Mga Gawa 2
1 At nang dumating nga ang araw ng Pentecostes, silang lahat ay nangagkakatipon sa isang dako.2 At biglang dumating mula sa langit ang isang ugong na gaya ng sa isang humahagibis na hanging malakas, at pinuno ang buong bahay na kanilang kinauupuan.3 At sa kanila'y may napakitang mga dilang kawangis ng apoy, na nagkabahabahagi; at dumapo sa bawa't isa sa kanila.4 At silang lahat ay nangapuspos ng Espiritu Santo, at nangagpasimulang magsalita ng iba't ibang wika, ayon sa ipinagkakaloob ng Espiritu na kanilang salitain.5 May mga nagsisitahan nga sa Jerusalem na mga Judio, mga lalaking religioso, na buhat sa bawa't bansa sa ilalim ng langit.6 At nang marinig ang ugong na ito, ay nangagkatipon ang karamihan, at nangamaang, sapagka't sa kanila'y narinig ng bawa't isa na sinasalita ang kaniyang sariling wika.7 At silang lahat ay nangagtaka at nagsipanggilalas, na nangagsasabi, Narito, hindi baga mga Galileong lahat ang mga nagsisipagsalitang ito?8 At bakit nga naririnig ng bawa't isa sa atin, ang ating sariling wikang kinamulatan?9 Tayong mga Parto, at mga Medo, at mga Elamita, at ang nangananahan sa Mesapotamia, sa Judea, at sa Capadocia, sa Ponto at sa Asia,10 Sa Frigia at Pamfilia, sa Egipto at sa mga sakop ng Libia na karatig ng Cirene at mga nakikipamayang galing sa Roma, mga Judio, at gayon din ang mga naging Judio,11 Mga Cretense at mga Arabe, ay nangaririnig nating nagsisipagsalita sila sa ating mga wika ng mga makapangyarihang gawa ng Dios.12 At silang lahat ay nangagtaka at nangalito, na sinasabi ng isa sa isa, Anong kahulugan nito?13 Datapuwa't ang mga iba'y nanganglilibak na nangagsabi, Sila'y puno ng bagong alak.14 Datapuwa't pagtindig ni Pedro na kasama ang labingisa, ay itinaas ang kaniyang tinig, at sa kanila'y nagsaysay, na sinasabing, Kayong mga lalaking taga Judea, at kayong lahat na nangananahan sa Jerusalem, mangaalaman nawa ninyong lahat ito, at inyong pakinggan ang aking mga salita.15 Sapagka't ang mga ito'y hindi mga lasing, na gaya ng inyong inaakala; yamang ngayo'y oras na ikatlo lamang ng araw;16 Datapuwa't ito'y yaong sinalita na sa pamamagitan ng propeta Joel:17 At mangyayari sa mga huling araw, sabi ng Dios, Na ibubuhos ko ang aking Espiritu sa lahat ng laman: At ang inyong mga anak na lalake at babae ay manganghuhula, At ang inyong mga binata ay mangakakakita ng mga pangitain, Ang inyong mga matatanda ay magsisipanaginip ng mga panaginip:18 Oo't sa aking mga lingkod na lalake at sa aking mga lingkod na babae, sa mga araw na yaon Ibubuhos ko ang aking Espiritu; at magsisipanghula sila.19 At magpapakita ako ng mga kababalaghan sa langit sa itaas, At mga tanda sa lupa sa ibaba, Dugo, at apoy, at singaw ng usok:20 Ang araw ay magiging kadiliman, At ang buwan ay dugo, Bago dumating ang araw ng Panginoon, Yaong araw na dakila at tangi:21 At mangyayari na ang sinomang tumawag sa pangalan ng Panginoon, ay maliligtas.22 Kayong mga lalaking taga Israel, pakinggan ninyo ang mga salitang ito: Si Jesus na taga Nazaret, lalaking pinatunayan ng Dios sa inyo sa pamamagitan ng mga gawang makapangyarihan at mga kababalaghan at mga tanda na ginawa ng Dios sa pamamagitan niya sa gitna ninyo, gaya rin ng nalalaman ninyo;23 Siya, na ibinigay sa takdang pasiya at paunang kaalaman ng Dios, kayo sa pamamagitan ng mga kamay ng mga tampalasan ay inyong ipinako sa krus at pinatay:24 Na siya'y binuhay na maguli ng Dios, pagkaalis sa mga hirap ng kamatayan: sapagka't hindi maaari na siya'y mapigilan nito.25 Sapagka't sinasabi ni David tungkol sa kaniya, Nakita kong lagi