Mga Gawa 5
1 Datapuwa't isang lalake na tinatawag na Ananias, na kasama ng kaniyang asawang si Safira, ay nagbili ng isang pag-aari,2 At inilingid ang isang bahagi ng halaga, na nalalaman din ito ng kaniyang asawa, at dinala ang isang bahagi, at inilagay sa mga paanan ng mga apostol.3 Datapuwa't sinabi ni Pedro, Ananias, bakit pinuspos ni Satanas ang iyong puso upang magsinungaling sa Espiritu Santo, at upang maglingid ng isang bahagi ng halaga ng lupa?4 Nang yao'y nananatili pa, hindi baga yao'y nanatiling iyong sarili? at nang maipagbili na, hindi baga nasa iyo ring kapangyarihan? Ano't inisip mo pa ang bagay na ito sa iyong puso? hindi ka nagsinungaling sa mga tao, kundi sa Dios.5 At nang marinig ni Ananias ang mga salitang ito ay nahandusay at nalagot ang hininga: at sinidlan ng malaking takot ang lahat ng nangakarinig nito.6 At nagsitindig ang mga kabinataan at siya'y binalot, at kanilang dinala siya sa labas at inilibing.7 At may tatlong oras ang nakaraan, nang ang kaniyang asawa, na di nalalaman ang nangyari, ay pumasok.8 At sinabi sa kaniya ni Pedro, Sabihin mo sa akin kung ipinagbili ninyo ng gayon ang lupa. At sinabi niya, Oo, sa gayon.9 Datapuwa't sinabi sa kaniya ni Pedro, Bakit kayo'y nagkasundo upang tuksuhin ang Espiritu ng Panginoon? narito, nangasa pintuan ang mga paa ng mga nagsipaglibing sa iyong asawa, at kanilang dadalhin ka sa labas.10 At pagdaka'y nahandusay sa paanan niya ang babae, at nalagot ang hininga: at nagsipasok ang mga kabinataan at nasumpungan siyang patay, at siya'y kanilang inilabas at inilibing siya sa siping ng kaniyang asawa.11 At sinidlan ng malaking takot ang buong iglesia, at ang lahat ng nangakarinig ng mga bagay na ito.12 At sa pamamagitan ng mga kamay ng mga apostol ay ginawa ang maraming tanda at kababalaghan sa gitna ng mga tao: at nangaroon silang lahat na nangagkakaisa sa portiko ni Salomon.13 Datapuwa't sinoman sa mga iba ay hindi nangangahas na makisama sa kanila: bagaman sila'y pinapupurihan ng bayan;14 At ang mga nagsisisampalataya ay lalo pang nangaparagdag sa Panginoon, ang mga karamihang lalake at babae:15 Na ano pa't dinala nila sa mga lansangan ang mga may-sakit, at inilagay sa mga higaan at mga hiligan, upang, pagdaan ni Pedro, ay maliliman man lamang ng anino niya ang sinoman sa kanila.16 At nangagkatipon din naman ang karamihang mula sa mga bayang nangasa palibotlibot ng Jerusalem, na nangagdadala ng mga may-sakit, at ng mga pinahihirapan ng mga karumaldumal na espiritu: at sila'y pawang pinagaling.17 Datapuwa't nagtindig ang dakilang saserdote, at ang lahat ng kasama niya (na siyang sekta ng mga Saduceo), at sila'y nangapuspos ng kainggitan,18 At kanilang sinunggaban ang mga apostol, at kanilang inilagay sila sa bilangguang bayan.19 Datapuwa't nang gabi na ay binuksan ng isang anghel ng Panginoon ang mga pintuan ng bilangguan, at sila'y inilabas, at sinabi,20 Magsihayo kayo, at magsitayo kayo sa templo, at sabihin ninyo sa bayan ang lahat ng mga salita ng Buhay na ito.21 At nang marinig nila ito, ay nagsipasok sila sa templo nang magbubukang liwayway, at nangagturo. Datapuwa't dumating ang dakilang saserdote, at ang mga kasamahan niya, at pinulong ang sanedrin, at ang buong senado sa mga anak ni Israel, at nagpautos sa bilangguan upang sila'y dalhin doon.22 Datapuwa't ang mga