previous next

Mga Gawa 9

1 Datapuwa't si Saulo, na sumisilakbo pa ng mga pagbabanta at pagpatay laban sa mga alagad ng Panginoon, ay naparoon sa dakilang saserdote,2 At humingi sa kaniya ng mga sulat sa Damasco sa mga sinagoga, upang kung siya'y makasumpong ng sinoman sa mga nasa Daan, maging mga lalake o mga babae, ay kaniya silang madalang gapos sa Jerusalem.3 At sa kaniyang paglalakad, ay nangyari na siya'y malapit sa Damasco: at pagdaka'y nagliwanag sa palibot niya ang isang ilaw mula sa langit:4 At siya'y nasubasob sa lupa, at nakarinig ng isang tinig na sa kaniya'y nagsasabi, Saulo, Saulo, bakit mo ako pinaguusig?5 At sinabi niya, Sino ka baga, Panginoon? At sinabi niya, Ako'y si Jesus na iyong pinaguusig:6 Nguni't magtindig ka, at ikaw ay pumasok sa bayan, at sasalitain sa iyo ang dapat mong gawin.7 At ang mga taong kasama niya sa paglalakad ay nangatilihan na hindi makapagsalita, na naririnig ang tinig, datapuwa't walang nakikitang sinoman.8 At nagtindig sa lupa si Saulo; at pagkadilat ng kaniyang mga mata, ay di siya nakakita ng anoman; at kanilang inakay siya sa kamay at ipinasok siya sa Damasco.9 At siya'y tatlong araw na walang paningin, at hindi kumain ni uminom man.10 Ngayon nga'y may isang alagad sa Damasco, na nagngangalang Ananias; at sinabi sa kaniya ng Panginoon sa pangitain, Ananias. At sinabi niya, Narito ako, Panginoon.11 At sinabi sa kaniya ng Panginoon, Magtindig ka, at pumaroon sa lansangang tinatawag na Matuwid, at ipagtanong mo sa bahay ni Judas ang isa na nagngangalang Saulo, lalaking taga Tarso: sapagka't narito, siya'y nananalangin;12 At nakita niya ang isang lalaking nagngangalang Ananias na pumapasok, at ipinapatong ang kaniyang mga kamay sa kaniya, upang tanggapin niya ang kaniyang paningin.13 Nguni't sumagot si Ananias, Panginoon, nabalitaan ko sa marami ang tungkol sa taong ito, kung gaano karaming kasamaan ang ginawa niya sa iyong mga banal sa Jerusalem:14 At dito siya'y may kapahintulutan ng mga pangulong saserdote na gapusin ang lahat ng mga nagsisitawag sa iyong pangalan.15 Datapuwa't sinabi sa kaniya ng Panginoon, Pumaroon ka: sapagka't siya'y sisidlang hirang sa akin, upang dalhin ang aking pangalan sa harapan ng mga Gentil at ng mga hari, at ng mga anak ni Israel:16 Sapagka't sa kaniya'y aking ipakikilala kung gaano karaming mga bagay ang dapat niyang tiisin dahil sa aking pangalan.17 At umalis si Ananias at pumasok sa bahay; at ipinatong ang kaniyang mga kamay sa kaniya na sinabi, Kapatid na Saulo, ang Panginoon, sa makatuwid baga'y si Jesus, na sa iyo'y napakita sa daan na iyong pinanggalingan, ay nagsugo sa akin, upang tanggapin mo ang iyong paningin, at mapuspos ka ng Espiritu Santo.18 At pagdaka'y nangalaglag mula sa kaniyang mga mata ang mga parang kaliskis, at tinanggap niya ang kaniyang paningin; at siya'y nagtindig at siya'y binautismuhan;19 At siya'y kumain at lumakas. At siya'y nakisamang ilang araw sa mga alagad na nangasa Damasco.20 At pagdaka'y kaniyang itinanyag sa mga sinagoga si Jesus, na siya ang Anak ng Dios.21 At ang lahat ng sa kaniya'y nakarinig ay namangha, at nangagsabi, Hindi baga ito yaong sa Jerusalem ay lumipol sa mga nagsitawag sa pangalang ito? at sa ganitong nasa ay naparito siya, upang sila'y dalhing gapos sa harap ng mga pangulong saserdote.22 Datapuwa't lalo nang lumakas