previous next

II Mga Taga-Corinto 12

1 Kinakailangang ako'y magmapuri, bagaman ito'y hindi nararapat; nguni't aking sasaysayin ang mga pangitain ko at mga pahayag ng Panginoon.2 Nakikilala ko ang isang lalake kay Cristo, na mayroong nang labingapat na taon (maging sa katawan, aywan ko; o maging sa labas ng katawan, aywan ko; Dios ang nakaaalam) na inagaw hanggang sa ikatlong langit.3 At nakikilala ko ang taong iyan (maging sa katawan, o sa labas ng katawan, aywan ko; Dios ang nakaaalam),4 Na kung paanong siya'y inagaw sa Paraiso, at nakarinig ng mga salitang di masayod na hindi nararapat salitain ng tao.5 Tungkol sa taong yaon ako'y magmamapuri: nguni't tungkol sa aking sarili ay hindi ako magmamapuri, maliban na sa aking mga kahinaan.6 Sapagka't kung ibigin kong ako'y magmapuri, ay hindi ako magiging mangmang; sapagka't sasalitain ko ang katotohanan: nguni't nagpipigil ako, baka ang sinoman ay magakalang ako'y mataas sa nakikita niya sa akin, o naririnig sa akin.7 At nang ako'y huwag magpalalo ng labis dahil sa kadakilaan ng mga pahayag, ay binigyan ako ng isang tinik sa laman, ng isang sugo ni Satanas, upang ako'y tampalin, nang ako'y huwag magpalalo ng labis.8 Tungkol dito'y makaitlo akong nanalangin sa Panginoon, upang ilayo ito sa akin.9 At siya'y nagsabi sa akin, Ang aking biyaya ay sapat na sa iyo: sapagka't ang aking kapangyarihan ay nagiging sakdal sa kahinaan. Kaya't bagkus akong magmamapuri na may malaking galak sa aking kahinaan upang manahan nawa sa akin ang kapangyarihan ni Cristo.10 Kaya nga ako'y nagagalak sa mga kahinaan, sa mga pagkaapi, sa mga pangangailangan, sa mga pagkakausig, sa mga paghihinagpis, dahil kay Cristo: sapagka't pagka ako'y mahina, ako nga'y malakas.11 Ako'y naging mangmang: pinilit ninyo ako; ako sana'y dapat ninyong purihin: sapagka't sa anoman ay hindi ako naging huli sa lubhang mga dakilang apostol, bagaman ako'y walang kabuluhan.12 Tunay na ang mga tanda ng apostol ay pawang nangyari sa inyo sa buong pagtitiis, sa pamamagitan ng mga tanda at mga kababalaghan at ng mga gawang makapangyarihan.13 Sapagka't ano nga ang inyong ikinahuli sa ibang mga iglesia, kundi ang ako'y hindi naging pasanin ninyo? ipatawad ninyo sa akin ang kamaliang ito.14 Narito, ito ang ikatlo na ako'y handang pumariyan sa inyo; at ako'y hindi magiging pasanin ninyo: sapagka't hindi ko hinahanap ang inyo, kundi kayo: sapagka't hindi nararapat ipagtipon ng mga anak ang mga magulang, kundi ng mga magulang ang mga anak.15 At ako'y gugugol ng may malaking kagalakan at pagugugol dahil sa inyong mga kaluluwa. Kung kayo'y iniibig ko ng lalong higit, ako baga'y iniibig ng kaunti?16 Datapuwa't magkagayon man, ako'y hindi naging pasan sa inyo; kundi dahil sa pagkatuso ko, kayo'y hinuli ko sa daya.17 Kayo baga'y aking dinaya sa pamamagitan ng sinoman sa mga sinugo sa inyo?18 Pinamanhikan ko si Tito, at sinugo kong kasama niya ang kapatid. Kayo baga'y dinaya ni Tito? hindi baga kami ay nagsilakad sa isang Espiritu? hindi baga kami ay nagsisunod sa gayon ding mga hakbang?19 Iniisip ninyo na sa buong panahong ito'y kami ay nangagdadahilan sa inyo. Sa paningin ng Dios ay nangagsasalita kami sa pangalan ni Cristo. Datapuwa't ang lahat ng mga bagay, mga minamahal, ay sa inyong mga ikatitibay.20 Natatakot nga ako na baka sa anomang paraan, kung ako'y dumating ay kayo'y masumpungan kong hindi gaya ng ibig ko, at ako ay inyong masumpungang hindi gaya ng ibig ninyo; baka sa anomang paraan ay magkaroon ng pagtatalo, mga paninibugho, mga kagalitan, mga pagkakampikampi, mga pagsirang-puri, mga paghatid-dumapit, mga kapalaluan, mga pagkakagulo;21 Baka pagka ako'y dumating na muli ay ako'y pababain ng Dios ko sa harapan ninyo, at ako'y malumbay dahil sa marami sa nangagkasalang una, at hindi nangagsisi sa karumihan at sa pakikiapid at sa kalibugan na ginawa nila.

2 CORINTHIANS 12

Visions from the Lord

1 I have to brag. There is nothing to be gained by it, but I must brag about the visions and other things that the Lord has shown me.

2 I know about one of Christ's followers who was taken up into the third heaven 14 years ago. I don't know if the man was still in his body when it happened, but God certainly knows.
3 As I said, only God really knows if this man was in his body at the time. 4 But he was taken up into paradise, t where he heard things too wonderful to tell.

5 I will brag about that man, but not about myself, except to say how weak I am.
6 Yet even if I did brag, I would not be foolish. I would simply be speaking the truth. But I will try not to say too much. That way, none of you will think more highly of me than you should because of what you have seen me do and say.

7 Of course, I am now referring to the wonderful things I saw. One of Satan's angels was sent to make me suffer terribly, so that I would not feel too proud.t
8 Three times I begged the Lord to make this suffering go away. 9 But he replied, “My gift of undeserved grace is all you need. My power is strongest when you are weak.” So if Christ keeps giving me his power, I will gladly brag about how weak I am.

10 Yes, I am glad to be weak or insulted or mistreated or to have troubles and sufferings, if it is for Christ. Because when I am weak, I am strong.

Paul's Concern //for the Lord's Followers //at Corinth


11 I have been making a fool of myself. But you forced me to do it, when you should have been speaking up for me. I may be nothing at all, but I am as good as those super apostles. 12 When I was with you, I was patient and worked all the powerful miracles and signs and wonders of a true apostle.

13 You missed out on only one blessing the other churches received. That is, you didn't have to support me. Forgive me for doing you wrong.
14 I am planning to visit you for the third time. But I still won't make a burden of myself. What I really want is you, and not what you have. Children are not supposed to save up for their parents, but parents are supposed to take care of their children. 15 So I will gladly give all I have and all I am. Will you love me less for loving you too much? 16 You agree that I wasn't a burden to you. Maybe that's because I was trying to catch you off guard and trick you. 17 Were you cheated by any of those I sent to you?

18 I urged Titus to visit you, and I sent another follower with him. But Titus didn't cheat you, and we felt and behaved the same way he did.

19 Have you been thinking all along that we have been defending ourselves to you? Actually, we have been speaking to God as followers of Christ. But, my friends, we did it all for your good.
20 I am afraid when I come, we won't be pleased with each other. I fear that some of you may be arguing or jealous or angry or selfish or gossiping or insulting each other. I even fear that you may be proud and acting like a mob. 21 I am afraid God will make me ashamed when I visit you again. I will feel like crying because many of you have never given up your old sins. You are still doing things that are immoral, indecent, and shameful.