Mga Gawa 18
1 Pagkatapos ng mga bagay na ito'y umalis siya sa Atenas, at napasa Corinto.2 At nasumpungan niya ang isang Judio na nagngangalang Aquila, isang lalaking tubo sa Ponto, na hindi pa nalalaong nanggagaling sa Italia, kasama ni Priscila na kaniyang asawa, sapagka't ipinagutos ni Claudio na ang lahat ng mga Judio ay magsialis sa Roma: at siya'y lumapit sa kanila;3 At sapagka't ang hanap-buhay niya'y gaya rin ng kanila, ay nakipanuluyan siya sa kanila, at sila'y nagsigawa: sapagka't ang hanap-buhay nila'y gumawa ng mga tolda.4 At siya'y nangangatuwiran tuwing sabbath sa sinagoga, at hinihikayat ang mga Judio at ang mga Griego.5 Datapuwa't nang si Silas at si Timoteo ay magsilusong mula sa Macedonia, si Pablo ay napilitan sa pamamagitan ng salita, na sinasaksihan sa mga Judio na si Jesus ang siyang Cristo.6 At nang sila'y magsitutol at magsipamusong, ay ipinagpag niya ang kaniyang kasuotan at sa kanila'y sinabi, Ang inyong dugo'y sumainyong sariling mga ulo: ako'y malinis: buhat ngayo'y paparoon ako sa mga Gentil.7 At siya'y umalis doon, at pumasok sa bahay ng isang lalaking nagngangalang Tito Justo, na isang sumasamba sa Dios, na ang bahay niya'y karugtong ng sinagoga.8 At si Crispo, ang pinuno sa sinagoga, ay nanampalataya sa Panginoon, pati ng buong sangbahayan niya; at marami sa mga taga Corinto na sa pakikinig ay nagsisampalataya, at pawang nangabautismuhan.9 At sinabi ng Panginoon kay Pablo nang gabi sa pangitain, Huwag kang matakot, kundi magsalita ka, at huwag kang tumahimik:10 Sapagka't ako'y sumasaiyo, at sinoma'y hindi ka madadaluhong upang saktan ka: sapagka't makapal ang mga tao ko sa bayang ito.11 At siya'y tumahan doong isang taon at anim na buwan, na itinuturo sa kanila ang salita ng Dios.12 Datapuwa't nang si Galion ay proconsul ng Acaya ang mga Judio ay nangagkaisang nangagsitindig laban kay Pablo at siya'y dinala sa harapan ng hukuman,13 Na nagsasabi, Hinihikayat ng taong ito ang mga tao upang magsisamba sa Dios laban sa kautusan.14 Datapuwa't nang bubukhin na ni Pablo ang kaniyang bibig, ay sinabi ni Galion sa mga Judio, Kung ito'y tunay na masamang gawa o mabigat na kasalanan, Oh mga Judio, may matuwid na tiisin ko kayo:15 Datapuwa't kung mga pagtatalo tungkol sa mga salita at mga pangalan at sa inyong sariling kautusan, kayo sa inyong sarili na ang bahala noon; ayaw kong maging hukom sa mga bagay na ito.16 At sila'y pinalayas niya sa hukuman.17 At hinawakan nilang lahat si Sostenes, na pinuno sa sinagoga, at siya'y hinampas sa harapan ng hukuman. At hindi man lamang pinansin ni Galion ang mga bagay na ito.18 At si Pablo, pagkatapos na makatira na roong maraming araw, ay nagpaalam sa mga kapatid, at buhat doo'y lumayag na patungo sa Siria, at kasama niya si Priscila at si Aquila: na inahit niya ang kaniyang buhok sa Cencrea; sapagka't siya'y may panata.19 At sila'y nagsidating sa Efeso, at sila'y iniwan niya doon: datapuwa't pumasok siya sa sinagoga, at nangatuwiran sa mga Judio.20 At nang siya'y pamanhikan nila na tumigil pa roon ng ilang panahon, ay hindi siya pumayag;21 Kundi nang siya'y nagpaalam sa kanila, at nagsabi, Babalik uli ako sa inyo kung loobin ng Dios, siya'y naglayag buhat sa Efeso.22 At nang makalunsad na siya sa Cesarea, ay siya'y umahon at bumati sa iglesia, at lumusong sa Antioquia.23 At nang makagugol na siya roon ng ilang panahon, ay umalis siya, at tinahak ang lupain ng Galacia, at Frigia, na sunodsunod, na pinagtitibay ang lahat ng mga alagad.24 Ngayon ang isang Judio na nagngangalang Apolos, na isang Alejandrino sa lahi, at taong marikit mangusap, ay dumating sa Efeso; at siya'y makapangyarihan ukol sa mga kasulatan.25 Ang taong ito'y tinuruan sa daan ng Panginoon; at palibhasa'y may maningas na espiritu, ay kaniyang sinalita at itinurong maingat ang mga bagay na tungkol kay Jesus, na ang naalaman lamang ay ang bautismo ni Juan:26 At siya'y nagpasimulang magsalita ng buong tapang sa sinagoga. Datapuwa't nang siya'y marinig ni Priscila at ni Aquila, ay kanilang isinama siya, at isinaysay sa kaniya ang daan ng Panginoon ng lalong maingat.27 At nang ibig niyang lumipat sa Acaya, ay pinalakas ng mga kapatid ang kaniyang loob at sila'y nagsisulat sa mga alagad na siya'y tanggapin: at nang siya'y dumating doon, ay lubos na tumulong siya sa mga nagsisampalataya sa pamamagitan ng biyaya;28 Sapagka't may kapangyarihang dinaig niya ang mga Judio, at hayag, na ipinakilala sa pamamagitan ng mga kasulatan na si Jesus ay ang Cristo.
