previous next

2 Pedro 2

Mga Huwad na Guro

1 Noong una, may mga huwad na propetang lumitaw sa Israel. Gayundin naman, may darating sa gitna ninyo na mga huwad na guro. Lihim silang magtuturo ng mga maling aral na ang dulot ay kapahamakan. Pati ang Panginoong nagligtas sa kanila ay kanilang itatakwil, kaya't di magtatagal at sila'y mapapahamak. 2 At marami silang mahihikayat na sumunod sa kanilang kahalayan; at dahil dito, pati ang daan ng katotohanan ay mapaparatangan ng masama.

3 Sa kanilang kasakiman, lilinlangin nila kayo sa pamamagitan ng kanilang matatamis na pananalita. Matagal nang nakahanda ang hatol sa kanila at ang pupuksa sa kanila ay hindi natutulog.
4 Hindi pinatawad ng Diyos ang mga anghel na nagkasala. Sila'y itinapon sa impiyerno kung saan sila'y iginapos sa kadilimant upang doon hintayin ang Araw ng Paghuhukom. 5 Dahilt sa kasalanan ng tao noong unang panahon, ginunaw ng Diyos ang daigdig sa pamamagitan ng baha. Wala siyang iniligtas maliban kay Noe na nangaral tungkol sa matuwid na pamumuhay, at ang pito niyang kasama. 6 Sinumpat at tinupokt ng Diyos ang mga lunsod ng Sodoma at Gomorra upang maging babala sa masasama tungkol sa kanilang kasasapitan. 7 Ngunitt iniligtas ng Diyos si Lot, isang taong matuwid, na lubhang namighati dahil sa mga kahalayang ginagawa ng masasama noong panahon niya. 8 Naghihirap ang kalooban ng matuwid na taong ito sa kasamaang nasasaksihan niya araw-araw habang siya'y nakatira doon. 9 Alam ng Panginoon kung paano ililigtas mula sa mga pagsubok ang mga tapat sa kanya, at kung paanong paparusahan ang masasama hanggang sa araw na sila'y hatulan,

10 lalo na ang sumusunod sa mahalay na nasa ng katawan at humahamak sa kapangyarihan ng Diyos.
Pangahas at mapagmataas ang mga huwad na gurong binabanggit ko. Wala silang pakundangan sa mga tagalangit, at sa halip ay nilalapastangan pa nila ang mga ito.
11 Samantalang ang mga anghel, kaysa mga huwad na guro, na higit na malakas at makapangyarihan ay hindi gumamit ng panlalait sa kanilang paghaharap sa Panginoon ng sakdal laban sa mga ito. 12 Ang mga taong ito'y parang mga hayop na walang isip at ipinanganak upang hulihin at patayin. Kinakalaban nila ang mga bagay na hindi nila nauunawaan, kaya't papatayin din sila tulad ng maiilap na hayop. 13 Pahihirapan sila gaya ng pagpapahirap nila sa iba. Ang kaligayahan nila'y ang hayagang magpasasa sa nasa ng laman. Dumadalo pa naman sila sa inyong salu-salo, ngunit kahiya-hiya at kasiraang-puri ang kanilang ginagawa; ikinatutuwa nilang kayo'y kanilang nalilinlang. 14 Wala silang hinahanap kundi mga babaing mapag-aaliwan nila; wala silang sawa sa paggawa ng kasalanan. Itinutulak pa nila sa pagkakasala ang mahihina. Sila'y mga sakim at sila'y isinumpa! 15 Lumihist sila sa matuwid na landas at naligaw. Tinularan nila si Balaam, anak ni Beort na nagpahalaga sa bayad sa paggawa ng masama.