punong kawal na nagsiparoon ay hindi sila nangasumpungan sa bilangguan; at sila'y nangagbalik, at nangagbigay alam,23 Na sinasabi, Aming naratnang totoong mabuti ang pagkalapat ng bilangguan, at nangakatayo sa mga pintuan ang mga bantay: datapuwa't ng aming mabuksan, wala kaming nasumpungang sinoman sa loob.24 Nang marinig nga ang mga salitang ito ng puno sa templo, at ng mga pangulong saserdote, ay nangalitong totoo tungkol sa mga ito kung ano ang magiging wakas niyaon.25 At may dumating na isa at nagsabi sa kanila, Narito, ang mga lalaking ibinilanggo ninyo ay nangakatayo sa templo at nangagtuturo sa bayan.26 Nang magkagayo'y naparoon ang pangulo na kasama ang mga punong kawal, at sila'y dinalang hindi sa pilitan: sapagka't nangatatakot sa bayan, baka sila'y batuhin.27 At nang kanilang mangadala sila, ay kanilang iniharap sa Sanedrin. At tinanong sila ng dakilang saserdote,28 Na sinasabi: Ibinala naming mahigpit sa inyo na huwag kayong mangagturo sa pangalang ito: at narito, pinuno ninyo ang Jerusalem ng inyong aral, at ibig ninyong iparatang sa amin ang dugo ng taong ito.29 Datapuwa't nagsisagot si Pedro at ang mga apostol at nangagsabi, Dapat muna kaming magsitalima sa Dios bago sa mga tao.30 Ibinangon ng Dios ng ating mga magulang si Jesus, na siya ninyong pinatay, na ibinitin sa isang punong kahoy.31 Siya'y pinadakila ng Dios ng kaniyang kanang kamay upang maging Principe at Tagapagligtas, upang magbigay ng pagsisisi sa Israel, at kapatawaran ng mga kasalanan.32 At kami'y mga saksi ng mga bagay na ito; at gayon din ang Espiritu Santo, na siyang ibinigay ng Dios sa nagsisitalima sa kaniya.33 Datapuwa't sila, nang kanilang marinig ito, ay nangasugatan sa puso, at nangagpasiyang sila'y patayin.34 Datapuwa't nagtindig sa Sanedrin ang isang Fariseo, na nagngangalang Gamaliel, doktor sa kautusan, na pinapupurihan ng buong bayan, at nagutos na ilabas na sandali ang mga tao.35 At sinabi niya sa kanila, Kayong mga lalaking taga Israel, ay mangagingat kayo sa inyong sarili tungkol sa mga taong ito, kung ano ang inyong gagawin.36 Sapagka't bago pa ng mga araw na ito ay lumitaw na si Teudas, na nagsabing siya'y dakila; at sa kaniya'y nakisama ang may apat na raang tao ang bilang: na siya'y pinatay; at ang lahat ng sa kaniya'y nagsisunod, ay pawang nagsipangalat at nangawalang kabuluhan.37 Pagkatapos ng taong ito ay lumitaw si Judas na taga Galilea nang mga araw ng pagpapasulat, at nakahila siya ng marami sa bayan: siya'y nalipol rin; at ang lahat ng sa kaniya'y nagsisunod ay pawang nagsipangalat.38 At ngayo'y sinasabi ko sa inyo, Huwag kayong mangakialam sa mga taong ito, at pabayaan ninyo sila: sapagka't kung ang pasiyang ito, o ang gawang ito ay sa mga tao, ay mawawasak:39 Datapuwa't kung sa Dios, ay hindi ninyo maiwawasak; baka pa kayo'y mangasumpungan na nangakikihamok laban sa Dios.40 At sila'y nagsisangayon sa kaniya: at pagkatawag nila sa mga apostol, ay pinalo nila at ibinala sa kanila na huwag silang mangagsalita sa pangalan ni Jesus, at sila'y pinawalan.41 Sila nga'y nagsialis sa harapan ng Sanedrin, na nangatutuwang sila'y nangabilang na karapatdapat na mangagbata ng kaalimurahan dahil sa Pangalan.42 At sa araw-araw, sa templo at sa mga bahay-bahay, ay hindi sila nagsisipagtigil ng pagtuturo at pangangaral, na si Jesus ang siyang Cristo.
