Mga Gawa 18
Sa Corinto
1 Pagkatapos, umalis si Pablo sa Atenas at nagpunta sa Corinto. 2 Natagpuan niya roon si Aquila, isang Judiong taga-Ponto. Kararating pa lamang nito mula sa Italia kasama ang kanyang asawa na si Priscila. Umalis sila roon sapagkat pinalayas ni Claudio ang lahat ng Judio sa Roma. Nakipagkita sa kanila si Pablo, 3 at dahil sila'y manggagawa ng tolda tulad niya, siya ay nakitira sa kanila, at siya'y nagtrabahong kasama nila.
4 Tuwing Araw ng Pamamahinga, si Pablo ay nakikipagpaliwanagan sa mga Judio o Griego sa sinagoga at sinisikap niyang mahikayat sa pananampalataya ang lahat.
5 Nang dumating sina Silas at Timoteo mula sa Macedonia, iniukol na ni Pablo ang buo niyang panahon sa pangangaral at pagpapatunay sa mga Judio na si Jesus ang Cristo. 6 Nang siya'y salungatin at laitin ng mga ito, ipinagpag niya ang alikabok sa kanyang damit bilang babala sa kanila. Sinabi niya, “Kasalanan na ninyo kung kayo'y mapahamak! Hindi ko na sagutin iyon! Mula ngayo'y sa mga Hentil na ako mangangaral.” 7 Kaya't umalis siya roon at tumira sa bahay ni Ticiot Justo, isang Hentil na may takot sa Diyos. Katabi ng sinagoga ang bahay nito.
8 Si Crispo, na tagapamahala ng sinagoga, at ang kanyang sambahayan ay nananalig rin sa Panginoon. Marami pang mga taga-Corinto na nakinig kay Pablo ang sumampalataya at nagpabautismo.
9 Isang gabi, sinabi ng Panginoon kay Pablo sa pamamagitan ng isang pangitain, “Huwag kang matakot! Ipagpatuloy mo ang iyong pangangaral! Anuman ang mangyari'y huwag kang titigil 10 sapagkat ako'y nasa iyo. Hindi ka maaano sapagkat marami akong tagasunod sa lunsod na ito.”
11 Tumigil nga siya roon at ipinangaral niya ang salita ng Diyos sa loob ng isang taon at kalahati.
12 Nang si Galio ay naging gobernador ng Acaya, nagsama-sama ang mga Judio sa pagdakip kay Pablo at pagdadala sa kanya sa hukuman.
13 Pagdating nila doon ay sinabi nila, “Hinihikayat ng taong ito ang mga mamamayan na sumamba sa Diyos sa isang paraang labag sa batas!”
14 Magsasalita na sana si Pablo nang sabihin ni Galio, “Kung ang usaping ito'y tungkol sa isang mabigat na pagkakasala o paglabag sa batas, makatuwirang pakinggan ko kayo. 15 Subalit ang sakdal ninyo'y tungkol lamang sa mga salita at mga pangalan, at sa kautusan ninyong mga Judio, kaya kayo na ang bahalang lumutas niyan. Ayaw kong makialam sa bagay na iyan.” 16 At sila'y pinalabas niya sa hukuman.
17 Kaya't si Sostenes na tagapamahala ng sinagoga ang sinunggaban nila at binugbog sa labas ng hukuman. Hindi naman iyon pinansin ni Galio.Ang Pagbabalik sa Antioquia
18 Pagkatapost nito, matagal pang nanatili si Pablo sa Corinto at saka nagpaalam sa mga kapatid. Pagdating sa Cencrea, nagpaahit siya ng buhok sa ulo sapagkat natupad na niya ang kanyang panata. Sumakay siya sa barkong papuntang Siria, kasama ang mag-asawang Priscila at Aquila. 19 Pagdating sa Efeso, iniwan ni Pablo ang dalawa, at siya'y pumasok sa sinagoga ng mga Judio at nakipagpaliwanagan sa mga naroon. 20 Hiniling nilang tumigil siya roon nang mahaba-habang panahon, ngunit siya'y tumanggi.
21 Sa halip, sinabi niya nang siya'y magpaalam sa kanila, “Babalik ako rito, kung loloobin ng Diyos.” Umalis siya sa Efeso na nakasakay sa isang barko.
