previous next

2 Pedro 1

1 Mula kay Simon Pedro, isang lingkod at apostol ni Jesu-Cristo—
Para sa inyong lahat na tulad nami'y tumanggap ng napakahalagang pananampalatayang mula sa ating makatarungang Diyos at Tagapagligtas na si Jesu-Cristo.

2 Sumagana nawa sa inyo ang pagpapala at kapayapaan ng Diyos sa pamamagitan ng inyong pagkakilala sa kanya at sa ating Panginoong Jesus.

Tagubilin sa mga Tinawag at Pinili ng Diyos


3 Tinanggap natin sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos ang lahat ng bagay na magtuturo sa atin upang tayo'y mamuhay na maka-Diyos. Ito'y dahil sa ating pagkakilala kay Jesus, na siya ring tumawag sa atin upang bahaginan tayo ng kanyang karangalan at kabutihan.

4 Sa paraang ito ay binigyan niya tayo ng mga dakila at napakahalagang pangako upang makaiwas tayo sa nakakasirang pagnanasa sa sanlibutang ito at upang makabahagi tayo sa kanyang likas bilang Diyos.
5 Dahil dito, sikapin ninyong idagdag sa inyong pananampalataya ang kabutihan; sa inyong kabutihan, ang kaalaman; 6 sa inyong kaalaman, ang pagpipigil sa sarili; sa inyong pagpipigil sa sarili, ang katatagan; sa inyong katatagan, ang pagiging maka-Diyos; 7 sa inyong pagiging maka-Diyos, ang pagmamalasakit sa kapatid; at sa inyong pagmamalasakit, ang pag-ibig. 8 Ang mga katangiang iyan ang kailangan ninyong taglayin at pagyamanin, upang ang inyong pagkakilala sa Panginoong Jesu-Cristo ay huwag mawalan ng kabuluhan at kapakinabangan.

9 Ang taong wala ng mga katangiang iyan ay mistulang bulag at nakalimot na pinatawad na siya sa kanyang mga kasalanan.
10 Kaya nga, mga kapatid, lalo kayong maging masigasig upang mapatunayan ninyong kayo ay tinawag at pinili ng Diyos. Kung ganito ang gagawin ninyo, hindi kayo matitisod.

11 Sa ganitong paraan, kayo'y maluwag na papapasukin sa walang hanggang kaharian ng ating Panginoon at Tagapagligtas na si Jesu-Cristo.
12 Kahit na alam na ninyo ang katotohanang inyong tinanggap at matatag na kayo rito, lagi ko pa rin kayong paaalalahanan tungkol dito. 13 Minabuti kong sariwain ito sa inyong isipan habang ako'y nabubuhay pa. 14 Alam kong hindi na ako magtatagal sa buhay na ito, ayon sa ipinahayag sa akin ng ating Panginoong Jesu-Cristo.

15 Kaya't gagawin ko ang lahat upang maalala pa rin ninyong lagi ang mga bagay na ito kahit ako'y nasa kabilang buhay na.

Ang mga Saksi sa Kadakilaan ni Cristo


16 Ang ipinahayag namin sa inyo tungkol sa kapangyarihan at muling pagparito ng ating Panginoong Jesu-Cristo ay hindi mga alamat na katha lamang ng tao. Nasaksihan namin ang kanyang kadakilaan 17 nangt tanggapin niya mula sa Ama ang karangalan at kapurihan. Ito'y nangyari nang marinig namin ang tinig mula sa dakilang kaluwalhatian ng langit na nagsabing, “Ito ang minamahal kong Anak na lubos kong kinalulugdan.”

18 Narinig namin ito mula sa langit sapagkat kami'y kasama niya nang ito'y maganap sa banal na bundok.
19 Kaya naman lalong tumibay ang aming paniniwala sa ipinahayag ng mga propeta. Makakabuting ito'y pag-ukulan ninyo ng pansin, sapagkat tulad ito sa isang ilaw sa kadiliman na tumatanglaw sa inyo hanggang sa sumikat ang araw ng Panginoon at magliwanag sa inyong mga puso ang bituin sa umaga. 20 Higit sa lahat, unawain ninyong walang makakapagpaliwanag ng alinmang propesiya sa Kasulatan sa sariling kakayahan, 21 sapagkat ang pahayag ng mga propeta ay hindi nagmula sa kalooban lamang ng tao; ito'y galing sa Diyos at ipinahayag ng mga taong nasa ilalim ng kapangyarihan ng Espiritu Santo.

2 PETER 1

1 From Simon Peter, a servant and an apostle of Jesus Christ.
To everyone who shares with us in the privilege of believing that our God and Savior Jesus Christ will do what is just and fair.t

2 I pray that God will be kind to you and will let you live in perfect peace! May you keep learning more and more about God and our Lord Jesus.

Living as the Lord's //Followers


3 We have everything we need to live a life that pleases God. It was all given to us by God's own power, when we learned he had invited us to share in his wonderful goodness.

4 God made great and marvelous promises, so his nature would become part of us. Then we could escape our evil desires and the corrupt influences of this world.
5 Do your best to improve your faith by adding goodness, understanding, 6 self-control, patience, devotion to God, 7 concern for others, and love. 8 If you keep growing in this way, it will show that what you know about our Lord Jesus Christ has made your lives useful and meaningful.

9 But if you don't grow, you are like someone who is nearsighted or blind, and you have forgotten that your past sins are forgiven.
10 My friends, you must do all you can to show God has really chosen and selected you. If you keep on doing this, you won't stumble and fall.

11 Then our Lord and Savior Jesus Christ will give you a glorious welcome into his kingdom that will last forever.
12 You are holding firmly to the truth you were given. But I am still going to remind you of these things. 13 In fact, I think I should keep on reminding you until I leave this body. 14 And our Lord Jesus Christ has already told me that I will soon leave it behind.

15 This is why I am doing my best to make sure that each of you remembers all of this after I am gone.

The Message about the Glory //of Christ


16 When we told you about the power and the return of our Lord Jesus Christ, we were not telling clever stories someone had made up. But with our own eyes we saw his true greatness. 17 t God, our great and wonderful Father, truly honored him by saying, “This is my own dear Son, and I am pleased with him.”

18 We were there with Jesus on the holy mountain and heard this voice speak from heaven.
19 All of this makes us even more certain that what the prophets said is true. So you should pay close attention to their message, as you would to a lamp shining in some dark place. You must keep on paying attention until daylight comes and the morning star rises in your hearts. 20 But you need to realize that no one alone can understand any of the prophecies in the Scriptures. 21 The prophets did not think these things up on their own, but they were guided by the Spirit of God.