Mga Gawa 5
Si Ananias at si Safira
1 Mayroon namang mag-asawa na nagbenta rin ng kanilang ari-arian; Ananias ang pangalan ng lalaki at Safira naman ang babae. 2 Subalit nagsabwatan ang dalawa at hindi ibinigay ni Ananias sa mga apostol ang buong pinagbilhan. 3 Kaya't sinabi ni Pedro, “Ananias, bakit ka nagpadala kay Satanas at nagsinungaling ka sa Espiritu Santo? Bakit mo binawasan ang pinagbilhan mo ng lupa?
4 Bago mo ipinagbili ang lupa, hindi ba iyo iyon? At nang maipagbili na, hindi ba iyo rin ang pinagbilhan? Bakit mo naisipang gawin iyon? Hindi ka sa tao nagsinungaling kundi sa Diyos.”
5 Nangt marinig ito ni Ananias, siya'y patay na bumagsak, at lahat ng nakabalita sa pangyayaring iyon ay pinagharian ng matinding takot.
6 Lumapit ang ilang binata, binalot ang bangkay, at siya'y inilibing.
7 Pagkaraan ng may tatlong oras, dumating naman ang kanyang asawa na walang kamalay-malay sa nangyari.
8 Kinausap siya ni Pedro, “Sabihin mo sa akin, ito nga ba lamang ang kabuuang halagang pinagbilhan ninyo ng inyong lupa?”
“Oo, iyan lamang,” sagot ng babae.
9 Kaya't sinabi sa kanya ni Pedro, “Bakit nagkaisa kayong subukin ang Espiritu ng Panginoon? Hayan! Kadarating pa lamang ng mga naglibing sa iyong asawa, at ikaw naman ngayon ang isusunod nilang ilibing!”
10 Noon di'y nabuwal si Safira sa paanan ni Pedro at namatay. Pagpasok ng mga binata, nakita nilang patay na siya kaya't inilibing siya sa tabi ng kanyang asawa. 11 Nakadama ng matinding takot ang buong iglesya at ang lahat ng nakabalita nito.
12 Maraming himalang ginawa ang mga apostol, na pawang nasaksihan ng mga tao.Ang Pagpapagaling sa mga Maysakit
Sa Portiko ni Solomon nagtitipon ang mga mananampalataya, 13 ngunit natatakot sumama sa kanila ang mga di mananampalataya, kahit na humahanga ang mga ito sa kanila. 14 Samantala, parami nang parami ang mga lalaki at babaing nananalig sa Panginoon. 15 Dinadala sa mga lansangan ang mga maysakit at inilalagay sa mga papag at banig upang pagdaan ni Pedro ay matamaan man lamang ng kanyang anino ang ilan sa kanila.
16 Dumating din ang maraming tao mula sa mga karatig-bayan ng Jerusalem, dala ang kanilang mga maysakit at mga pinapahirapan ng masasamang espiritu; at gumaling silang lahat.Ang Pag-uusig sa mga Apostol
17 Nainggit sa mga apostol ang pinakapunong pari at ang mga kasamahan niyang Saduseo, kaya't kumilos sila. 18 Dinakip nila ang mga apostol at ibinilanggo. 19 Ngunit kinagabiha'y binuksan ng isang anghel ng Panginoon ang bilangguan at inilabas ang mga apostol. Sinabi nito sa kanila, 20 “Pumunta kayo sa Templo at ipahayag sa tao ang buong mensahe tungkol sa bagong pamumuhay na ito.”
21 Kaya nang mag-uumaga na, pumasok sa Templo ang mga apostol at nagturo sa mga tao.
Nagtipon naman ang pinakapunong pari at ang kanyang mga kasamahan, at tumawag ng pangkalahatang pulong ng buong Sanedrin. Ipinakuha nila sa bilangguan ang mga apostol, 22 ngunit ang mga ito ay wala na nang dumating doon ang mga kawal kaya't nagbalik sila sa Sanedrin at nag-ulat, 23 “Nakita po namin na nakasusing mabuti ang pintuan ng bilangguan at nakatayo roon ang mga bantay. Ngunit nang buksan namin, wala kaming nakitang tao sa loob!”
