Mga Gawa 13
1 Sa iglesia nga na nasa Antioquia ay may mga propeta at mga guro, si Bernabe, at si Simeon na tinatawag na Niger, at si Lucio na taga Cirene, at si Manaen na kapatid sa gatas ni Herodes na tetrarka, at si Saulo.2 At nang sila'y nagsisipaglingkod sa Panginoon, at nangagaayuno, ay sinabi ng Espiritu Santo, Ibukod ninyo sa akin si Bernabe at si Saulo sa gawaing itinawag ko sa kanila.3 Nang magkagayon, nang sila'y makapagayuno na at makapanalangin at maipatong ang mga kamay nila sa kanila, ay kanilang pinayaon sila.4 Sila nga, palibhasa'y sinugo ng Espiritu Santo, ay nagsilusong sa Seleucia; at buhat doo'y nangaglayag hanggang sa Chipre.5 At nang sila'y nasasa Salamina, ay kanilang ipinangaral ang salita ng Dios sa mga sinagoga ng mga Judio: at kanila namang katulong si Juan.6 At nang kanilang matahak na ang buong pulo hanggang sa Pafos, ay nakasumpong sila ng isang manggagaway, bulaang propeta, Judio, na ang kaniyang pangalan ay Bar-Jesus;7 Na kasama ng proconsul, Sergio Paulo, lalaking matalino. Ito rin ang nagpatawag kay Bernabe at kay Saulo, at minimithing mapakinggan ang salita ng Dios.8 Datapuwa't si Elimas na manggagaway (sapagka't ganito nga ang pakahulugan sa kaniyang pangalan) ay humadlang sa kanila, na pinagsisikapang ihiwalay sa pananampalataya ang proconsul.9 Datapuwa't si Saulo, na tinatawag ding Pablo, na puspos ng Espiritu Santo, ay itinitig sa kaniya ang kaniyang mga mata,10 At sinabi, Oh puspos ng lahat ng karayaan at ng lahat ng kasamaan, ikaw na anak ng diablo, ikaw na kaaway ng lahat ng katuwiran, hindi ka baga titigil ng pagpapasama sa mga daang matuwid ng Panginoon?11 At ngayon, narito, nasa iyo ang kamay ng Panginoon, at mabubulag ka, na hindi mo makikita ang araw na kaunting panahon. At pagdaka'y nahulog sa kaniya ang isang ulap at ang isang kadiliman; at siya'y nagpalibot na humahanap ng sa kaniya'y aakay sa kamay.12 Nang magkagayon, pagkakita ng proconsul sa nangyari, ay nanampalataya, na nanggigilalas sa aral ng Panginoon.13 Nagsitulak nga sa Pafos si Pablo at ang kaniyang mga kasama, at sumadsad sa Perga ng Pamfilia: at humiwalay sa kanila si Juan at nagbalik sa Jerusalem.14 Datapuwa't sila, pagkatahak sa Perga, ay nagsidating sa Antioquia ng Pisidia; at sila'y nagsipasok sa sinagoga nang araw ng sabbath, at nagsiupo.15 At pagkatapos ng pagbasa ng kautusan at ng mga propeta, ang mga pinuno sa sinagoga ay nagpautos sa kanila, na sinasabi, Mga kapatid, kung mayroon kayong anomang iaaral sa bayan, ay mangagsalita kayo.16 At nagtindig si Pablo, at ang kamay ay ikinikiya na nagsabi, Mga lalaking taga Israel, at kayong nangatatakot sa Dios, magsipakinig kayo.17 Hinirang ng Dios nitong bayang Israel ang ating mga magulang, at pinaunlakan ang bayan nang sila'y nakipamayan sa Egipto, at sa pamamagitan ng taas at unat na kamay ay kaniyang inilabas sila roon.18 At nang panahong halos apat na pung taon, ay kaniyang binata ang mga kaugalian nila sa ilang.19 At nang maiwasak na niya ang pitong bansa sa lupaing Canaan, ay ibinigay niya sa kanila ang kanilang lupain na pinakamana, sa loob ng halos apat na raa't limangpung taon:20 At pagkatapos ng mga bagay na ito ay binigyan niya sila ng mga hukom hanggang kay Samuel na propeta.21 At pagkatapos ay nagsihingi sila ng hari: at ibinigay ng Dios sa kanila si Saul na anak ni Kis na isang lalake sa angkan ni Benjamin; sa loob ng apat na pung taon.22 At nang siya'y alisin niya, ay ibinangon niya si David upang maging