ang loob ni Saulo, at nilito ang mga Judio na nangananahan sa Damasco, na pinatutunayan na ito ang Cristo.23 At nang maganap ang maraming mga araw, ay nangagsanggunian ang mga Judio upang siya'y patayin:24 Datapuwa't napagtalastas ni Saulo ang kanilang banta. At kanilang binantayan naman ang mga pintuang daan sa araw at gabi upang siya'y kanilang patayin:25 Nguni't kinuha siya sa gabi ng kaniyang mga alagad, at siya'y ibinaba sa kuta na siya'y inihugos na nasa isang balaong.26 At nang siya'y dumating sa Jerusalem, ay pinagsikapan niyang makipisan sa mga alagad: at silang lahat ay nangatakot sa kaniya, sa di paniniwala na siya'y alagad,27 Datapuwa't kinuha siya ni Bernabe, at siya'y iniharap sa mga apostol, at sa kanila'y isinaysay kung paanong nakita niya sa daan ang Panginoon, at kinausap siya, at kung paanong siya'y nangaral sa Damasco na may katapangan sa pangalan ni Jesus.28 At siya'y kasamasama nila, na pumapasok at lumalabas sa Jerusalem,29 Na nangangaral na may katapangan sa pangalan ng Panginoon: at siya'y nagsalita at nakipagtuligsaan sa mga Greco-Judio; datapuwa't pinagpipilitan nilang siya'y mapatay.30 At nang maalaman ito ng mga kapatid, ay inihatid nila siya sa Cesarea, at siya'y sinugo nila sa Tarso.31 Sa gayo'y nagkaroon ng kapayapaan ang iglesia sa buong Judea at Galilea at Samaria palibhasa'y pinagtibay; at, sa paglakad na may takot sa Panginoon at may kaaliwan ng Espiritu Santo, ay nagsisidami.32 At nangyari, na sa paglalakad ni Pedro sa lahat ng dako, siya'y naparoon naman sa mga banal na nangananahan sa Lidda.33 At doo'y natagpuan niya ang isang lalake na nagngangalang Eneas, na walo nang taong sumasabanig; sapagka't siya'y lumpo.34 At sinabi sa kaniya ni Pedro, Eneas, pinagagaling ka ni Jesucristo: magtindig ka, at husayin mo ang iyong higaan. At pagdaka'y nagtindig siya.35 At siya'y nakita ng lahat ng mga nangananahan sa Lidda at sa Sarona, at sila'y nangagbalik-loob sa Panginoon.36 Ngayon ay may isang alagad sa Joppe na nagngangalang Tabita, na ang kahuluga'y Dorcas: ang babaing ito'y puspos ng mabubuting gawa at ng pagkaawang gawa na kaniyang ginagawa.37 At nangyari nang mga araw na yaon, na siya'y nagkasakit, at namatay: at nang siya'y mahugasan na nila, ay kanilang ibinurol siya sa isang silid sa itaas.38 At sapagka't malapit ang Lidda sa Joppe, pagkabalita ng mga alagad na si Pedro ay naroroon, ay nangagsugo sa kaniya ng dalawa katao, na ipinamamanhik sa kaniya, Huwag kang magluwat ng pagparito sa amin.39 At nagtindig si Pedro at sumama sa kanila. At pagdating niya, ay inihatid nila sa silid sa itaas: at siya'y niligid ng lahat ng mga babaing bao, na nagsisitangis, at ipinakikita ang mga tunika at ang mga damit na ginawa ni Dorcas, nang ito'y kasama pa nila.40 Datapuwa't pinalabas silang lahat ni Pedro, at lumuhod, at nanalangin; at pagbaling sa bangkay ay kaniyang sinabi, Tabita, magbangon ka. At iminulat niya ang kaniyang mga mata, at nang makita niya si Pedro, ay naupo siya.41 At iniabot ni Pedro sa kaniya ang kaniyang kamay, at siya'y itinindig; at tinawag ang mga banal at ang mga babaing bao, at siya'y iniharap niyang buhay.42 At ito'y nabansag sa buong Joppe: at marami ang mga nagsisampalataya sa Panginoon.43 At nangyari, na siya'y nanahang maraming mga araw sa Joppe, na kasama ni Simong mangluluto ng balat.