ang Panginoon sa aking harapan; Sapagka't siya'y nasa aking kanang kamay, upang huwag akong makilos:26 Dahil dito'y nagalak ang aking puso, at natuwa ang aking dila; Pati naman ang aking laman ay mananahan sa pagasa:27 Sapagka't hindi mo iiwan ang kaluluwa ko sa Hades, Ni titiisin man na ang iyong Banal ay makakita ng kabulukan.28 Ipinakilala mo sa akin ang mga daan ng buhay; Pupuspusin mo ako ng kagalakan sa harap ng iyong mukha.29 Mga kapatid, malayang masasabi ko sa inyo ang tungkol sa patriarkang si David, na siya'y namatay at inilibing, at nasa atin ang kaniyang libingan hanggang sa araw na ito.30 Palibhasa nga'y isang propeta, at sa pagkaalam na may panunumpang isinumpa ng Dios sa kaniya, na sa bunga ng kaniyang baywang ay iluluklok niya ang isa sa kaniyang luklukan;31 Palibhasa'y nakikita na niya ito, ay nagsalita tungkol sa pagkabuhay na maguli ng Cristo, na siya'y hindi pinabayaan sa Hades, ni ang kaniya mang katawan ay hindi nakakita ng kabulukan.32 Ang Jesus na ito'y binuhay na maguli ng Dios, at tungkol dito'y mga saksi kaming lahat.33 Palibhasa nga'y pinarangal ng kanang kamay ng Dios, at tinanggap na sa Ama ang pangako ng Espiritu Santo, ay ibinuhos niya ito, na inyong nakikita at naririnig.34 Sapagka't hindi umakyat si David sa mga langit; datapuwa't siya rin ang nagsabi, Sinabi ng Panginoon sa aking Panginoon; Maupo ka sa kanan ko,35 Hanggang sa gawin ko ang mga kaaway mo na tuntungan ng iyong mga paa.36 Pakatalastasin nga ng buong angkan ni Israel, na ginawa ng Dios na Panginoon at Cristo itong si Jesus na inyong ipinako sa krus.37 Nang marinig nga nila ito, ay nangasaktan ang kanilang puso, at sinabi kay Pedro at sa ibang mga apostol, Mga kapatid, anong gagawin namin?38 At sinabi sa kanila ni Pedro, Mangagsisi kayo, at mangagbautismo ang bawa't isa sa inyo sa pangalan ni Jesucristo sa ikapagpapatawad ng inyong mga kasalanan; at tatanggapin ninyo ang kaloob ng Espiritu Santo.39 Sapagka't sa inyo ang pangako, at sa inyong mga anak, at sa lahat ng nangasa malayo, maging ilan man ang tawagin ng Panginoon nating Dios sa kaniya.40 At sa iba pang maraming salita ay nagpatotoo siya, at nangaral sa kanila, na sinasabi, Magsiligtas kayo sa likong lahing ito.41 Yaon ngang nagsitanggap ng kaniyang salita ay nangabautismuhan: at nangaparagdag sa kanila nang araw na yaon ang may tatlong libong kaluluwa.42 At sila'y nagsipanatiling matibay sa turo ng mga apostol at sa pagsasamasama, sa pagpuputolputol ng tinapay at sa mga pananalangin.43 At ang takot ay dumating sa bawa't kaluluwa: at ginawa ang maraming kababalaghan at tanda sa pamamagitan ng mga apostol.44 At ang lahat ng mga nagsisampalataya ay nangagkakatipon, at lahat nilang pag-aari ay sa kalahatan;45 At ipinagbili nila ang kanilang mga pag-aari at kayamanan, at ipinamahagi sa lahat, ayon sa pangangailangan ng bawa't isa.46 At araw-araw sila'y nagsisipanatiling matibay sa pagkakaisa sa templo, at sa pagpuputolputol ng tinapay sa bahay-bahay, at nagsisikain sila ng kanilang pagkain na may galak at may katapatan ng puso.47 Na nangagpupuri sa Dios, at nangagtatamo ng paglingap ng buong bayan. At idinaragdag sa kanila ng Panginoon araw-araw yaong nangaliligtas.
ACTS 2
The Coming of the Holy Spirit
1 t On the day of Pentecostt all the Lord's followers were together in one place. 2 Suddenly there was a noise from heaven like the sound of a mighty wind! It filled the house where they were meeting. 3 Then they saw what looked like fiery tongues moving in all directions, and a tongue came and settled on each person there.
