previous next

II Mga Taga-Corinto 10

1 Ako ngang si Pablo ay namamanhik sa inyo alangalang sa kaamuang-loob at kapakumbabaan ni Cristo, ako na sa harapan ninyo ay mapagpakumbaba sa gitna ninyo, nguni't ako'y lubhang malakas ang loob kung wala sa harapan ninyo:2 Oo, ako'y namamanhik sa inyo, upang kung ako'y nahaharap ay huwag akong magpakita ng katapangang may pagkakatiwala na ipinasiya kong ipagmatapang laban sa ilang nagiisip sa amin, na waring kami ay nagsisilakad ng ayon sa laman.3 Sapagka't bagaman kami ay nagsisilakad sa laman, ay hindi kami nangakikipagbakang ayon sa laman.4 (Sapagka't ang mga sandata ng aming pakikilaban ay hindi ukol sa laman, kundi sa harapan ng Dios ay may kapangyarihang gumiba ng mga kuta);5 Na siyang gumigiba ng mga maling haka, at ng bawa't bagay na matayog na nagmamataas laban sa karunungan ng Dios, at bumibihag sa lahat ng pagiisip sa pagtalima kay Cristo;6 At nangahahanda upang maghiganti sa lahat ng pagsuway, kung maganap na ang inyong pagtalima.7 Minamasdan ninyo ang mga bagay na nahaharap sa inyong mukha. Kung ang sinoman ay mayroong pagkakatiwala sa kaniyang sarili na siya'y kay Cristo, ay muling dilidilihin ito sa kaniyang sarili na, kung paanong siya'y kay Cristo, kami naman ay gayon din.8 Sapagka't bagaman ako ay magmapuri ng marami tungkol sa aming kapamahalaan (na ibinigay ng Panginoon sa ikapagtitibay sa inyo, at hindi sa ikagigiba ninyo) ay hindi ako mapapahiya.9 Upang huwag akong wari'y ibig ko kayong pangilabutin sa takot sa aking mga sulat.10 Sapagka't, sinasabi nila, Ang kaniyang mga sulat, ay malaman at mabisa; datapuwa't ang anyo ng kaniyang katawan ay mahina, at ang kaniyang pananalita ay walang kabuluhan.11 Bayaang isipin ng isang gayon ito, na, kung ano kami sa pananalita sa mga sulat pagka kami ay wala sa harapan, ay gayon din kami naman sa gawa pagka kami ay nahaharap.12 Sapagka't hindi kami nangagmamatapang na makibilang o makitulad sa mga ilan doon sa mga nagmamapuri sa kanilang sarili: nguni't sila na sinusukat ang kanilang sarili sa kanila rin, at kanilang itinutulad ang sarili sa kanila rin ay mga walang unawa.13 Datapuwa't hindi naman ipinagmamapuri ang labis sa aming sukat, kundi ayon sa sukat ng hangganang sa amin ay ipinamamahagi ng Dios, na gaya ng sukat, upang umabot hanggang sa inyo.14 Sapagka't hindi kami nagsisilagpas ng higit, na waring hindi na namin kayo aabutin: sapagka't hanggang sa inyo naman ay nagsirating kami sa evangelio ni Cristo:15 Na hindi namin ipinagmamapuri ang labis sa aming sukat, sa makatuwid baga'y ang mga gawa ng ibang mga tao; kundi yamang may pagasa, na ayon sa paglago ng inyong pananampalataya, kami'y pupurihin sa inyo ayon sa aming hangganan sa lalong kasaganaan,16 Upang ipangaral ang evangelio sa mga dako pa roon ng lupain ninyo, at huwag kaming mangagmapuri sa hangganan ng iba tungkol sa mga bagay na nangahahanda na sa amin.17 Datapuwa't ang nagmamapuri ay magmapuri sa Panginoon.18 Sapagka't hindi subok ang nagtatagubilin sa kaniyang sarili, kundi ang ipinagtatagubilin ng Panginoon.

2 CORINTHIANS 10

Paul Defends His Work //for Christ

1 Do you think I am a coward when I am with you and brave when I am far away? Well, I ask you to listen, because Christ himself was humble and gentle. 2 Some people have said we act like the people of this world. So when I arrive, I expect I will have to be firm and forceful in what I say to them. Please don't make me treat you that way. 3 We live in this world, but we don't act like its people 4 or fight our battles with the weapons of this world. Instead, we use God's power that can destroy fortresses. We destroy arguments 5 and every bit of pride that keeps anyone from knowing God. We capture people's thoughts and make them obey Christ.

6 And when you completely obey him, we will punish anyone who refuses to obey.
7 You judge by appearances.t If any of you think you are the only ones who belong to Christ, then think again. We belong to Christ as much as you do. 8 Maybe I brag a little too much about the authority that the Lord gave me to help you and not to hurt you. Yet I am not embarrassed to brag. 9 And I am not trying to scare you with my letters. 10 Some of you are saying, “Paul's letters are harsh and powerful. But in person, he is a weakling and has nothing worth saying.”

11 Those people had better understand that when I am with you, I will do exactly what I say in my letters.
12 We won't dare compare ourselves with those who think so much of themselves. But they are foolish to compare themselves with themselves. 13 We won't brag about something we don't have a right to brag about. We will only brag about the work God has sent us to do, and you are part of that work.

14 We are not bragging more than we should. After all, we did bring the message about Christ to you.
15 We don't brag about what others have done, as if we had done those things ourselves. But I hope as you become stronger in your faith, we will be able to reach many more of the people around you.t That has always been our goal. 16 Then we will be able to preach the good news in other lands where we cannot take credit for work someone else has already done. 17 t The Scriptures say, “If you want to brag, then brag about the Lord.” 18 You may brag about yourself, but the only approval that counts is the Lord's approval.