2 Timoteo 2
Ang Mabuting Kawal ni Cristo Jesus
1 Kaya nga, anak ko, magpakatatag ka sa tulong ni Cristo Jesus.
2 Ang mga narinig mo sa akin sa harap ng maraming saksi ay ituro mo rin sa mga taong mapagkakatiwalaan at may kakayahang magturo naman sa iba.
3 Makibahagi ka sa hirap tulad ng isang mabuting kawal ni Cristo Jesus. 4 Ang isang kawal ay hindi nagiging abala sa mga bagay na walang kaugnayan sa pagiging kawal; sa halip, sinisikap niyang mabigyan ng kasiyahan ang kanyang pinuno. 5 Ang isang manlalaro ay hindi maaaring manalo kung hindi sumusunod sa mga alituntunin ng laro. 6 Ang magsasakang nagtatrabahong mabuti ang siyang dapat munang makinabang sa bunga ng kanyang pinaghirapan.
7 Isipin mong mabuti ang sinasabi ko sa iyo at ipapaunawa sa iyo ng Panginoon ang lahat ng ito.
8 Alalahanin mo si Jesu-Cristo, ang muling binuhay at nagmula sa angkan ni David. Ito ang Magandang Balitang ipinapangaral ko, 9 at siya ring dahilan ng aking pagdurusa at pagkabilanggo na parang isang kriminal. Subalit hindi kailanman maibibilanggo ang salita ng Diyos. 10 Pinapagtiisan ko ang lahat ng bagay alang-alang sa mga hinirang ng Diyos upang magkaroon sila ng kaligtasan at walang hanggang buhay na mula kay Cristo Jesus.
11 Totoo ang kasabihang ito:
“Kung tayo'y namatay na kasama ni Jesu-Cristo,
mabubuhay din tayong kasama niya.
12 Kungt tayo'y nagtitiis ng hirap sa mundong ito,
maghahari din tayong kapiling niya.
Kapag siya'y ating ikinahiya,
ikakahiya rin niya tayo.
13 Kung tayo man ay hindi tapat,
siya'y nananatiling tapat pa rin
sapagkat hindi niya maaaring itakwil ang kanyang sarili.”Tapat na Lingkod ni Cristo
14 Ipaalala mo sa kanila ang mga bagay na ito at pagbilinan mo sila, sa pangalan ng Diyos, na iwasan nila ang mga debateng walang kabuluhan at walang ibinubungang mabuti; sa halip, ito'y nagpapahamak lamang sa mga nakikinig. 15 Sikapin mong maging kalugud-lugod sa paningin ng Diyos, isang manggagawang walang dapat ikahiya at tapat na nagtuturo ng katotohanan. 16 Iwasan mo ang mga usapang malalaswa at walang kabuluhan, sapagkat ang mga iyan ang nagiging dahilan ng pagtalikod ng mga tao sa Diyos. 17 Ang mga katuruan nila'y parang kanser na kumakalat sa katawan. Kabilang sa mga taong ito ay sina Himeneo at Fileto. 18 Lumihis sila sa katotohanan at ginugulo nila ang pananampalataya ng iba sa pamamagitan ng pagtuturo na ang muling pagkabuhay ay naganap na.
19 Ngunitt matibay ang pundasyong itinatag ng Diyos, at doo'y nakatatak: “Nakikilala ng Panginoon kung sinu-sino ang tunay na kanya,” at, “Ang bawat nagsasabing siya'y sa Panginoon ay dapat lumayo sa kasamaan.”
20 Sa isang malaking bahay ay may iba't ibang uri ng kasangkapan; may yari sa ginto o pilak, at mayroon namang yari sa kahoy o putik. May ginagamit para sa mga tanging okasyon at mayroon namang pang-araw-araw. 21 Ang sinumang lumalayo sa kasamaan ay katulad ng sisidlang natatangi, malinis at karapat-dapat gamitin ng may-ari para sa lahat ng mabubuting gawain. 22 Kaya nga bilang isang kabataan, iwasan mo ang masasamang pagnanasa, subalit pagsikapan mong maging matuwid, tapat, mapagmahal at mapayapa, kasama ng mga taong may pusong malinis at tumatawag sa Panginoon. 23 Iwasan mo ang mga walang kabuluhang pakikipagdebate sapagkat alam mo namang nauuwi lamang iyan sa mga pag-aaway. 24 Ang lingkod ng Diyos ay hindi dapat makipag-away, sa halip ay dapat siyang maging mabuti sa pakikitungo sa lahat, mahusay magturo at matiyaga. 25 Mahinahon niyang itinutuwid ang mga sumasalungat sa kanya, baka sakaling marapatin ng Diyos na sila'y magsisi't tumalikod sa kanilang mga kasalanan upang makilala nila ang katotohanan. 26 Sa gayon, maliliwanagan ang kanilang isip at makakawala sila sa bitag ng diyablo na bumihag at umalipin sa kanila.t
2 TIMOTHY 2
A Good Soldier of //Christ Jesus
1 Timothy, my child, you must let Christ Jesus make you strong by his gift of undeserved grace.
2 You have often heard me teach. Now I want you to tell these same things to followers who can be trusted to tell others.
3 As a good soldier of Christ Jesus you must endure your share of suffering. 4 Soldiers on duty don't work at outside jobs. They try only to please their commanding officer. 5 No one wins an athletic contest without obeying the rules. 6 And farmers who work hard are the first to eat what grows in their field.
7 If you keep in mind what I have told you, the Lord will help you understand completely.
8 Keep your mind on Jesus Christ! He was from the family of David and was raised from death, just as my good news says. 9 And because of this message, I am locked up in jail and treated like a criminal. But God's good news isn't locked in jail, 10 and so I am willing to put up with anything. Then God's special people will be saved and given eternal glory because they belong to Christ Jesus.
11 Here is a true message:
“If we died with Christ,
we will live with him.
12 t If we don't give up,
we will rule with him.
If we deny
that we know him,
he will deny
that he knows us.
13 If we are not faithful,
he will still be faithful.
Christ cannot deny
who he is.”An Approved Worker
14 Don't let anyone forget these things. And with Godt as your witness, you must warn them not to argue about words. These arguments don't help anyone. In fact, they ruin everyone who listens to them.
15 Do your best to win God's approval as a worker who doesn't need to be ashamed and who teaches only the true message.
16 Keep away from worthless and useless talk. It only leads people farther away from God. 17 That sort of talk is like a sore that won't heal. And Hymenaeus and Philetus have been talking this way
18 by teaching that the dead have already been raised to life. This is far from the truth, and it is destroying the faith of some people.
19 But the foundation God has laid is solid. On it is written, “The Lord knows who his people are. So everyone who worships the Lord must turn away from evil.”
20 In a large house some dishes are made of gold or silver, while others are made of wood or clay. Some of these are special, and others are not.
21 This is also how it is with people. The ones who stop doing evil and make themselves pure will become special. Their lives will be holy and pleasing to their Master, and they will be able to do all kinds of good deeds.
22 Run from temptations that capture young people. Always do the right thing. Be faithful, loving, and easy to get along with. Worship with people whose hearts are pure. 23 Stay away from stupid and senseless arguments. These only lead to trouble,
24 and God's servants must not be troublemakers. They must be kind to everyone, and they must be good teachers and very patient.
25 Be humble when you correct people who oppose you. Maybe God will lead them to turn to him and learn the truth. 26 They have been trapped by the devil, and he makes them obey him, but God may help them escape.