4 The Holy Spirit took control of everyone, and they began speaking whatever languages the Spirit let them speak.
5 Many religious Jews from every country in the world were living in Jerusalem. 6 And when they heard this noise, a crowd gathered. But they were surprised, because they were hearing everything in their own languages.
7 They were excited and amazed, and said:
Don't all these who are speaking come from Galilee? 8 Then why do we hear them speaking our very own languages? 9 Some of us are from Parthia, Media, and Elam. Others are from Mesopotamia, Judea, Cappadocia, Pontus, Asia, 10 Phrygia, Pamphylia, Egypt, parts of Libya near Cyrene, Rome,
11 Crete, and Arabia. Some of us were born Jews, and others of us have chosen to be Jews. Yet we all hear them using our own languages to tell the wonderful things God has done.
12 Everyone was excited and confused. Some of them even kept asking each other, “What does all this mean?”
13 Others made fun of the Lord's followers and said, “They are drunk.”Peter Speaks to the Crowd
14 Peter stood with the eleven apostles and spoke in a loud and clear voice to the crowd:
Friends and everyone else living in Jerusalem, listen carefully to what I have to say! 15 You are wrong to think that these people are drunk. After all, it is only nine o'clock in the morning.
16 But this is what God told the prophet Joel to say,
17 t “When the last days come,
I will give my Spirit
to everyone.
Your sons and daughters
will prophesy.
Your young men
will see visions,
and your old men
will have dreams.
18 In those days I will give
my Spirit to my servants,
both men and women,
and they will prophesy.
19 I will work miracles
in the sky above
and wonders
on the earth below.
There will be blood and fire
and clouds of smoke.
20 The sun will turn dark,
and the moon
will be as red as blood
before the great
and wonderful day
of the Lord appears.
21 Then the Lord
will save everyone
who asks for his help.”
22 Now, listen to what I have to say about Jesus from Nazareth. God proved he sent Jesus to you by having him work miracles, wonders, and signs. All of you know this. 23 t God had already planned and decided that Jesus would be handed over to you. So you took him and had evil men put him to death on a cross. 24 t But God set him free from death and raised him to life. Death could not hold him in its power.
25 t What David said are really the words of Jesus,
“I always see the Lord
near me,
and I will not be afraid
with him at my right side.
26 Because of this,
my heart will be glad,
my words will be joyful,
and I will live in hope.
27 The Lord won't leave me
in the grave.
I am his holy one,
and he won't let
my body decay.
28 He has shown me
the path to life,
and he makes me glad
by being near me.”
29 My friends, it is right for me to speak to you about our ancestor David. He died and was buried, and his tomb is still here.
30 t But David was a prophet, and he knew that God had made a promise he would not break. He had told David someone from his own family would someday be king.
31 David knew this would happen, and so he told us Christ would be raised to life. He said God would not leave him in the grave or let his body decay.
32 All of us can tell you that God has raised Jesus to life!
33 Jesus was taken up to sit at the right sidet of God, and he was given the Holy Spirit, just as the Father had promised. Jesus is also the one who has given the Spirit to us, and this is what you are now seeing and hearing.
34 t David didn't go up to heaven. So he wasn't talking about himself when he said, “The Lord told my Lord to sit at his right side, 35 until he made my Lord's enemies into a footstool for him.”
36 Everyone in Israel should then know for certain that God has made Jesus both Lord and Christ, even though you put him to death on a cross.
37 When the people heard this, they were very upset. They asked Peter and the other apostles, “Friends, what should we do?”
38 Peter said to them, “Turn to God and be baptized, every one of you, in the name of Jesus Christ for the forgiveness of your sins, and you will receive the gift of the Holy Spirit.
39 This promise is for you and your children. It is for everyone our Lord God will choose, no matter where they live.”
40 Peter told them many other things as well. Then he said, “I beg you to save yourselves from what will happen to all these evil people.” 41 On that day about 3,000 believed his message and were baptized.
42 They spent their time learning from the apostles, and they were like family to each other. They also broke breadt and prayed together.Life among the Lord's Followers
43 Everyone was amazed by the many miracles and wonders that the apostles worked. 44 t All the Lord's followers often met together, and they shared everything they had. 45 They would sell their property and possessions and give the money to whoever was in need. 46 Day after day they met together in the temple. They broke breadt together in different homes and shared their food happily and freely, 47 while praising God. Everyone liked them, and each day the Lord added to their group others who were being saved.