ACTS 9

Saul Becomes a Follower //of the Lord

(Acts 22.6-16; 26.12-18)

1 Saul kept on threatening to kill the Lord's followers. He even went to the high priest 2 and asked for letters to the leaders of the synagogues in Damascus. He did this because he wanted to arrest and take to Jerusalem any man or woman who had accepted the Lord's Way.t 3 When Saul had almost reached Damascus, a bright light from heaven suddenly flashed around him.

4 He fell to the ground and heard a voice saying, “Saul! Saul! Why are you so cruel to me?”

5 “Who are you?” Saul asked.
“I am Jesus,” the Lord answered. “I am the one you are so cruel to.

6 Now get up and go into the city, where you will be told what to do.”
7  t The men with Saul stood there speechless. They had heard the voice, but they had not seen anyone. 8 Saul got up from the ground, and when he opened his eyes, he could not see a thing. Someone then led him by the hand to Damascus,

9 and for three days he was blind and did not eat or drink.

10 A follower named Ananias lived in Damascus, and the Lord spoke to him in a vision. Ananias answered, “Lord, here I am.”
11 The Lord said to him, “Get up and go to the house of Judas on Straight Street. When you get there, you will find a man named Saul from the city of Tarsus. Saul is praying,

12 and he has seen a vision. He saw a man named Ananias coming to him and putting his hands on him, so he could see again.”
13 Ananias replied, “Lord, a lot of people have told me about the terrible things this man has done to your followers in Jerusalem.

14 Now the chief priests have given him the power to come here and arrest anyone who worships in your name.”
15 The Lord said to Ananias, “Go! I have chosen him to tell foreigners, kings, and the people of Israel about me.

16 I will show him how much he must suffer for worshiping in my name.”

17 Ananias left and went into the house where Saul was staying. Ananias placed his hands on him and said, “Saul, the Lord Jesus has sent me. He is the same one who appeared to you along the road. He wants you to be able to see and to be filled with the Holy Spirit.”
18  t Suddenly something like fish scales fell from Saul's eyes, and he could see. He got up and was baptized.

19 Then he ate and felt much better.

Saul Preaches in Damascus


For several days Saul stayed with the Lord's followers in Damascus. 20 Soon he went to the synagogues and started telling people that Jesus is the Son of God.

21 Everyone who heard Saul was amazed and said, “Isn't this the man who caused so much trouble for those people in Jerusalem who worship in the name of Jesus? Didn't he come here to arrest them and take them to the chief priests?”

22 Saul preached with such power that he completely confused the Jewish people in Damascus, as he tried to show them that Jesus is the Messiah.
23  t Later some of them made plans to kill Saul, 24 but he found out about it. He learned that they were guarding the gates of the city day and night in order to kill him.

25 Then one night his followers let him down over the city wall in a large basket.

Saul in Jerusalem


26 When Saul arrived in Jerusalem, he tried to join the followers. But they were all afraid of him, because they did not believe he was a true follower.

27 Then Barnabas helped him by taking him to the apostles. He explained how Saul had seen the Lord and how the Lord had spoken to him. Barnabas also said when Saul was in Damascus, he had spoken bravely in the name of Jesus.
28 Saul moved about freely with the followers in Jerusalem and told everyone about the Lord. 29 He was always arguing with the Jews who spoke Greek, and so they tried to kill him.

30 But the followers found out about this and took Saul to Caesarea. From there they sent him to the city of Tarsus.

31 The church in Judea, Galilee, and Samaria now had a time of peace and kept on worshiping the Lord. The church became stronger, as the Holy Spirit encouraged it and helped it grow.

Peter Heals Aeneas


32 While Peter was traveling from place to place, he visited the Lord's followers who lived in the town of Lydda. 33 There he met a man named Aeneas, who for eight years had been sick in bed and could not move.

34 Peter said to Aeneas, “Jesus Christ has healed you! Get up and make up your bed.”t At once he stood up.

35 Many people in the towns of Lydda and Sharon saw Aeneas and became followers of the Lord.

Peter Brings Dorcas //Back to Life


36 In Joppa there was a follower named Tabitha. Her Greek name was Dorcas, which means “deer.” She was always doing good things for people and had given much to the poor. 37 But she got sick and died, and her body was washed and placed in an upstairs room. 38 Joppa wasn't far from Lydda, and the followers heard that Peter was there. They sent two men to say to him, “Please come with us as quickly as you can!”

39 At once, Peter went with them.
The men took Peter upstairs into the room. Many widows were there crying. They showed him the coats and clothes that Dorcas had made while she was still alive.
40 After Peter had sent everyone out of the room, he knelt down and prayed. Then he turned to the body of Dorcas and said, “Tabitha, get up!” The woman opened her eyes, and when she saw Peter, she sat up.

41 He took her by the hand and helped her to her feet.
Peter called in the widows and the other followers and showed them that Dorcas had been raised from death.
42 Everyone in Joppa heard what had happened, and many of them put their faith in the Lord. 43 Peter stayed on for a while in Joppa in the house of a man named Simon, who made leather.