22 Pagkababa sa Cesarea, pumunta siya sa Jerusalem at bumati sa iglesya. Pagkatapos, siya'y nagtuloy sa Antioquia.
23 Tumigil siya roon nang kaunting panahon, at pagkatapos ay muling naglakbay. Pinuntahan niya ang mga bayan sa lupain ng Galacia at Frigia, at pinatatag sa pananampalataya ang mga alagad doon.Si Apolos sa Efeso at sa Corinto
24 Dumating sa Efeso ang isang Judiong nagngangalang Apolos. Siya'y taga-Alejandria, mahusay magtalumpati at maraming alam sa Banal na Kasulatan. 25 Naturuan siya tungkol sa Daan ng Panginoon, at masigasig na nangangaral at nagtuturo nang wasto tungkol kay Jesus. Ngunit ang bautismo ni Juan lamang ang kanyang nalalaman. 26 Siya'y buong tapang na nagsasalita sa sinagoga ng mga Judio. Nang marinig ng mag-asawang Aquila at Priscila ang pagpapaliwanag ni Apolos, siya'y isinama nila sa kanilang bahay at doo'y pinaliwanagan nang mabuti tungkol sa mga bagay na hindi pa niya nalalaman tungkol sa Daan ng Diyos. 27 At nang ipasya niyang pumunta sa Acaya, sumulat sila sa mga kapatid doon upang malugod nilang tanggapin si Apolos. Pagdating doon, malaki ang naitulong niya sa mga mananampalataya dahil sa kagandahang-loob ng Diyos, 28 sapagkat walang magawâ sa kanya ang mga Judio sa kanilang pagtatalo sa harap ng madla. Sa pamamagitan ng mga Kasulatan ay pinatunayan niyang si Jesus ang Cristo.
ACTS 18
Paul in Corinth
1 Paul left Athens and went to Corinth, 2 where he met Aquila, a Jewish man from Pontus. Not long before this, Aquila had come from Italy with his wife Priscilla, because Emperor Claudius had ordered the Jewish people to leave Rome.t Paul went to see Aquila and Priscilla
3 and found out they were tent makers. Paul was also a tent maker, so he stayed with them, and they worked together.
4 Every Sabbath, Paul went to the synagogue. He spoke to Jews and Gentilest and tried to win them over. 5 But after Silas and Timothy came from Macedonia, he spent all his time preaching to the Jews about Jesus the Messiah.
6 Finally, they turned against him and insulted him. So he shook the dust from his clothest and told them, “Whatever happens to you will be your own fault! I am not to blame. From now on I am going to preach to the Gentiles.”
7 Paul then moved into the house of a man named Titius Justus, who worshiped God and lived next door to the synagogue.
8 Crispus was the leader of the synagogue. He and everyone in his family put their faith in the Lord. Many others in Corinth also heard the message, and all the people who had faith in the Lord were baptized.
9 One night, Paul had a vision, and in it the Lord said, “Don't be afraid to keep on preaching. Don't stop! 10 I am with you, and you won't be harmed. Many people in this city belong to me.”
11 Paul stayed on in Corinth for a year and a half, teaching God's message to the people.
12 While Gallio was governor of Achaia, some of the Jewish leaders got together and grabbed Paul. They brought him into court
13 and said, “This man is trying to make our people worship God in a way that is against our Law!”
14 Even before Paul could speak, Gallio said, “If you were charging this man with a crime or some other wrong, I would have to listen to you. 15 But since this concerns only words, names, and your own law, you will have to take care of it yourselves. I refuse to judge such matters.” 16 Then he sent them out of the court.
17 The crowd grabbed Sosthenes, the Jewish leader, and beat him up in front of the court. But none of this mattered to Gallio.Paul Returns to //Antioch in Syria
18 t After Paul had stayed for a while with the Lord's followers in Corinth, he told them goodbye and sailed on to Syria with Aquila and Priscilla. But before he left, he had his head shavedt at Cenchreae because he had made a promise to God.
19 The three of them arrived in Ephesus, where Paul left Priscilla and Aquila. He then went into the synagogue to talk with the people there. 20 They asked him to stay longer, but he refused.
21 He told them goodbye and said, “If God lets me, I will come back.”
22 Paul sailed to Caesarea, where he greeted the church. Then he went on to Antioch.
23 After staying there for a while, he left and visited several places in Galatia and Phrygia. He helped the followers there to become stronger in their faith.Apollos in Ephesus
24 A Jewish man named Apollos came to Ephesus. Apollos had been born in the city of Alexandria. He was a very good speaker and knew a lot about the Scriptures.
25 He also knew much about the Lord's Way, t and he spoke about it with great excitement. What he taught about Jesus was right, but all he knew was John's message about baptism.
26 Apollos started speaking bravely in the synagogue. But when Priscilla and Aquila heard him, they took him to their home and helped him understand God's Way even better.
27 Apollos decided to travel through Achaia. So the Lord's followers wrote letters, encouraging the followers there to welcome him. After Apollos arrived in Achaia, he was a great help to everyone who had put their faith in the Lord Jesus because of God's gift of undeserved grace. 28 He got into fierce arguments with the Jewish people, and in public he used the Scriptures to prove that Jesus is the Messiah.