previous next

2 Mga Taga-Corinto 12

Mga Pangitain at mga Pahayag

1 Kailangan kong magmalaki, kahit na wala akong mapapala sa paggawa nito. Ang sasabihin ko naman ngayo'y ang mga pangitain at mga pahayag mula sa Panginoon. 2 May kilala akong isang Cristiano na dinala sa ikatlong langit, labing-apat na taon na ang nakakalipas. Hindi ko lang matiyak kung iyo'y isang pangitain lamang, o tunay na pangyayari; ang Diyos lamang ang nakakaalam. 3 Inuulit ko, siya'y dinala sa Paraiso. At tulad ng sabi ko, ang Diyos lamang ang nakakaalam kung ito nga'y isang pangitain o tunay na pangyayari. 4 Nakarinig siya roon ng mga bagay na di kayang ilarawan ng salita at di dapat bigkasin ninuman. 5 Ipagmamalaki ko ang taong iyon, at hindi ang aking sarili, maliban sa aking mga kahinaan. 6 At kung ako'y magmalaki man, hindi ako lalabas na hangal, sapagkat totoo ang sasabihin ko. Ngunit hindi ko ito gagawin, sapagkat ayaw kong mag-isip ang sinuman nang higit tungkol sa akin kaysa kanyang nakita o narinig sa akin. 7 Ngunit upang hindi ko ipagyabang ang kamangha-manghang pahayag ng Diyos sa akin, ako'y binigyan ng isang kapansanan sa katawan na nagsisilbing sugo ni Satanas upang pahirapan ako, at nang sa gayo'y hindi ako maging palalo. 8 Tatlong beses kong idinalangin sa Panginoon na alisin ito, ngunit 9 ganito ang kanyang sagot, “Ang pagpapala ko ay sapat sa lahat ng pangangailangan mo; lalong nahahayag ang aking kapangyarihan kung ikaw ay mahina.” Kaya't buong galak kong ipagmamalaki ang aking mga kahinaan upang lalo kong madama ang kapangyarihan ni Cristo.

10 Dahil kay Cristo, walang halaga sa akin kung ako ma'y mahina, kutyain, pahirapan, usigin at magtiis. Sapagkat kung kailan ako lalong mahina, saka naman ako nagiging malakas.

Ang Malasakit ni Pablo sa mga Taga-Corinto


11 Ako'y nag-asal hangal, ngunit kayo ang nagtulak sa aking gumawa niyon. Kayo sana ang dapat pumuri sa akin, dahil kahit na wala akong kabuluhan, hindi naman ako nahuhuli sa magagaling na apostol na iyan. 12 Buong tiyaga kong pinatotohanan sa inyo na ako'y isang tunay na apostol sa pamamagitan ng mga himala at iba pang mga kamangha-manghang bagay. 13 Paano nakalamang sa inyo ang ibang mga iglesya? Hindi sila nakalamang, liban sa pangyayaring hindi ako humingi sa inyo ng kahit anong tulong. Ipagpatawad ninyo kung iyon ay isang pagkukulang. 14 Ito ang ikatlong pagpunta ko riyan, at hindi ako naging pabigat sa inyo. Kayo ang nais ko, hindi ang inyong ari-arian. Ang mga magulang ang dapat mag-impok para sa mga anak, at hindi ang mga anak para sa mga magulang. 15 At ikaliligaya kong gugulin ang lahat, at ihandog pati ang aking buhay para sa inyong kapakanan. Dahil ba sa kayo'y minahal ko nang labis, kaya kaunti ang pagmamahal ninyo sa akin? 16 Alam ninyong hindi ako nakabigat kaninuman sa inyo. Subalit sinasabi ng ilan na ako'y tuso at nandaraya lamang sa inyo. 17 Bakit? Pinagsamantalahan ko ba ang inyong kabutihan sa pamamagitan ng mga isinugo ko riyan? 18 Pinakiusapan ko si Tito na pumunta riyan at pinasama ko sa kanya ang isang kapatid. Si Tito ba'y nagsamantala sa inyo? Hindi ba't namuhay kami ayon sa iisang Espiritu, at iisa ang aming pamamaraan? 19 Akala ba ninyo'y ipinagtatanggol namin ang aming sarili? Hindi! Nagsasalita kami sa harapan ng Diyos ayon sa kalooban ni Cristo. Mga minamahal, lahat ng ginagawa namin ay para sa ikabubuti ninyo. 20 Nangangamba akong baka pagpunta ko riyan ay may makita ako sa inyong hindi ko magustuhan, at kayo naman ay may makita sa aking hindi ninyo magustuhan. Baka ang matagpuan ko'y pag-aaway-away, pag-iinggitan, pag-aalitan, pagmamaramot, pagsisiraan, pagtsitsismisan, pagmamataas at kaguluhan. 21 Nangangamba ako na pagpunta kong muli riyan, hiyain ako ng aking Diyos sa harapan ninyo, at itatangis ko ang karumihan, pakikiapid at kahalayang hindi pa ninyo pinagsisiha't tinatalikuran.

2 CORINTHIANS 12

Visions from the Lord

1 I have to brag. There is nothing to be gained by it, but I must brag about the visions and other things that the Lord has shown me.

2 I know about one of Christ's followers who was taken up into the third heaven 14 years ago. I don't know if the man was still in his body when it happened, but God certainly knows.
3 As I said, only God really knows if this man was in his body at the time. 4 But he was taken up into paradise, t where he heard things too wonderful to tell.

5 I will brag about that man, but not about myself, except to say how weak I am.
6 Yet even if I did brag, I would not be foolish. I would simply be speaking the truth. But I will try not to say too much. That way, none of you will think more highly of me than you should because of what you have seen me do and say.

7 Of course, I am now referring to the wonderful things I saw. One of Satan's angels was sent to make me suffer terribly, so that I would not feel too proud.t
8 Three times I begged the Lord to make this suffering go away. 9 But he replied, “My gift of undeserved grace is all you need. My power is strongest when you are weak.” So if Christ keeps giving me his power, I will gladly brag about how weak I am.

10 Yes, I am glad to be weak or insulted or mistreated or to have troubles and sufferings, if it is for Christ. Because when I am weak, I am strong.

Paul's Concern //for the Lord's Followers //at Corinth


11 I have been making a fool of myself. But you forced me to do it, when you should have been speaking up for me. I may be nothing at all, but I am as good as those super apostles. 12 When I was with you, I was patient and worked all the powerful miracles and signs and wonders of a true apostle.

13 You missed out on only one blessing the other churches received. That is, you didn't have to support me. Forgive me for doing you wrong.
14 I am planning to visit you for the third time. But I still won't make a burden of myself. What I really want is you, and not what you have. Children are not supposed to save up for their parents, but parents are supposed to take care of their children. 15 So I will gladly give all I have and all I am. Will you love me less for loving you too much? 16 You agree that I wasn't a burden to you. Maybe that's because I was trying to catch you off guard and trick you. 17 Were you cheated by any of those I sent to you?

18 I urged Titus to visit you, and I sent another follower with him. But Titus didn't cheat you, and we felt and behaved the same way he did.

19 Have you been thinking all along that we have been defending ourselves to you? Actually, we have been speaking to God as followers of Christ. But, my friends, we did it all for your good.
20 I am afraid when I come, we won't be pleased with each other. I fear that some of you may be arguing or jealous or angry or selfish or gossiping or insulting each other. I even fear that you may be proud and acting like a mob. 21 I am afraid God will make me ashamed when I visit you again. I will feel like crying because many of you have never given up your old sins. You are still doing things that are immoral, indecent, and shameful.