2 Mga Taga-Corinto 10
Ipinagtanggol ni Pablo ang Kanyang Paglilingkod
1 Akong si Pablo, na ang sabi ng ilan ay mapagpakumbabá at mabait kapag kaharap ninyo ngunit matapang kapag malayo, ay nakikiusap sa inyo, alang-alang sa kababaang-loob at kabutihan ni Cristo. 2 Ipinapakiusap kong huwag ninyo akong piliting magsalita nang mabigat, pagdating ko riyan, dahil kaya kong gawin iyon sa mga nagsasabing kami'y namumuhay ayon sa pamamaraan ng mundong ito. 3 Kung nabubuhay man kami sa mundong ito, hindi naman kami nakikipaglaban ayon sa pamamaraan ng mundong ito. 4 Ang sandatang ginamit namin sa pakikipaglaban ay hindi sandatang makamundo, kundi ang kapangyarihan ng Diyos na nakakapagpabagsak ng mga kutà. Sinisira namin ang mga maling pangangatuwiran, 5 ginagapi namin ang lahat ng pagmamataas laban sa kaalaman tungkol sa Diyos, at binibihag namin ang lahat ng isipan upang matutong sumunod kay Cristo.
6 At kung lubusan na kayong sumusunod, nakahanda kaming parusahan ang lahat ng sumusuway.
7 Ang mga bagay na panlabas lamang ang tinitingnan ninyo. Kung naniniwala ang sinuman na siya'y nakipag-isa kay Cristo, isipin niyang kami man, tulad niya, ay nakipag-isa rin kay Cristo. 8 Ipagmalaki ko man ang kapangyarihang ibinigay sa amin ng Diyos sa ikakatibay ninyo at hindi sa ikapapahamak, hindi ako mapapahiya. 9 Huwag ninyong isiping tinatakot ko kayo sa sulat kong ito. 10 Sinasabi ng ilan na sa sulat lamang ako matapang, ngunit sa harapan nama'y walang magawâ.
11 Dapat malaman ng mga taong nagsasabi ng ganyan na kung ano ang sinasabi namin sa sulat ngayong malayo kami, ay siya rin naming gagawin kapag kaharap na ninyo kami.
12 Hindi namin ipapantay, o ihahambing man lamang, ang aming sarili sa ilang nagbubuhat ng sariling bangko. Napakahangal nila! Ang sarili rin nila ang ginagawa nilang sukatan at parisan ng kanilang sarili! 13 Hindi kami lalampas sa hangganang ibinigay sa akin ng Diyos, ang gawaing inilaan niya sa amin, kasama na ang pangangaral namin sa inyo. 14 Hindi kami naging palalo nang kami'y pumunta riyan sa inyo. Hindi ba't kami ang unang pumariyan at nagdala sa inyo ng Magandang Balita tungkol kay Cristo? 15 Hindi namin ipinagyayabang ang pinaghirapan ng iba. Umaasa kaming tatatag ang inyong pananampalataya sa Diyos, at dahil diyan ay lalawak ang aming gawain sa inyo, ngunit hindi naman lalampas sa hangganang inilagay ng Diyos.
16 Sa gayon, maipapangaral naman namin ang Magandang Balita sa ibang mga lupain. At hindi namin aangkinin ang ginawa ng iba.
17 Tuladt ng sinasabi sa kasulatan, “Kung may nais magmalaki, ang ipagmalaki niya'y ang ginawa ng Panginoon.” 18 Ang pinaparangalan ng Panginoon ay ang mga taong karapat-dapat sa kanyang kalooban at hindi ang pumupuri sa sarili.
2 CORINTHIANS 10
Paul Defends His Work //for Christ
1 Do you think I am a coward when I am with you and brave when I am far away? Well, I ask you to listen, because Christ himself was humble and gentle. 2 Some people have said we act like the people of this world. So when I arrive, I expect I will have to be firm and forceful in what I say to them. Please don't make me treat you that way. 3 We live in this world, but we don't act like its people 4 or fight our battles with the weapons of this world. Instead, we use God's power that can destroy fortresses. We destroy arguments 5 and every bit of pride that keeps anyone from knowing God. We capture people's thoughts and make them obey Christ.
6 And when you completely obey him, we will punish anyone who refuses to obey.
7 You judge by appearances.t If any of you think you are the only ones who belong to Christ, then think again. We belong to Christ as much as you do. 8 Maybe I brag a little too much about the authority that the Lord gave me to help you and not to hurt you. Yet I am not embarrassed to brag. 9 And I am not trying to scare you with my letters. 10 Some of you are saying, “Paul's letters are harsh and powerful. But in person, he is a weakling and has nothing worth saying.”
11 Those people had better understand that when I am with you, I will do exactly what I say in my letters.
12 We won't dare compare ourselves with those who think so much of themselves. But they are foolish to compare themselves with themselves. 13 We won't brag about something we don't have a right to brag about. We will only brag about the work God has sent us to do, and you are part of that work.
14 We are not bragging more than we should. After all, we did bring the message about Christ to you.
15 We don't brag about what others have done, as if we had done those things ourselves. But I hope as you become stronger in your faith, we will be able to reach many more of the people around you.t That has always been our goal. 16 Then we will be able to preach the good news in other lands where we cannot take credit for work someone else has already done. 17 t The Scriptures say, “If you want to brag, then brag about the Lord.” 18 You may brag about yourself, but the only approval that counts is the Lord's approval.