24 Nang marinig ito, nabahala ang mga punong pari at ang kapitan ng mga bantay sa Templo. Hindi nila maubos-maisip kung ano ang nangyari sa mga apostol.
25 Siya namang pagdating ng isang taong ganito ang sabi, “Tingnan po ninyo, ang mga lalaking ipinakulong ninyo ay naroon sa Templo at nagtuturo sa mga tao.”
26 Kaya't pumunta sa Templo ang kapitan, kasama ang kanyang mga tauhan. Isinama nila ang mga apostol, ngunit hindi sila gumamit ng dahas sa pangambang baka sila pagbabatuhin ng mga tao.
27 Iniharap nila sa Sanedrin ang mga apostol at siniyasat sila ng pinakapunong pari. 28 Sinabit niya, “Hindi ba't mahigpit namin kayong pinagbawalang mangaral sa pangalan ng Jesus na iyan? Ngunit tingnan ninyo ang inyong ginawa! Laganap na sa Jerusalem ang inyong itinuturo at nais pa ninyo kaming papanagutin sa pagkamatay ng taong iyan!” 29 Sumagot si Pedro at ang ibang mga apostol, “Sa Diyos kami dapat sumunod, at hindi sa tao. 30 Ang Diyos ng ating mga ninuno ang muling bumuhay kay Jesus na pinatay ninyo nang siya'y inyong ipapako sa krus. 31 Iniakyat siya ng Diyos sa kanyang kanan bilang Tagapanguna at Tagapagligtas, upang bigyan ang mga Israelita ng pagkakataong magsisi at tumalikod sa kasalanan, at nang sa gayon ay magkamit sila ng kapatawaran.
32 Saksi kami sa mga bagay na ito, kami at ang Espiritu Santo na ipinagkaloob ng Diyos sa mga sumusunod sa kanya.”
33 Nagngitngit sa galit ang mga bumubuo ng Sanedrin nang marinig ito, at nais nilang ipapatay ang mga apostol. 34 Ngunit tumayo ang isa sa kanila na ang pangalan ay Gamaliel, isang Pariseong guro ng Kautusan at iginagalang ng buong bayan. Iniutos niyang ilabas muna ang mga apostol, 35 at pagkatapos ay nagsalita, “Mga kababayan, isipin ninyong mabuti ang gagawin ninyo sa mga taong ito. 36 Hindi pa nagtatagal mula nang lumitaw si Teudas na nagpanggap na isang dakilang pinuno, at nakaakit ng may apatnaraang tagasunod. Ngunit nang mapatay siya, nagkahiwa-hiwalay ang kanyang mga tauhan at nauwi sa wala ang kanilang kilusan. 37 Pagkatapos, lumitaw naman si Judas na taga-Galilea noong panahon ng pagpapatala ng mga mamamayan, at nakaakit din ito ng maraming tauhan. Nang mapatay siya, nagkahiwa-hiwalay din ang mga tagasunod niya. 38 Kaya't ganito ang payo ko: huwag ninyong pakialaman ang mga taong ito; hayaan ninyo sila. Kung ang kanilang plano o kilusan ay mula sa tao, ito'y kusang maglalaho.
39 Ngunitt kung ito'y mula sa Diyos, hindi ninyo ito mahahadlangan, at lilitaw pang kayo'y lumalaban sa Diyos!”
Sinunod nga nila ang payo ni Gamaliel. 40 Pinapasok nilang muli ang mga apostol, at matapos ipahagupit at pagbawalang mangaral sa pangalan ni Jesus, ang mga ito'y pinalaya. 41 Nilisan ng mga apostol ang Sanedrin at sila'y galak na galak sapagkat minarapat ng Diyos na sila'y magdanas ng panlalait alang-alang sa pangalan ni Jesus. 42 At araw-araw, nagpupunta sila sa Templo at sa mga bahay-bahay upang magturo at mangaral tungkol kay Jesus, ang Cristo.
ACTS 5
Peter Condemns //Ananias and Sapphira
1 Ananias and his wife Sapphira also sold a piece of property.
2 But they agreed to cheat and keep some of the money for themselves.
So when Ananias took the rest of the money to the apostles, 3 Peter said, “Why has Satan made you keep back some of the money from the sale of the property? Why have you lied to the Holy Spirit?
