Mga Taga-Colosas 1
1 Mula kay Pablo, apostol ni Cristo Jesus ayon sa kalooban ng Diyos, at mula rin sa kapatid nating si Timoteo:
2 Para sa mga taga-Colosas na hinirang ng Diyos at mga tapat na kapatid kay Cristo.
Sumainyo nawa ang pagpapala at kapayapaang mula sa Diyos na ating Ama.Panalangin ng Pasasalamat
3 Tuwing ipapanalangin namin kayo, lagi kaming nagpapasalamat sa Diyos na Amat ng ating Panginoong Jesu-Cristo. 4 Nabalitaan namin ang inyong pananalig kay Cristo Jesus at ang inyong pag-ibig sa lahat ng hinirang ng Diyos, 5 dahil sa pag-asang makakamtan ninyo na inihanda para sa inyo doon sa langit. Nalaman ninyo ang tungkol sa pag-asang ito nang ipangaral sa inyo ang salita ng katotohanan, ang Magandang Balita na dumating sa inyo. 6 Ito'y lumalaganap at nagdadala ng pagpapala sa buong daigdig, tulad ng nangyari sa inyo mula nang marinig at maunawaan ninyo ang katotohanan tungkol sa kagandahang-loob ng Diyos. 7 Natutunant ninyo ito kay Epafras, ang aming kamanggagawa, isang tapat na lingkod ni Cristo at kinatawan ninyo.t
8 Sa kanya namin nalaman ang tungkol sa pag-ibig na ipinagkaloob sa inyo ng Espiritu.
9 Kaya't mula nang marinig namin ito, patuloy naming idinadalangin sa Diyos na sana'y ipaunawa niya sa inyo nang lubusan ang kanyang kalooban, sa pamamagitan ng karunungan at pang-unawang kaloob ng Espiritu. 10 Sa gayon, makakapamuhay na kayo nang karapat-dapat at kalugud-lugod sa Panginoon, sasagana sa lahat ng uri ng mabubuting gawa, at lalawak ang inyong pagkakilala sa Diyos. 11 Idinadalangin din naming patatagin niya kayo sa tulong ng kanyang dakilang kapangyarihan, upang inyong matiis na masaya at may pagtitiyaga ang lahat ng bagay. 12 Lagi kayong magpasalamat sa Ama sapagkat minarapat niyang makabahagi kayot sa mga pangako ng Diyos para sa mga hinirang na nasa liwanag. 13 Iniligtas niya tayo sa kapangyarihan ng kadiliman at inilipat sa kaharian ng kanyang minamahal na Anak,
14 nat nagpalaya at nagdulot sa atin ng kapatawaran sa ating mga kasalanan.tAng Likas at Gawain ni Cristo
15 Sit Cristo ang larawan ng Diyos na di-nakikita. Siya ang panganay na anak at pangunahin sa lahat ng mga nilikha. 16 Sapagkat sa pamamagitan niya ay nilikha ang lahat ng nasa langit at nasa lupa, nakikita man o hindi, pati ang mga espirituwal na kapangyarihan, paghahari, pamamahala, at pamumuno. Ang lahat ay nilikha ng Diyos sa pamamagitan niya at para sa kanya. 17 Siya ang una sa lahat, at ang buong sansinukob ay nananatiling nasa kaayusan sa pamamagitan niya. 18 Siyat ang ulo ng iglesya na kanyang katawan. Siya ang pasimula, siya ang panganay na anak, ang unang binuhay mula sa mga patay, upang siya'y maging pangunahin sa lahat. 19 Sapagkat minarapat ng Diyos na ang buo niyang kalikasan ay manatili sa Anak,
20 att sa pamamagitan ng Anak, niloob ng Diyos na ang lahat ng bagay, maging sa langit o sa lupa, ay makipagkasundo sa kanya; pakikipagkasundo sa pamamagitan ng pag-aalay ng Anak ng kanyang dugo sa krus.t
21 Dati, kayo'y malayo sa Diyos at naging kaaway niya dahil sa inyong paggawa at pag-iisip ng masasama. 22 Ngunit sa pamamagitan ng pagkamatay ni Cristo, kayo ay ginawang kaibigan ng Diyos, nang sa gayon ay maiharap niya kayong banal, walang kapintasan at walang dungis.
