3 Juan 1
1 Mulat sa isang Matandang pinuno ng iglesya—
Para kay Gayo na lubos kong minamahal.
2 Mahal kong Gayo, idinadalangin kong ikaw sana'y nasa mabuting kalagayan at malusog ang katawan, tulad ng iyong buhay espirituwal na alam kong nasa mabuting kalagayan. 3 Tuwang-tuwa ako nang dumating ang ilang kapatid at ibalitang ikaw ay tapat sa katotohanan at talagang namumuhay ayon dito.
4 Wala nang higit na makapagpapaligaya sa akin kundi ang marinig ang balitang namumuhay ayon sa katotohanan ang aking mga anak.Pinarangalan si Gayo
5 Mahal kong kaibigan, ang iyong paglilingkod sa mga kapatid kahit sa mga hindi mo kilala ay nagpapatunay na tapat ka. 6 May mga nagbabalita sa iglesya rito tungkol sa iyong pag-ibig. Sana'y tulungan mo sila sa kanilang paglalakbay, gaya ng nararapat gawin sa mga lingkod ng Diyos, 7 sapagkat naglalakbay sila sa pangalan ni Cristo at hindi tumatanggap ng anumang tulong sa mga di sumasampalataya sa Diyos.
8 Dapat natin silang tulungan upang tayo'y makabahagi sa pagpapalaganap ng katotohanan.Si Diotrefes at si Demetrio
9 Sumulat ako sa iglesya subalit hindi binigyang pansin ni Diotrefes ang aking kapangyarihan; ang hangad niya'y siya ang kilalaning pinuno ninyo.
10 Kaya't pagpunta ko diyan, uungkatin ko ang lahat ng ginawa niya at ang mga kasinungalingang sinabi niya laban sa amin. At hindi pa siya nasiyahan doon; ayaw niyang tanggapin ang mga kapatiran na dumarating at hinahadlangan pa niya at itinitiwalag sa iglesya ang mga nais tumanggap sa mga iyon.
11 Minamahal, huwag mong tularan ang masamang halimbawang ito. Ang tularan mo ay ang mabuti, sapagkat ang gumagawa ng mabuti ay anak ng Diyos; ang gumagawa ng masama ay hindi pa nakakakilala sa Diyos.
12 Mabuti ang sinasabi ng lahat tungkol kay Demetrio, at iyan ay makikita sa kanyang magandang pag-uugali. Iyan din ang aming patotoo, at alam mong totoo ang sinasabi namin.Pangwakas
13 Marami pa sana akong sasabihin sa iyo, ngunit hindi ko na binanggit sa sulat na ito.
14 Inaasahan kong magkikita tayo at makakapag-usap sa lalong madaling panahon.
15 Sumaiyo nawa ang kapayapaan.
Kinukumusta ka ng ating mga kaibigan dito. Ikumusta mo rin ako sa lahat ng ating mga kaibigan diyan.
3 JOHN 1
1 t From the church leader.t
To my dear friend Gaius.
I love you because we follow the truth, 2 dear friend, and I pray all goes well for you. I hope you are as strong in body, as I know you are in spirit. 3 It makes me very happy when the Lord's followers come by and speak openly of how you obey the truth.
4 Nothing brings me greater happiness than to hear that my childrent are obeying the truth.Working Together
5 Dear friend, you have always been faithful in helping other followers of the Lord, even the ones you didn't know before. 6 They have told the church about your love. They say you were good enough to welcome them and to send them on their mission in a way God's servants deserve. 7 When they left to tell others about the Lord, they decided not to accept help from anyone who wasn't a follower.
8 We must support people like them, so we can take part in what they are doing to spread the truth.
9 I wrote to the church. But Diotrephes likes to be the number-one leader, and he won't pay any attention to us.
10 So if I come, I will remind him of how he has been attacking us with gossip. Not only has he been doing this, but he refuses to welcome any of the Lord's followers who come by. And when other church members want to welcome them, he puts them out of the church.
11 Dear friend, don't imitate the evil deeds of others, but follow the example of people who do kind deeds. They are God's children, but those who are always doing evil have never seen God.
12 Everyone speaks well of Demetrius, and so does the true message that he teaches. I also speak well of him, and you know what I say is true.Final Greetings
13 I have much more to say to you, but I don't want to write it with pen and ink.
14 I hope to see you soon, and then we can talk in person.
15 I pray that God will bless you with peace!
Your friends send their greetings. Please give a personal greeting to each of our friends.