4 The property was yours before you sold it, and even after you sold it, the money was still yours. What made you do such a thing? You didn't lie to people. You lied to God!”
5 t As soon as Ananias heard this, he dropped dead, and everyone who heard about it was frightened.
6 Some young men came in and wrapped up his body. Then they took it out and buried it.
7 Three hours later Sapphira came in, but she did not know what had happened to her husband.
8 Peter asked her, “Tell me, did you sell the property for this amount?”
“Yes,” she answered, “that's the amount.”
9 Then Peter said, “Why did the two of you agree to test the Lord's Spirit? The men who buried Ananias are by the door, and they will carry you out!”
10 At once she fell at Peter's feet and died.
When the young men came back in, they found Sapphira lying there dead. So they carried her out and buried her beside her husband.
11 The church members were afraid, and so was everyone else who heard what had happened.Peter's Unusual Power
12 The apostles worked many miracles and wonders among the people. All of the Lord's followers often met in the part of the temple known as Solomon's Porch.t
13 No one outside their group dared join them, even though everyone liked them very much.
14 Many men and women started having faith in the Lord. 15 Then sick people were brought out to the road and placed on mats. It was hoped that Peter would walk by, and his shadow would fall on them and heal them.
16 A lot of people living in the towns near Jerusalem brought those who were sick or troubled by evil spirits, and they were all healed.Trouble for the Apostles
17 The high priest and all the other Sadducees who were with him became jealous. 18 They arrested the apostles and put them in the city jail. 19 But that night an angel from the Lord opened the doors of the jail and led the apostles out. The angel said, 20 “Go to the temple and tell the people everything about this new life.”
21 So they went into the temple before sunrise and started teaching.
The high priest and his men called together their council, which included all of Israel's leaders. Then they ordered the apostles to be brought to them from the jail. 22 The temple police who were sent to the jail did not find the apostles. They returned and said, 23 “We found the jail locked tight and the guards standing at the doors. But when we opened the doors and went in, we didn't find anyone there.”
24 The captain of the temple police and the chief priests listened to their report, but they did not know what to think about it.
25 Just then someone came in and said, “Now those men you put in jail are in the temple, teaching the people!”
26 The captain went with some of the temple police and brought the apostles back. But they did not use force. They were afraid that the people might start throwing stones at them.
27 When the apostles were brought before the council, the high priest said to them,
28 t “We told you plainly not to teach in the name of Jesus. But look what you have done! You have been teaching all over Jerusalem, and you are trying to blame us for his death.”
29 Peter and the apostles replied:
We don't obey people. We obey God. 30 You killed Jesus by nailing him to a cross. But the God our ancestors worshiped raised him to life 31 and made him our Leader and Savior. Then God gave him a place at his right side, t so that the people of Israel would turn back to him and be forgiven.
32 We are here to tell you about all this, and so is the Holy Spirit, who is God's gift to everyone who obeys God.
33 When the council members heard this, they became so angry they wanted to kill the apostles. 34 But one of the members was the Pharisee Gamaliel, a highly respected teacher. He ordered the apostles to be taken out of the room for a little while.
35 Then he said to the council:
Men of Israel, be careful what you do with these men.
36 Not long ago Theudas claimed to be someone important, and about 400 men joined him. But he was killed, and all his followers were scattered. That was the end of that.
37 Later, when the people of our nation were being counted, Judas from Galilee showed up. A lot of people followed him, but he was killed, and all his followers were scattered.
38 So I advise you to stay away from these men. Leave them alone. If what they are planning is something of their own doing, it will fail.
39 t But if God is behind it, you cannot stop it anyway, unless you want to fight against God.
The council members agreed with what he said,
40 and they called the apostles back in. They had them beaten with a whip and warned them not to speak in the name of Jesus. Then they let them go.
41 The apostles left the council and were happy, because God had considered them worthy to suffer for the sake of Jesus. 42 Every day they spent time in the temple and in one home after another. They never stopped teaching and telling the good news that Jesus is the Messiah.