23 Subalit kailangan ninyong manatiling tapat at matatag sa inyong pananampalataya at huwag pabayaang mawala ang pag-asang dulot ng Magandang Balita na inyong narinig. Niloob ng Diyos na akong si Pablo ay maging tagapangaral ng Magandang Balitang ito na ipinahayag sa lahat ng tao sa buong daigdig.Si Pablo'y Naglingkod sa Iglesya
24 Nagagalak ako sa aking paghihirap alang-alang sa inyo, sapagkat sa pamamagitan nito'y naipagpapatuloy ko ang paghihirap na kailangan pang gawin ni Cristo para sa iglesya na kanyang katawan. 25 Ako'y naging lingkod nito nang piliin ako ng Diyos upang ipahayag sa inyo ang kanyang salita, 26 ang hiwaga na sa mahabang panahon ay inilihim sa maraming sali't saling lahi, ngunit ngayo'y inihayag na sa kanyang mga pinili. 27 Niloob ng Diyos na ihayag sa lahat ng mga Hentil ang dakila at kamangha-manghang hiwagang ito na walang iba kundi si Cristo na nasa inyo. Siya ang ating pag-asa na tayo'y makakabahagi sa kaluwalhatian ng Diyos. 28 Iyan ang dahilan kung bakit ipinapangaral namin si Cristo. Ang lahat ay aming pinapaalalahanan at tinuturuan nang may buong kaalaman upang maiharap namin sa Diyos ang bawat isa nang ganap at walang kapintasan dahil sa kanilang pakikipag-isa kay Cristo. 29 Ito ang aking pinagsisikapang matupad sa pamamagitan ng kapangyarihang kaloob sa akin ni Cristo.
COLOSSIANS 1
1 From Paul, chosen by God to be an apostle of Christ Jesus, and from Timothy, who is also a follower.
2 To God's people who live in Colossae and are faithful followers of Christ.
I pray that God our Father will be kind to you and will bless you with peace!A Prayer of Thanks
3 Each time we pray for you, we thank God, the Father of our Lord Jesus Christ. 4 We have heard of your faith in Christ and of your love for all God's people,
5 because what you hope for is kept safe for you in heaven. You first heard about this hope when you believed the true message, which is the good news.
6 The good news is spreading all over the world with great success. It has spread in this same way among you, ever since the first day you learned the truth about God's wonderful kindness 7 t from our good friend Epaphras. He works together with us for Christ and is a faithful worker for you.t
8 He is also the one who told us about the love that God's Spirit has given you.The Person and Work //of Christ
9 We have not stopped praying for you since the first day we heard about you. In fact, we always pray that God will show you everything he wants you to do and that you may have all the wisdom and understanding his Spirit gives. 10 Then you will live a life that honors the Lord, and you will always please him by doing good deeds. You will come to know God even better.
11 His glorious power will make you patient and strong enough to endure anything, and you will be truly happy.
12 I pray that you will be grateful to God for letting yout have part in what he has promised his people in the kingdom of light. 13 God rescued us from the dark power of Satan and brought us into the kingdom of his dear Son,
14 t who forgives our sins and sets us free.
15 t Christ is exactly like God,
who cannot be seen.
He is the first-born Son,
superior to all creation.
16 Everything was created by him,
everything in heaven
and on earth,
everything seen and unseen,
including all forces
and powers,
and all rulers
and authorities.
All things were created
by God's Son,
and everything was made
for him.
17 God's Son was before all else,
and by him everything
is held together.
18 t He is the head of his body,
which is the church.
He is the very beginning,
the first to be raised
from death,
so that he would be
above all others.
19 God himself was pleased
to live fully in his Son.
20 t And God was pleased
for him to make peace
by sacrificing his blood
on the cross,
so that all beings in heaven
and on earth
would be brought back to God.
21 You used to be far from God. Your thoughts made you his enemies, and you did evil things. 22 But his Son became a human and died. So God made peace with you, and now he lets you stand in his presence as people who are holy and faultless and innocent.
23 But you must stay deeply rooted and firm in your faith. You must not give up the hope you received when you heard the good news. It was preached to everyone on earth, and I myself have become a servant of this message.Paul's Service to the Church
24 I am glad I can suffer for you. I am pleased also that in my own body I can continuet the suffering of Christ for his body, the church. 25 God's plan was to make me a servant of his church and to send me to preach his complete message to you. 26 For ages and ages this message was kept secret from everyone, but now it has been explained to God's people.
27 God did this because he wanted you Gentiles to understand his wonderful and glorious mystery. And the mystery is that Christ lives in you, and he is your hope of sharing in God's glory.
28 We announce the message about Christ, and we use all our wisdom to warn and teach everyone, so all of Christ's followers will grow and become mature. 29 This is why I work so hard and use the mighty power he gives me.