16 Dahil dito, siya'y sinumbatan ng kanyang asno na nagsalitang parang tao upang siya'y sawayin sa kanyang kabaliwan.
17 Ang katulad ng mga huwad na gurong ito ay mga batis na walang tubig, at ulap na itinataboy ng malakas na hangin. Inilaan na ng Diyos ang kadiliman para sa kanila. 18 Mayayabang sila kung magsalita, ngunit wala namang kabuluhan ang sinasabi. Ginagamit nila ang nasa ng laman upang maibalik sa kahalayan ang mga nagsisimula pa lamang lumayo sa mga taong namumuhay ng may kalikuan. 19 Ipinapangako nila ang kalayaan sa nahihikayat nila, subalit sila mismo ay alipin ng kasamaan, sapagkat ang tao ay alipin ng anumang hindi niya kayang mapanagumpayan. 20 Nakaiwas na sa kasamaan ng daigdig ang mga taong kumilala kay Jesu-Cristo na Panginoon at Tagapagligtas, ngunit kung muli silang maakit sa dating masamang gawain at tuluyang mahulog dito, ang magiging kalagayan nila ay masahol pa sa dati. 21 Mabuti pang hindi na nila natutuhan ang daang matuwid, kaysa matapos matutuhan ang banal na Kautusang itinuro sa kanila ay tumalikod sila dito.

22 Angkopt na angkop sa nangyari sa kanila ang mga kasabihang:
“Ugali ng aso, matapos sumuka
ay muling kinakain ang nailuwa na,”
at,
“Ito namang baboy, paliguan mo man,
pilit na babalik sa dating lubluban.”

2 PETER 2

False Prophets and Teachers

1 Sometimes false prophets spoke to the people of Israel. False teachers will also sneak in and speak harmful lies to you. But these teachers don't really belong to the Master who paid a great price for them, and they will quickly destroy themselves. 2 Many people will follow their evil ways and cause others to tell lies about the true way.

3 They will be greedy and cheat you with smooth talk. But long ago God decided to punish them, and God doesn't sleep.
4 God did not have pity on the angels that sinned. He had them tied up and thrown into the dark pits of hell until the time of judgment.

5 t And during Noah's time, God did not have pity on the ungodly people of the world. He destroyed them with a flood, though he did save eight people, including Noah, who preached the truth.

6  t God punished the cities of Sodom and Gomorraht by burning them to ashes, and this is a warning to anyone else who wants to sin.
7-8  t Lot lived right and was greatly troubled by the terrible way those wicked people were living. He was a good man, and day after day he suffered because of the evil things he saw and heard. So the Lord rescued him.

9 This shows that the Lord knows how to rescue godly people from their sufferings and to punish evil people while they wait for the day of judgment.
10 The Lord is especially hard on people who disobey him and don't think of anything except their own filthy desires. They are reckless and proud and are not afraid of cursing the glorious beings in heaven.

11 Although angels are more powerful than these evil beings, t even the angels don't dare to accuse them to the Lord.
12 These people are no better than senseless animals that live by their feelings and are born to be caught and killed. They speak evil of things they don't know anything about. But their own corrupt deeds will destroy them.

13 They have done evil, and they will be rewarded with evil.
They think it is fun to have wild parties during the day. They are immoral, and the meals they eat with you are spoiled by the shameful and selfish way they carry on.t

14 All they think about is having sex with someone else's husband or wife. There is no end to their wicked deeds. They trick people who are easily fooled, and their minds are filled with greedy thoughts. But they are headed for trouble!
15  t They have left the true road and have gone down the wrong path by following the example of the prophet Balaam. He was the son of Beor and loved what he got from being a crook.

16 But a donkey corrected him for this evil deed. It spoke to him with a human voice and made him stop his foolishness.
17 These people are like dried up water holes and clouds blown by a windstorm. The darkest part of hell is waiting for them. 18 They brag out loud about their stupid nonsense. And by being vulgar and crude, they trap people who have barely escaped from living the wrong kind of life.

19 They promise freedom to everyone. But they are merely slaves of filthy living, because people are slaves of whatever controls them.
20 When they learned about our Lord and Savior Jesus Christ, they escaped from the filthy things of this world. But they are again caught up and controlled by these filthy things, and now they are in worse shape than they were at first. 21 They would have been better off if they had never known about the right way. Even after they knew what was right, they turned their backs on the holy commandments they were given.

22 t What happened to them is just like the true saying,
“A dog will come back
to lick up its own vomit.
A pig that has been washed
will roll in the mud.”