Mga Gawa 19
Si Pablo sa Efeso
1 Habang nasa Corinto si Apolos, tinahak naman ni Pablo ang mga dakong bulubundukin ng lalawigan hanggang sa siya'y makarating sa Efeso. Natagpuan niya roon ang ilang alagad
2 at sila'y tinanong niya, “Tinanggap ba ninyo ang Espiritu Santo nang kayo'y sumampalataya?”
“Hindi po, ni hindi namin narinig na may Espiritu Santo pala,” tugon nila.
3 “Kung gayon, sa ano kayo nabautismuhan?” tanong niya.
“Sa bautismo ni Juan,” tugon naman nila.
4 Kaya'tt sinabi ni Pablo, “Binautismuhan ni Juan ang mga tumatalikod sa kasalanan. Ipinangaral niya ang pagsisisi sa mga Israelita upang sila'y sumampalataya kay Jesus, ang dumarating na kasunod niya.”
5 Nang marinig nila iyon, nagpabautismo sila sa pangalan ng Panginoong Jesus. 6 Nang ipatong ni Pablo ang kanyang kamay sa kanila, bumabâ ang Espiritu Santo at sila'y nagsalita ng iba't ibang wika at nagpahayag ng mensaheng mula sa Diyos.
7 Humigit-kumulang sa labindalawang lalaki ang nagpabautismo.
8 Sa loob ng tatlong buwan, si Pablo'y pumapasok sa sinagoga at buong tapang na nagpapaliwanag sa mga naroon at hinihikayat niya ang mga tao na magpasakop sa paghahari ng Diyos.
9 Ngunit may ilan sa kanila na nagmamatigas at ayaw sumampalataya, at nagsasalita pa sila ng masama laban sa Daan sa harap ng kapulungan. Kaya't iniwan ni Pablo ang sinagoga kasama ang mga mananampalataya at nagpatuloy ng kanyang pangangaral araw-araw sa paaralan ni Tirano.
10 Tumagal siya roon nang dalawang taon, kaya't ang lahat ng naninirahan sa Asia, maging Judio o Griego ay nakarinig ng salita ng Panginoon.Ang mga Anak ni Esceva
11 Gumagawa roon ang Diyos ng mga pambihirang himala sa pamamagitan ni Pablo.
12 Kahit panyo o damit na kanyang ginamit ay dinadala sa mga maysakit. Gumagaling naman ang mga ito at lumalayas ang masasamang espiritung nagpapahirap sa kanila.
13 May ilang Judio roon na naglilibot at nagpapalayas ng masasamang espiritu. Pinapangahasan nilang gamitin ang pangalan ng Panginoong Jesus sa pagpapalayas ng masasamang espiritu sa mga sinasapian ng mga ito. Sinasabi nila, “Sa pangalan ni Jesus na ipinapangaral ni Pablo, iniuutos ko sa inyo, lumabas kayo.”
14 Kabilang sa gumagawa nito ay ang pitong anak na lalaki ni Esceva, isang pinakapunong pari ng mga Judio.
15 Subalit sinagot sila ng masamang espiritu, “Kilala ko si Jesus, kilala ko rin si Pablo, ngunit sino ba kayo?”
16 At sila'y nilundag ng lalaking sinasapian ng masamang espiritu, tinalo silang lahat at malubhang sinaktan, anupa't hubad at sugatan silang tumakas sa bahay na iyon.
17 Nabalitaan iyon ng lahat ng naninirahan sa Efeso, maging Judio o Griego, kaya't natakot silang lahat at pinuri ang pangalan ng Panginoong Jesus. 18-19 Marami sa mga sumampalataya ang dumating at nagpahayag na sila ay nangkukulam. Tinipon nila ang kanilang mga aklat at sinunog ang mga ito sa harap ng madla. Sa kabuuan, ang halaga ng mga ito ay umabot sa limampung libong salaping pilak.
20 Kaya't sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Panginoon, patuloy na lumaganap at nagtagumpay ang kanyang salita.Ang Kaguluhan sa Efeso
21 Pagkatapos ng mga pangyayaring ito, sa patnubay ng Espiritu, nagpasya si Pablo na maglakbay sa Macedonia at Acaya papuntang Jerusalem. “Kailangan ko ring pumunta sa Roma pagkagaling sa Jerusalem,” sabi niya.