hari nila; na siya rin namang pinatotohanan niya at sinabi, Nasumpungan ko si David na anak ni Jesse na isang lalaking kinalulugdan ng aking puso, na gagawa ng buong kalooban ko.23 Sa binhi ng taong ito, ayon sa pangako, ang Dios ay nagkaloob ng isang Tagapagligtas, na si Jesus;24 Noong unang ipangaral ni Juan ang bautismo ng pagsisisi sa buong bayang Israel bago siya dumating.25 At nang ginaganap na ni Juan ang kaniyang katungkulan, ay sinabi niya, Sino baga ako sa inyong akala? Hindi ako siya. Datapuwa't narito, may isang dumarating sa hulihan ko na hindi ako karapatdapat na magkalag ng mga pangyapak ng kaniyang mga paa.26 Mga kapatid, mga anak ng lahi ni Abraham, at ang mga sa inyo'y nangatatakot sa Dios, sa atin ipinadadala ang salita ng kaligtasang ito.27 Sapagka't silang nangananahan sa Jerusalem at ang mga pinuno nila, dahil sa hindi nila pagkakilala sa kaniya, ni sa mga tinig ng mga propeta na sa tuwing sabbath ay binabasa, ay kanilang tinupad ang hatol sa kaniya.28 At bagaman hindi sila nakasumpong sa kaniya ng anomang kadahilanang sukat ipatay, gayon ma'y kanilang hiningi kay Pilato na siya'y patayin.29 At nang maganap na nila ang lahat ng mga bagay na nasusulat tungkol sa kaniya, ay kanilang ibinaba siya sa punong kahoy, at inilagay siya sa isang libingan.30 Datapuwa't siya'y binuhay na maguli ng Dios sa mga patay:31 At siya'y nakitang maraming mga araw ng mga kasama niyang nagsiahon buhat sa Galilea hanggang sa Jerusalem, na siyang mga saksi niya ngayon sa bayan.32 At dinadalhan namin kayo ng mabubuting balita ng pangakong ipinangako sa mga magulang,33 Na tinupad din ng Dios sa ating mga anak nang muling buhayin niya si Jesus; gaya naman ng nasusulat sa ikalawang awit, Ikaw ay aking Anak, sa araw na ito ay naging anak kita.34 At tungkol sa muling binuhay niya, upang ngayon at kailan ma'y huwag nang magbalik sa kabulukan, ay nagsalita siya ng ganito, Ibibigay ko sa iyo ang banal at tunay na mga pagpapala ni David.35 Sapagka't sinabi rin naman niya sa ibang awit, Hindi mo ipagkakaloob na ang iyong Banal ay makakita ng kabulukan.36 Sapagka't si David, nang maipaglingkod na niya sa kaniyang sariling lahi ang pasiya ng Dios, ay natulog, at isinama sa kaniyang mga magulang, at nakakita ng kabulukan.37 Datapuwa't yaong binuhay na maguli ng Dios ay hindi nakakita ng kabulukan.38 Kaya maging hayag nawa sa inyo, mga kapatid, na sa pamamagitan ng taong ito'y ibinabalita sa inyo ang kapatawaran ng mga kasalanan:39 At sa pamamagitan niya ang bawa't nananampalataya ay inaaring ganap sa lahat ng mga bagay, na sa mga ito'y hindi kayo aariing ganap sa pamamagitan ng kautusan ni Moises.40 Magsipagingat nga kayo, na baka magsisapit sa inyo ang sinalita ng mga propeta:41 Tingnan ninyo, mga mapagwalang-halaga, at mangapagilalas kayo, at kayo'y mangaparam: Sapagka't ako'y gumagawa ng isang gawa sa inyong mga kaarawan, Isang gawang sa anomang paraa'y hindi ninyo paniniwalaan kung saysayin sa inyo ng sinoman.42 At pagalis nila, ay kanilang ipinamanhik na salitain sa kanila ang mga salitang ito sa sabbath na susunod.43 Nang makaalis nga ang kapisanan sa sinagoga, marami sa mga Judio at nangaging-Judiong masisipag sa kabanalan ay nagsisunod kay Pablo at kay Bernabe; na, sa pagsasalita sa kanila, ay sila'y hinimok na magsipanatili sa biyaya ng Dios.44 At nang sumunod na sabbath ay nagkatipon halos ang buong bayan upang pakinggan ang salita ng Dios.45 Datapuwa't nang makita ng mga Judio ang mga