2 Timoteo 3
Ang mga Huling Araw
1 Dapat mong malaman na sa mga huling araw ay magkakaroon ng mga kahirapan. 2 Ang mga tao'y magiging makasarili, sakim sa salapi, palalo, mapagmataas, mapagsamantala, suwail sa magulang, walang utang na loob at lapastangan sa Diyos. 3 Sila'y magiging malupit, walang habag, mapanirang-puri, marahas, mapusok at namumuhi sa mabuti. 4 Sila'y magiging mga taksil, pabayâ, mayabang, mahilig sa kalayawan at walang pag-ibig sa Diyos. 5 Sila'y magkukunwaring maka-Diyos, ngunit hindi naman nakikita ang kapangyarihan nito sa kanilang pamumuhay. Iwasan mo ang ganyang uri ng mga tao. 6 May ilan sa kanila na gagamit ng panlilinlang upang makapasok sa bahay ng mga babaing walang pagpipigil sa sarili. Ang mga babaing ito'y alipin ng kanilang mga kasalanan at ng sari-saring pagnanasa. 7 Lahat na'y gustong matutuhan ng mga babaing ito ngunit kailanma'y di sila nakakaunawa. 8 Att tulad nina Janes at Jambres na sumalungat kay Moises, sila ay sumasalungat din sa katotohanan. Wala silang iniisip na kabutihan at hindi tunay ang kanilang pananampalataya.
9 Ngunit hindi magpapatuloy ang kanilang kasamaan, sapagkat makikita ng lahat ang kanilang kahangalan, gaya ng nangyari kina Janes at Jambres.Mga Huling Tagubilin
10 Ngunit sinunod mo ang aking itinuro sa iyo, ang aking ugali at layunin sa buhay. Tinularan mo ang aking pananampalataya, pagtitiyaga, pag-ibig at katapatan. 11 Nasaksihant mo ang mga pag-uusig at paghihirap na dinanas ko sa Antioquia, Iconio at Listra. Napakahirap ng dinanas ko! Ngunit sa lahat ng iyon ay iniligtas ako ng Panginoon. 12 Gayundin naman, ang lahat ng nagnanais mamuhay nang matuwid bilang tagasunod ni Cristo Jesus ay daranas ng mga pag-uusig,
13 samantalang ang masasama ay lalo namang magpapakasama, at ang manlilinlang ay patuloy na manlilinlang at sila man ay malilinlang din.
14 Ngunit ikaw, magpatuloy ka sa mga aral na natutuhan mo at matibay mong pinaniwalaan, sapagkat kilala mo ang mga nagturo nito sa iyo. 15 Mula pa sa pagkabata ay alam mong ang Banal na Kasulatan ay nagtuturo ng daan ng kaligtasan sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo Jesus. 16 Ang lahat ng Kasulatan ay kinasihan ng Diyos, at nagagamit sa pagtuturo ng katotohanan, sa pagtatama sa maling katuruan, sa pagtutuwid sa likong gawain at sa pagsasanay para sa matuwid na pamumuhay, 17 upang ang lingkod ng Diyos ay magiging karapat-dapat at handa sa lahat ng mabubuting gawain.
2 TIMOTHY 3
What People Will Be Like //in the Last Days
1 You can be certain that in the last days there will be some very hard times. 2 People will love only themselves and money. They will be proud, stuck-up, rude, and disobedient to their parents. They will also be ungrateful, godless, 3 heartless, and hateful. Their words will be cruel, and they will have no self-control or pity. These people will hate everything good. 4 They will be sneaky, reckless, and puffed up with pride. Instead of loving God, they will love pleasure.
5 Even though they will make a show of being religious, their religion won't be real. Don't have anything to do with such people.
6 Some men fool whole families, just to get power over those women who are slaves of sin and are controlled by all sorts of desires. 7 These women always want to learn something new, but they never can discover the truth. 8 t Just as Jannes and Jambrest opposed Moses, these people are enemies of the truth. Their minds are sick, and their faith isn't real.
9 But they won't get very far with their foolishness. Soon everyone will know the truth about them, just as Jannes and Jambres were found out.Paul's Last Instructions //to Timothy
10 Timothy, you know what I teach and how I live. You know what I want to do and what I believe. You have seen how patient and loving I am, and how in the past I put up with 11 t trouble and suffering in the cities of Antioch, Iconium, and Lystra. Yet the Lord rescued me from all those terrible troubles. 12 In fact, anyone who belongs to Christ Jesus and wants to live right will have trouble from others.
13 But evil people who pretend to be what they are not will become worse than ever, as they fool others and are fooled themselves.
14 Keep on being faithful to what you were taught and to what you believed. After all, you know who taught you these things. 15 Since childhood, you have known the Holy Scriptures that are able to make you wise enough to have faith in Christ Jesus and be saved. 16 Everything in the Scriptures is God's Word. All of it is useful for teaching and helping people and for correcting them and showing them how to live. 17 The Scriptures train God's servants to do all kinds of good deeds.