ACTS 5
Peter Condemns //Ananias and Sapphira
1 Ananias and his wife Sapphira also sold a piece of property.
2 But they agreed to cheat and keep some of the money for themselves.
So when Ananias took the rest of the money to the apostles, 3 Peter said, “Why has Satan made you keep back some of the money from the sale of the property? Why have you lied to the Holy Spirit?
4 The property was yours before you sold it, and even after you sold it, the money was still yours. What made you do such a thing? You didn't lie to people. You lied to God!”
5 t As soon as Ananias heard this, he dropped dead, and everyone who heard about it was frightened.
6 Some young men came in and wrapped up his body. Then they took it out and buried it.
7 Three hours later Sapphira came in, but she did not know what had happened to her husband.
8 Peter asked her, “Tell me, did you sell the property for this amount?”
“Yes,” she answered, “that's the amount.”
9 Then Peter said, “Why did the two of you agree to test the Lord's Spirit? The men who buried Ananias are by the door, and they will carry you out!”
10 At once she fell at Peter's feet and died.
When the young men came back in, they found Sapphira lying there dead. So they carried her out and buried her beside her husband.
11 The church members were afraid, and so was everyone else who heard what had happened.Peter's Unusual Power
12 The apostles worked many miracles and wonders among the people. All of the Lord's followers often met in the part of the temple known as Solomon's Porch.t
13 No one outside their group dared join them, even though everyone liked them very much.
14 Many men and women started having faith in the Lord. 15 Then sick people were brought out to the road and placed on mats. It was hoped that Peter would walk by, and his shadow would fall on them and heal them.
16 A lot of people living in the towns near Jerusalem brought those who were sick or troubled by evil spirits, and they were all healed.Trouble for the Apostles
17 The high priest and all the other Sadducees who were with him became jealous. 18 They arrested the apostles and put them in the city jail. 19 But that night an angel from the Lord opened the doors of the jail and led the apostles out. The angel said, 20 “Go to the temple and tell the people everything about this new life.”
21 So they went into the temple before sunrise and started teaching.
The high priest and his men called together their council, which included all of Israel's leaders. Then they ordered the apostles to be brought to them from the jail. 22 The temple police who were sent to the jail did not find the apostles. They returned and said, 23 “We found the jail locked tight and the guards standing at the doors. But when we opened the doors and went in, we didn't find anyone there.”
24 The captain of the temple police and the chief priests listened to their report, but they did not know what to think about it.
25 Just then someone came in and said, “Now those men you put in jail are in the temple, teaching the people!”
26 The captain went with some of the temple police and brought the apostles back. But they did not use force. They were afraid that the people might start throwing stones at them.
27 When the apostles were brought before the council, the high priest said to them,
28 t “We told you plainly not to teach in the name of Jesus. But look what you have done! You have been teaching all over Jerusalem, and you are trying to blame us for his death.”
29 Peter and the apostles replied:
We don't obey people. We obey God. 30 You killed Jesus by nailing him to a cross. But the God our ancestors worshiped raised him to life 31 and made him our Leader and Savior. Then God gave him a place at his right side, t so that the people of Israel would turn back to him and be forgiven.
32 We are here to tell you about all this, and so is the Holy Spirit, who is God's gift to everyone who obeys God.
33 When the council members heard this, they became so angry they wanted to kill the apostles. 34 But one of the members was the Pharisee Gamaliel, a highly respected teacher. He ordered the apostles to be taken out of the room for a little while.
35 Then he said to the council:
Men of Israel, be careful what you do with these men.
36 Not long ago Theudas claimed to be someone important, and about 400 men joined him. But he was killed, and all his followers were scattered. That was the end of that.
37 Later, when the people of our nation were being counted, Judas from Galilee showed up. A lot of people followed him, but he was killed, and all his followers were scattered.
38 So I advise you to stay away from these men. Leave them alone. If what they are planning is something of their own doing, it will fail.
39 t But if God is behind it, you cannot stop it anyway, unless you want to fight against God.
The council members agreed with what he said,
40 and they called the apostles back in. They had them beaten with a whip and warned them not to speak in the name of Jesus. Then they let them go.
41 The apostles left the council and were happy, because God had considered them worthy to suffer for the sake of Jesus. 42 Every day they spent time in the temple and in one home after another. They never stopped teaching and telling the good news that Jesus is the Messiah.