karamihan, ay nangapuno ng kapanaghilian, at tinutulan ang mga bagay na sinalita ni Pablo, at nagsipamusong.46 At nagsipagsalita ng buong katapangan si Pablo at si Bernabe, at nagsipagsabi, Kinakailangang salitain muna ang salita ng Dios sa inyo. Yamang inyong itinatakuwil, at hinahatulan ninyong hindi kayo karapatdapat sa walang hanggang buhay, narito, kami ay pasasa mga Gentil.47 Sapagka't ganito ang ipinagutos sa amin ng Panginoon, na sinasabi, Inilagay kitang isang ilaw ng mga Gentil, Upang ikaw ay maging sa ikaliligtas hanggang sa kahulihulihang hangganan ng lupa.48 At nang marinig ito ng mga Gentil, ay nangagalak sila, at niluwalhati ang salita ng Dios: at nagsisampalataya ang lahat ng mga itinalaga sa buhay na walang hanggan.49 At lumaganap ang salita ng Panginoon sa buong lupain.50 Datapuwa't inudyukan ng mga Judio ang mga babaing masisipag sa kabanalan na may mga kalagayang mahal, at ang mga mahal na tao sa bayan, at nangagbangon ng paguusig laban kay Pablo at kay Bernabe, at kanilang pinalayas sila sa kanilang mga hangganan.51 Datapuwa't ipinagpag nila ang alabok ng kanilang mga paa laban sa kanila, at nagsiparoon sa Iconio.52 At ang mga alagad ay nangapuspos ng kagalakan at ng Espiritu Santo.
ACTS 13
Barnabas and Saul //Are Chosen and Sent
1 The church at Antioch had several prophets and teachers. They were Barnabas, Simeon, also called Niger, Lucius from Cyrene, Manaen, who was Herod'st close friend, and Saul. 2 While they were worshiping the Lord and going without eating, t the Holy Spirit told them, “Appoint Barnabas and Saul to do the work for which I have chosen them.”
3 Everyone prayed and went without eating for a while longer. Next, they placed their hands on Barnabas and Saul to show that they had been appointed to do this work. Then everyone sent them on their way.Barnabas and Saul in Cyprus
4 After Barnabas and Saul had been sent by the Holy Spirit, they went to Seleucia. From there they sailed to the island of Cyprus.
5 They arrived at Salamis and began to preach God's message in the synagogues. They also had Johnt as a helper.
6 Barnabas and Saul went all the way to the city of Paphos on the other end of the island, where they met a Jewish man named Bar-Jesus. He practiced witchcraft and was a false prophet. 7 He also worked for Sergius Paulus, who was very smart and was the governor of the island. Sergius Paulus wanted to hear God's message, and he sent for Barnabas and Saul.
8 But Bar-Jesus, whose other name was Elymas, was against them. He even tried to keep the governor from having faith in the Lord.
9 Then Saul, better known as Paul, was filled with the Holy Spirit. He looked straight at Elymas 10 and said, “You son of the devil! You are a liar, a crook, and an enemy of everything that is right. When will you stop speaking against the true ways of the Lord?
11 The Lord is going to punish you by making you completely blind for a while.”
Suddenly the man's eyes were covered by a dark mist, and he went around trying to get someone to lead him by the hand.
12 When the governor saw what had happened, he was amazed at this teaching about the Lord. So he put his faith in the Lord.Paul and Barnabas //in Antioch of Pisidia
13 Paul and the others left Paphos and sailed to Perga in Pamphylia. But Johnt left them and went back to Jerusalem.
14 The rest of them went on from Perga to Antioch in Pisidia. Then on the Sabbath they went to the synagogue and sat down.
