previous next

Mga Taga-Colosas 3

1 Binuhayt kayong muli na kasama ni Cristo, kaya't ang pagtuunan ninyo ng isip ay ang mga bagay na nasa langit na kinaroroonan ni Cristo, na nakaupo sa kanan ng Diyos. 2 Ang mga bagay na panlangit ang isaisip ninyo, hindi ang mga bagay na panlupa, 3 sapagkat namatay na kayo at ang inyong tunay na buhay ay natatago sa Diyos, kasama ni Cristo.

4 Si Cristo ang inyong buhay, at kapag siya'y nahayag na, mahahayag din kayong kasama niya at makakahati sa kanyang karangalan.

Ang Dati at Bagong Buhay


5 Kaya't dapat nang mawala sa inyo ang mga pagnanasang makalaman, ang pakikiapid, kahalayan, mahalay na simbuyo ng damdamin, masasamang nasa, at ang kasakiman na isang uri ng pagsamba sa diyus-diyosan. 6 Dahil sa mga ito, tatanggap ng parusa ng Diyos ang mga taong ayaw pasakop sa kanya.t

7 Kayo man ay namuhay din ayon sa mga pitang iyon nang kayo ay pinaghaharian pa ng mga ito.
8 Ngunit ngayon, itakwil na ninyo ang lahat ng galit, poot, at sama ng loob. Iwasan na ninyo ang panlalait at malaswang pananalita. 9 Huwagt kayong magsisinungaling sa isa't isa, sapagkat hinubad na ninyo ang dati ninyong pagkatao, pati ang mga gawa nito. 10 Isinuott ninyo ang bagong pagkatao na patuloy na nababago at nagiging kalarawan ng Diyos na lumikha sa inyo, upang lalo ninyo siyang makilala.

11 Kaya't sa kalagayang ito, wala nang pagkakaiba ang Griego at ang Judio, ang tuli at ang di-tuli, ang dayuhan at ang mabangis na tao, ang alipin at ang malaya. Ngunit si Cristo ang pinakamahalaga sa lahat, at siya'y nasa inyong lahat.
12 Kayat nga, dahil kayo'y hinirang ng Diyos, minamahal niya at pinili para sa kanya, dapat kayong maging mahabagin, mabait, mapagpakumbabá, mahinahon, at mapagtiis. 13 Magpasensiyat kayo sa isa't isa at magpatawad kayo kung may hinanakit kayo kaninuman. Magpatawad kayo gaya ng pagpapatawad sa inyo ng Panginoon.t 14 At higit sa lahat, magmahalan kayo, sapagkat ang pag-ibig ang buklod ng ganap na pagkakaisa. 15 Paghariin ninyo sa inyong puso ang kapayapaang kaloob ni Cristo, sapagkat iyan ang dahilan kung bakit kayo tinawag sa iisang katawan. Magpasalamat kayong lagi. 16 Angt salita ni Cristo'y hayaan ninyong lubusang manatili sa inyong puso. Turuan ninyo at paalalahanan ang isa't isa nang may buong karunungan. Buong puso kayong umawit ng mga salmo, mga himno at mga awiting espirituwal, nang may pagpapasalamat sa Diyos.

17 At anuman ang inyong sasabihin o gagawin, gawin ninyong lahat sa pangalan ng Panginoong Jesus at sa pamamagitan niya'y magpasalamat kayo sa Diyos Ama.

Ang Pagsasamahang Nararapat


18 Mgat babae, pasakop kayo sa inyong asawa, sapagkat iyan ang kalooban ng Panginoon.

19 Mgat lalaki, mahalin ninyo ang inyong asawa, at huwag kayong maging malupit sa kanila.

20 Mgat anak, sundin ninyong lagi ang inyong mga magulang, sapagkat iyan ang nakalulugod sa Panginoon.

21 Mgat magulang, huwag ninyong pagagalitan nang labis ang inyong mga anak at baka masiraan sila ng loob.
22 Mgat alipin, sa lahat ng bagay ay sundin ninyo ang inyong mga amo. May nakakakita man o wala, maglingkod kayo hindi upang kalugdan ng mga tao, kundi dahil sa kayo'y talagang tapat at may takot sa Panginoon. 23 Anuman ang inyong ginagawa, gawin ninyo nang buong puso na parang sa Panginoon kayo naglilingkod at hindi sa tao. 24 Sapagkat si Cristo ang Panginoong pinaglilingkuran ninyo at alalahanin ninyong pagkakalooban kayo ng Panginoon ng gantimpalang inilaan niya para sa inyo. 25 Angt makasalanan naman ay paparusahan niya sa kanilang kasalanan, sapagkat ang Diyos ay walang kinikilingan.

COLOSSIANS 3

1  t You have been raised to life with Christ. Now set your heart on what is in heaven, where Christ rules at God's right side.t 2 Think about what is up there, not about what is here on earth. 3 You died, which means that your life is hidden with Christ, who sits beside God.

4 Christ gives meaning to yourt life, and when he appears, you will also appear with him in glory.
5 Don't be controlled by your body. Kill every desire for the wrong kind of sex. Don't be immoral or indecent or have evil thoughts. Don't be greedy, which is the same as worshiping idols. 6 God is angry with people who disobey him by doingt these things. 7 And this is exactly what you did, when you lived among people who behaved in this way. 8 But now you must stop doing such things. You must quit being angry, hateful, and evil. You must no longer say insulting or cruel things about others.

9 t And stop lying to each other. You have given up your old way of life with its habits.
10  t Each of you is now a new person. You are becoming more and more like your Creator, and you will understand him better.

11 It doesn't matter if you are a Greek or a Jew, or if you are circumcised or not. You may even be a barbarian or a Scythian, t and you may be a slave or a free person. Yet Christ is all that matters, and he lives in all of us.
12  t God loves you and has chosen you as his own special people. So be gentle, kind, humble, meek, and patient. 13 t Put up with each other, and forgive anyone who does you wrong, just as Christ has forgiven you.

14 Love is more important than anything else. It is what ties everything completely together.
15 Each one of you is part of the body of Christ, and you were chosen to live together in peace. So let the peace that comes from Christ control your thoughts. And be grateful. 16 t Let the message about Christ completely fill your lives, while you use all your wisdom to teach and instruct each other. With thankful hearts, sing psalms, hymns, and spiritual songs to God.

17 Whatever you say or do should be done in the name of the Lord Jesus, as you give thanks to God the Father because of him.

Some Rules for Christian Living


18  t A wife must put her husband first. This is her duty as a follower of the Lord.

19  t A husband must love his wife and not abuse her.

20  t Children must always obey their parents. This pleases the Lord.

21  t Parents, don't be hard on your children. If you are, they might give up.
22  t Slaves, you must always obey your earthly masters. Try to please them at all times, and not just when you think they are watching. Honor the Lord and serve your masters with your whole heart. 23 Do your work willingly, as though you were serving the Lord himself, and not just your earthly master. 24 In fact, the Lord Christ is the one you are really serving, and you know he will reward you. 25 t But Christ has no favorites! He will punish evil people, just as they deserve.