22 Pinauna niya sa Macedonia sina Timoteo at Erasto, dalawa sa kanyang mga kamanggagawa, at siya'y tumigil sa Asia nang kaunti pang panahon.
23 Nang panahong iyon ay nagkaroon ng isang malaking kaguluhan dahil sa Daan ng Panginoon. 24 May isang platerong nagngangalang Demetrio, na gumagawa ng maliliit na templong pilak ng kanilang diyosang si Artemis,t at ito'y pinagkakakitaan nang malaki. 25 Tinipon niya ang kanyang mga manggagawa at ang iba pang mga taong ganito rin ang hanapbuhay. Sinabi niya, “Mga kasama, alam ninyong sa gawaing ito nagmumula ang ating masaganang pamumuhay. 26 Nakikita ninyo't naririnig kung ano ang ginagawa ng Pablong iyan. Sinasabi niyang ang mga diyos na ginawa ng kamay ng tao ay hindi raw diyos, at marami siyang napapaniwala, hindi lamang dito sa Efeso kundi sa buong Asia.
27 Nanganganib na magkaroon ng masamang pangalan ang ating hanapbuhay. Ang templo ng dakilang diyosang si Artemis ay mawawalan ng kabuluhan. Pati na ang dakilang diyosa na sinasamba ng Asia at ng buong daigdig ay hindi na igagalang.”
28 Pagkarinig nito, nagsiklab ang kanilang galit at sila'y nagsigawan, “Dakila si Artemis ng mga taga-Efeso!” 29 Kaya't nagkagulo ang mga tao sa buong lunsod; kinaladkad nila sina Gaius at Aristarco, mga taga-Macedoniang kasama ni Pablo sa paglalakbay, at sama-sama silang sumugod sa tanghalan. 30 Nais sana ni Pablong humarap sa madla, ngunit hindi siya pinayagan ng mga kapatid. 31 Nagpasugo rin sa kanya ang ilang kaibigang mga pinuno sa lalawigang Asia. Mahigpit siyang pinakiusapang huwag pumunta sa tanghalan. 32 Magulung-magulo ang kapulungan; may sumisigaw ng isang bagay, at ang iba'y iba naman. Hindi alam ng karamihan kung bakit sila nagkakatipun-tipon doon. 33 Inakala ng ilang naroon na si Alejandro ang dahilan sapagkat siya ang ibinungad ng mga Judio sa madla. Sumenyas si Alejandro sa mga tao na tumahimik upang siya'y makapagpaliwanag.
34 Subalit nang makilala nilang siya'y isang Judio, sabay-sabay silang sumigaw sa loob ng dalawang oras, “Dakila si Artemis ng mga taga-Efeso!”
35 Sa wakas dumating ang punong-bayan at pinatahimik ang mga tao. At kanyang sinabi, “Mga taga-Efeso! Sino ba ang hindi nakakaalam na ang lunsod ng Efeso ang siyang tagapag-ingat ng templo ng dakilang Artemis? Sinong hindi nakakaalam na ang banal na batong ito ay mula sa langit? 36 Hindi maaaring pabulaanan ninuman ang mga bagay na ito. Kaya't huminahon kayo! Huwag kayong magpabigla-bigla. 37 Hindi naman nagnanakaw sa templo ang mga taong dinala ninyo rito. Hindi rin nila nilalait ang ating diyosa. 38 Kung si Demetrio at ang mga platerong kasama niya ay may reklamo laban sa kaninuman, bukás ang mga hukuman, at may mga hukom tayo. Doon sila magsakdal. 39 Ngunit kung may iba pa kayong habol, maaaring pag-usapan iyan sa isang pangkalahatang pagpupulong ng mga mamamayan, ayon sa batas. 40 Dahil sa nangyari ngayong araw na ito, maaaring maparatangan tayo na nanggugulo sa bayan. Walang sapat na dahilan o katuwiran ang kaguluhang ito.” 41 Pagkatapos, pinauwi na ng punong-bayan ang mga tao.
ACTS 19
Paul in Ephesus
1 While Apollos was in Corinth, Paul traveled across the hill country to Ephesus, where he met some of the Lord's followers.
2 He asked them, “When you put your faith in Jesus, were you given the Holy Spirit?”
“No!” they answered. “We have never even heard of the Holy Spirit.”
