II Kay Timoteo 3
1 Datapuwa't alamin mo ito, na sa mga huling araw ay darating ang mga panahong mapanganib.2 Sapagka't ang mga tao'y magiging maibigin sa kanilang sarili, maibigin sa salapi, mayayabang, mga mapagmalaki, mapagtungayaw, masuwayin sa mga magulang, mga walang turing, mga walang kabanalan,3 Walang katutubong pagibig, mga walang paglulubag, mga palabintangin, mga walang pagpipigil sa sarili, mga mabangis, hindi mga maibigin sa mabuti,4 Mga lilo, mga matitigas ang ulo, mga palalo, mga maibigin sa kalayawan kay sa mga maibigin sa Dios;5 Na may anyo ng kabanalan, datapuwa't tinanggihan ang kapangyarihan nito: lumayo ka rin naman sa mga ito.6 Sapagka't sa mga ito ang nanganggagapang sa mga bahay, at binibihag ang babaing haling na lipos ng mga kasalanan, hinihila ng mga iba't ibang pita,7 Na laging nagsisipagaral, at kailan pa man ay hindi nakararating sa pagkaalam ng katotohanan.8 At kung paanong si Janes at si Jambres ay nagsilaban kay Moises, ay gayon din naman ang mga ito'y nagsisilaban sa katotohanan; mga taong masasama ang pagiisip, mga itinakuwil tungkol sa pananampalataya.9 Nguni't sila'y hindi mangagpapatuloy: sapagka't mangahahayag sa lahat ng mga tao ang kanilang kamangmangan, gaya naman ng pagkahayag ng sa mga yaon.10 Nguni't sinunod mo ang aking aral, ugali, akala, pananampalataya, pagpapahinuhod, pagibig, pagtitiis,11 Mga paguusig, mga pagbabata; anomang mga bagay ang nangyari sa akin sa Antioquia, sa Iconio, sa Listra; anomang mga paguusig ang tiniis ko: at sa lahat ay iniligtas ako ng Panginoon.12 Oo, at lahat na ibig mabuhay na may kabanalan kay Cristo Jesus ay mangagbabata ng paguusig.13 Datapuwa't ang masasamang tao at mga magdaraya ay lalong sasama ng sasama, na mangagdadaya, at sila rin ang mangadadaya.14 Datapuwa't manatili ka sa mga bagay na iyong pinagaralan at sa pinagkaroonan mo ng katunayan, yamang nalalaman mo kung kanino mo nangatutuhan;15 At mula sa pagkasanggol ay iyong nalalaman ang mga banal na kasulatan na makapagpadunong sa iyo sa ikaliligtas sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo Jesus.16 Ang lahat ng mga kasulatan na kinasihan ng Dios ay mapapakinabangan din naman sa pagtuturo, sa pagsansala, sa pagsaway, sa ikatututo na nasa katuwiran:17 Upang ang tao ng Dios ay maging sakdal, tinuruang lubos sa lahat ng mga gawang mabuti.
2 TIMOTHY 3
What People Will Be Like //in the Last Days
1 You can be certain that in the last days there will be some very hard times. 2 People will love only themselves and money. They will be proud, stuck-up, rude, and disobedient to their parents. They will also be ungrateful, godless, 3 heartless, and hateful. Their words will be cruel, and they will have no self-control or pity. These people will hate everything good. 4 They will be sneaky, reckless, and puffed up with pride. Instead of loving God, they will love pleasure.
5 Even though they will make a show of being religious, their religion won't be real. Don't have anything to do with such people.
6 Some men fool whole families, just to get power over those women who are slaves of sin and are controlled by all sorts of desires. 7 These women always want to learn something new, but they never can discover the truth. 8 t Just as Jannes and Jambrest opposed Moses, these people are enemies of the truth. Their minds are sick, and their faith isn't real.
9 But they won't get very far with their foolishness. Soon everyone will know the truth about them, just as Jannes and Jambres were found out.Paul's Last Instructions //to Timothy
10 Timothy, you know what I teach and how I live. You know what I want to do and what I believe. You have seen how patient and loving I am, and how in the past I put up with 11 t trouble and suffering in the cities of Antioch, Iconium, and Lystra. Yet the Lord rescued me from all those terrible troubles. 12 In fact, anyone who belongs to Christ Jesus and wants to live right will have trouble from others.
13 But evil people who pretend to be what they are not will become worse than ever, as they fool others and are fooled themselves.
14 Keep on being faithful to what you were taught and to what you believed. After all, you know who taught you these things. 15 Since childhood, you have known the Holy Scriptures that are able to make you wise enough to have faith in Christ Jesus and be saved. 16 Everything in the Scriptures is God's Word. All of it is useful for teaching and helping people and for correcting them and showing them how to live. 17 The Scriptures train God's servants to do all kinds of good deeds.