ACTS 18
Paul in Corinth
1 Paul left Athens and went to Corinth, 2 where he met Aquila, a Jewish man from Pontus. Not long before this, Aquila had come from Italy with his wife Priscilla, because Emperor Claudius had ordered the Jewish people to leave Rome.t Paul went to see Aquila and Priscilla
3 and found out they were tent makers. Paul was also a tent maker, so he stayed with them, and they worked together.
4 Every Sabbath, Paul went to the synagogue. He spoke to Jews and Gentilest and tried to win them over. 5 But after Silas and Timothy came from Macedonia, he spent all his time preaching to the Jews about Jesus the Messiah.
6 Finally, they turned against him and insulted him. So he shook the dust from his clothest and told them, “Whatever happens to you will be your own fault! I am not to blame. From now on I am going to preach to the Gentiles.”
7 Paul then moved into the house of a man named Titius Justus, who worshiped God and lived next door to the synagogue.
8 Crispus was the leader of the synagogue. He and everyone in his family put their faith in the Lord. Many others in Corinth also heard the message, and all the people who had faith in the Lord were baptized.
9 One night, Paul had a vision, and in it the Lord said, “Don't be afraid to keep on preaching. Don't stop! 10 I am with you, and you won't be harmed. Many people in this city belong to me.”
11 Paul stayed on in Corinth for a year and a half, teaching God's message to the people.
12 While Gallio was governor of Achaia, some of the Jewish leaders got together and grabbed Paul. They brought him into court
13 and said, “This man is trying to make our people worship God in a way that is against our Law!”
14 Even before Paul could speak, Gallio said, “If you were charging this man with a crime or some other wrong, I would have to listen to you. 15 But since this concerns only words, names, and your own law, you will have to take care of it yourselves. I refuse to judge such matters.” 16 Then he sent them out of the court.
17 The crowd grabbed Sosthenes, the Jewish leader, and beat him up in front of the court. But none of this mattered to Gallio.Paul Returns to //Antioch in Syria
18 t After Paul had stayed for a while with the Lord's followers in Corinth, he told them goodbye and sailed on to Syria with Aquila and Priscilla. But before he left, he had his head shavedt at Cenchreae because he had made a promise to God.
19 The three of them arrived in Ephesus, where Paul left Priscilla and Aquila. He then went into the synagogue to talk with the people there. 20 They asked him to stay longer, but he refused.
21 He told them goodbye and said, “If God lets me, I will come back.”
22 Paul sailed to Caesarea, where he greeted the church. Then he went on to Antioch.
23 After staying there for a while, he left and visited several places in Galatia and Phrygia. He helped the followers there to become stronger in their faith.Apollos in Ephesus
24 A Jewish man named Apollos came to Ephesus. Apollos had been born in the city of Alexandria. He was a very good speaker and knew a lot about the Scriptures.
25 He also knew much about the Lord's Way, t and he spoke about it with great excitement. What he taught about Jesus was right, but all he knew was John's message about baptism.
26 Apollos started speaking bravely in the synagogue. But when Priscilla and Aquila heard him, they took him to their home and helped him understand God's Way even better.
27 Apollos decided to travel through Achaia. So the Lord's followers wrote letters, encouraging the followers there to welcome him. After Apollos arrived in Achaia, he was a great help to everyone who had put their faith in the Lord Jesus because of God's gift of undeserved grace. 28 He got into fierce arguments with the Jewish people, and in public he used the Scriptures to prove that Jesus is the Messiah.