3 “Then why were you baptized?” Paul asked.
They answered, “Because of what John taught.”t
4 t Paul replied, “John baptized people so they would turn to God. But he also told them someone else was coming, and they should put their faith in him. Jesus is the one that John was talking about.” 5 After the people heard Paul say this, they were baptized in the name of the Lord Jesus. 6 Then Paul placed his hands on them. The Holy Spirit was given to them, and they spoke unknown languages and prophesied.
7 There were about twelve men in this group.
8 For three months Paul went to the synagogue and talked bravely with the people about God's kingdom. He tried to win them over, 9 but some of them were stubborn and refused to believe. In front of everyone they said terrible things about God's Way. Paul left and took the followers with him to the lecture hall of Tyrannus. He spoke there every day
10 for two years, until every Jew and Gentilet in Asia had heard the Lord's message.The Sons of Sceva
11 God gave Paul the power to work great miracles.
12 People even took handkerchiefs and aprons that had touched Paul's body, and they carried them to everyone who was sick. All of the sick people were healed, and the evil spirits went out.
13 Some Jewish men started going around trying to force out evil spirits by using the name of the Lord Jesus. They said to the spirits, “Come out in the name of that same Jesus that Paul preaches about!”
14 Seven sons of a high priest named Sceva were doing this, 15 when an evil spirit said to them, “I know Jesus! And I have heard about Paul. But who are you?”
16 Then the man with the evil spirit jumped on them and beat them up. They ran out of the house, naked and bruised.
17 When the Jews and Gentilest in Ephesus heard about this, they were so frightened that they praised the name of the Lord Jesus. 18 Many who were followers now started telling everyone about the evil things they had been doing. 19 Some who had been practicing witchcraft even brought their books and burned them in public. These books were worth about 50,000 silver coins.
20 So the Lord's message spread and became even more powerful.The Riot in Ephesus
21 After all this had happened, Paul decidedt to visit Macedonia and Achaia on his way to Jerusalem. Paul had said, “From there I will go on to Rome.”
22 So he sent his two helpers, Timothy and Erastus, to Macedonia. But he stayed on in Asia for a while.
23 At that time there was serious trouble because of the Lord's Way.t 24 A silversmith named Demetrius had a business that made silver models of the temple of the goddess Artemis. Those who worked for him earned a lot of money.
25 Demetrius brought together everyone who was in the same business and said:
Friends, you know we make a good living at this. 26 But you have surely seen and heard how this man Paul is upsetting a lot of people, not only in Ephesus, but almost everywhere in Asia. He claims that the gods we humans make are not really gods at all.
27 Everyone will start saying terrible things about our business. They will stop respecting the temple of the goddess Artemis, who is worshiped in Asia and all over the world. Our great goddess will be forgotten!
28 When the workers heard this, they got angry and started shouting, “Great is Artemis, the goddess of the Ephesians!”
29 Soon the whole city was in a riot, and some men grabbed Gaius and Aristarchus, who had come from Macedonia with Paul. Then everyone in the crowd rushed to the place where the town meetings were held.
30 Paul wanted to go out and speak to the people, but the Lord's followers would not let him.
31 A few of the local officials were friendly to Paul, and they sent someone to warn him not to go.
32 Some of the people in the meeting were shouting one thing, and others were shouting something else. Everyone was completely confused, and most of them did not even know why they were there.
33 Several of the Jewish leaders pushed a man named Alexander to the front of the crowd and started telling him what to say. He motioned with his hand and tried to explain what was going on.
34 But when the crowd saw that he was Jewish, they all shouted for two hours, “Great is Artemis, the goddess of the Ephesians!”
35 Finally, a town official made the crowd be quiet. Then he said:
People of Ephesus, who in the world doesn't know that our city is the center for worshiping the great goddess Artemis? Who doesn't know that her image which fell from heaven is right here? 36 No one can deny this, and so you should calm down and not do anything foolish.
37 You have brought men in here who have not robbed temples or spoken against our goddess.
38 If Demetrius and his workers have a case against these men, we have courts and judges. Let them take their complaints there. 39 But if you want to do more than that, the matter will have to be brought before the city council.
40 We could easily be accused of starting a riot today. There is no excuse for it! We cannot even give a reason for this uproar.
41 After saying this, he told the people to leave.