15 After the reading of the Law and the Prophets, t the leaders sent someone over to tell Paul and Barnabas, “Friends, if you have anything to say that will help the people, please say it.”
16 Paul got up. He motioned with his hand and said:
People of Israel, and everyone else who worships God, listen! 17 t The God of Israel chose our ancestors, and he let our people prosper while they were living in Egypt. Then with his mighty power he led them out, 18 t and for about 40 years he took care oft them in the desert. 19 t He destroyed seven nations in the land of Canaan and gave their land to our people.
20 t All this happened in about 450 years.
Then God gave our people judges until the time of the prophet Samuel, 21 t but the people demanded a king. So for 40 years God gave them King Saul, the son of Kish from the tribe of Benjamin.
22 t Later, God removed Saul and let David rule in his place. God said about him, “David the son of Jesse is the kind of person who pleases me most! He does everything I want him to do.”
23 God promised that someone from David's family would come to save the people of Israel, and this one is Jesus. 24 t But before Jesus came, John was telling everyone in Israel to turn back to God and be baptized.
25 t Then, when John's work was almost done, he said, “Who do you people think I am? Do you think I am the Promised One? He will come later, and I am not good enough to untie his sandals.”
26 Now listen, you descendants of Abraham! Pay attention, all of you Gentiles who are here to worship God! Listen to this message about how to be saved, because it is for everyone.
27 The people of Jerusalem and their leaders didn't realize who Jesus was. And they didn't understand the words of the prophets they read each Sabbath. So they condemned Jesus just as the prophets had said.
28-29 t t They did exactly what the Scriptures said they would. Even though they couldn't find any reason to put Jesus to death, they still asked Pilate to have him killed.
After Jesus had been put to death, he was taken down from the crosst and placed in a tomb. 30 But God raised him from death!
31 t Then for many days Jesus appeared to his followers who had gone with him from Galilee to Jerusalem. Now they are telling our people about him.
32 God made a promise to our ancestors. And we are here to tell you the good news
33 t that he has kept this promise to us. It is just as the second Psalm says about Jesus,
“You are my son because today
I have become your Father.”
34 t God raised Jesus from death and will never let his body decay. It is just as God said,
“I will make to you
the same holy promises
that I made to David.”
35 t And in another psalm it says, “God will never let the body of his Holy One decay.”
36 When David was alive, he obeyed God. Then after he died, he was buried in the family grave, and his body decayed.
37 But God raised Jesus from death, and his body did not decay.
38 My friends, the message is that Jesus can forgive your sins! The Law of Moses could not set you free from all your sins. 39 But everyone who has faith in Jesus is set free.
40 Make sure what the prophets have said doesn't happen to you. They said,
41 t “Look, you people
who make fun of God!
Be amazed
and disappear.
I will do something today
that you won't believe,
even if someone
tells you about it!”
42 As Paul and Barnabas were leaving the synagogue, the people begged them to say more about these same things on the next Sabbath.
43 After the service, many Jews and a lot of Gentiles who worshiped God went with them. Paul and Barnabas begged them all to remain faithful to God, who had treated them with undeserved grace.
44 The next Sabbath almost everyone in town came to hear the message about the Lord.t
45 When the Jewish people saw the crowds, they were very jealous. They insulted Paul and spoke against everything he said.
46 But Paul and Barnabas bravely said:
We had to tell God's message to you before we told it to anyone else. But you rejected the message! This proves that you don't deserve eternal life. Now we are going to the Gentiles.
47 t The Lord has given us this command,
“I have placed you here
as a light
for the Gentiles.
You are to take
the saving power of God
to people everywhere on earth.”
48 This message made the Gentiles glad, and they praised what they had heard about the Lord.t Everyone who had been chosen for eternal life then put their faith in the Lord.
49 The message about the Lord spread all over this region.
50 But the Jewish leaders went to some of the important men in the town and to some respected women who were religious. They turned them against Paul and Barnabas and started making trouble for them. They even chased them out of this part of the country.
51 t Paul and Barnabas shook the dust from that place off their feett and went on to the city of Iconium.
52 But the Lord's followers in Antioch were very happy and were filled with the Holy Spirit.