmamalaki at pinapatunayan naman ng aming budhi: tapat at walang pagkukunwari ang aming pakikisama sa lahat, lalo na sa inyo. Subalit nagawa namin ito sa tulong ng Diyos at hindi sa pamamagitan ng karunungan ng tao. 13 Isinulat namin sa inyo iyon lamang kaya ninyong basahin at unawain. Gayon pa man, hindi pa rin ninyo kami lubos na maunawaan.
14 Ngunit umaasa akong mauunawaan din ninyo kami, upang sa araw ng ating Panginoong Jesus ay maipagmalaki ninyo kami kung paanong ipinagmamalaki namin kayo.
15 Dahil sa natitiyak ko ito, binalak kong pumunta muna diyan upang lalo kayong pagpalain. 16 Binalakt kong dalawin muna kayo diyan bago pumunta sa Macedonia, at dumaan muli sa pagbabalik ko galing doon upang matulungan ninyo ako sa pagpunta ko sa Judea. 17 Ako ba'y nagdadalawang-isip nang balakin ko ito? Ako ba'y nagpaplanong tulad ng mga taga-sanlibutan, na nagsasabi ng “Oo” at pagkatapos ay hindi naman pala? 18 Kung paanong ang Diyos ay tapat, gayundin ang salita ko sa inyo, ang “Oo” ko ngayon ay mananatiling “Oo”. 19 Angt Anak ng Diyos, na si Jesu-Cristo, na ipinangaral namin nina Silvano at Timoteo, ay hindi “Oo” at “Hindi” dahil lagi siyang “Oo,” 20 sapagkat kay Cristo, ang lahat ng pangako ng Diyos ay palaging “Oo”. Dahil sa kanya, nakakasagot tayo ng “Amen” para sa ikaluluwalhati ng Diyos. 21 Ang Diyos ang nagpapatibay sa amin at sa inyo sa pamamagitan ng pakikipag-isa kay Cristo, at siya rin ang humirang sa amin.
22 Nilagyan niya kami ng kanyang tatak at pinagkalooban ng kanyang Espiritu bilang patunay na tutuparin niya ang kanyang mga ipinangako.
23 Saksi ko ang Diyos, alam niya ang laman ng aking puso. Hindi muna ako pumunta riyan sa Corinto sapagkat kayo rin ang inaalala ko. 24 Hindi sa nais naming pangunahan kayo sapagkat alam naming sinisikap ninyong maging matatag sa pananampalataya. Nais lamang naming tumulong upang maging maligaya kayo.
2 CORINTHIANS 1
1 t From Paul, chosen by God to be an apostle of Jesus Christ, and from Timothy, who is also a follower.
To God's church in Corinth and to all of God's people in Achaia.
2 I pray that God our Father and the Lord Jesus Christ will be kind to you and will bless you with peace!Paul Gives Thanks
3 Praise God, the Father of our Lord Jesus Christ! The Father is a merciful God, who always gives us comfort. 4 He comforts us when we are in trouble, so that we can share this same comfort with others in trouble. 5 We share in the terrible sufferings of Christ, but also in the wonderful comfort he gives. 6 We suffer in the hope that you will be comforted and saved. And because we are comforted, you will also be comforted, as you patiently endure suffering like ours.
7 You never disappoint us. You suffered as much as we did, and we know that you will be comforted as we were.
8 t My friends, I want you to know what a hard time we had in Asia. Our sufferings were so horrible and so unbearable that death seemed certain. 9 In fact, we felt sure we were going to die. But this made us stop trusting in ourselves and start trusting God, who raises the dead to life. 10 God saved us from the threat of death, t and we are sure that he will do it again and again.
11 Please help us by praying for us. Then many people will give thanks for the blessings we receive in answer to all these prayers.Paul's Change of Plans
12 We can be proud of our clear conscience. We have always lived honestly and sincerely, especially when we were with you. And we were guided by God's gift of undeserved grace instead of by the wisdom of this world. 13 I am not writing anything you cannot read and understand. I hope you will understand it completely,
14 just as you already partly understand us. Then when our Lord Jesus returns, you can be as proud of us as we are of you.
15 I was so sure of your pride in us that I had planned to visit you first of all. In this way you would have the blessing of two visits from me— 16 tonce on my way to Macedonia and again on my return from there. Then you could send me on to Judea. 17 Do you think I couldn't make up my mind about what to do? Or do I seem like someone who says “Yes” or “No” simply to please others? 18 God can be trusted, and so can I, when I say our answer to you has always been “Yes” and never “No.”
19 t This is because Jesus Christ the Son of God is always “Yes” and never “No.” And he is the one Silas, t Timothy, and I told you about.
20 Christ says “Yes” to all God's promises. This is why we have Christ to say “Amen”t for us to the glory of God. 21 And so God makes it possible for you and us to stand firmly together with Christ. God is also the one who chose us
22 and put his Spirit in our hearts to show that we belong only to him.
23 God is my witness that I stayed away from Corinth, just to keep from being hard on you. 24 We are not bosses who tell you what to believe. We are working with you to make you glad, because your faith is strong.